15/06/2026
| ๐๐๐โ๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Isinara na ang nominasyon para sa susunod na Rehente ng Mag-aaral ng ANAK PUP noong Hunyo 14, 11:59 PM. Umabot sa 176 ang kabuuang bilang ng mga balidong nominasyon.
Ipinapakita ng bilang na ito ang mataas na antas ng partisipasyon ng mga mag aaral sa proseso ng nominasyon. Sa gitna ng ibaโt ibang hamong kinakaharap ng sektor ng kabataan at edukasyon, nananatiling mahalaga ang aktibong pakikilahok ng komunidad sa pagpili ng mga kinatawang magdadala ng kanilang mga hinaing, paninindigan, at adhikain sa pinakamataas na antas ng pamamahala ng pamantasan.
Mga Konsensya ng Bayan, halinaโt tumutok sa mga susunod na yugto ng paghahanap sa susunod na Rehente ng Mag-aaral. Higit kailanman, kailangan natin ng isang kinatawang nakaugat sa hanay ng sangkaestudyantehan na handang maging boses sa loob at labas ng pamantasan, may kakayahang itaguyod ang karapatan, kapakanan, at demokratikong interes ng mga estudyante.
Higit sa lahat, kailangan natin ng isang Rehente ng Mag-aaral na hindi lamang makikita tuwing panahon ng eleksyon kundi patuloy na nakikinig at kumikilos kasama ng mga estudyante. Ang tunay na representasyon ay nasusukat hindi sa titulo o posisyon kundi sa kakayahang maglingkod, manindigan, at manatiling tapat sa masang kanyang kinakatawan.