02/06/2026
๐ค | ๐๐๐ฅ๐๐ฉ ๐ฝ๐๐จ๐๐: ๐๐ช๐ก๐ ๐จ๐ ๐๐ค๐ง๐ง๐๐จ๐๐๐ฃ, ๐๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐ค๐ง๐ง๐๐จ๐๐๐ฃ
Sa bawat hakbang ng ating paglalakbay bilang mga mag-aaral, hindi ma-ikakaila na may ilan sa ating kapwa Torresian na nangangailangan ng dagdag na suporta. Sa pamamagitan ng proyektong ito, sama-sama tayong mag-aabot ng tulong upang matugunan ang pangangailangan ng mga torresians sa uniform, toiletries, at school suppliesโmga bagay na mahalaga at tiyak na magagamit ng mga mag-aaral upang mas maging magaan ang kanilang pagpasok sa paaralan. ๐โโ ๐โโ
Ang bawat donasyong inyong ibabahagi ay higit pa sa materyal na tulong. Ito ay simbolo ng malasakit, ng pagkakapit-bisig, at ng pangakong walang Torresian ang maiiwan. Sa pagbibigay ng simpleng gamit pang-eskwela, o sa pag-aalay ng mga pangunahing pangangailangan, ipinapakita natin na ang tunay na lakas ng ating komunidad ay nasa pagkakaisa. โค๏ธโ๐ฉน ๐
Nawaโy magsilbing inspirasyon ang proyektong ito upang patuloy nating isabuhay ang diwa ng bayanihan. ๐ซ
Sa bawat uniform o damit na maibabahagi, sa bawat toiletries na maipapasa, at sa bawat lapis o papel na ma- i-aabot, naroon ang mensahe ng pag-asa. Sama-sama nating itaguyod ang adhikain ng paaralan na maging daluyan ng malasakit, pagkakaisa, at tagumpay para sa lahat ng Torresian. ๐ซ ๐
โโ๐ผ๏ธ: Jamelle O. Mercader (SSLG P.I.O)
๐๏ธ: Jannah Danica M. Agbuya (SSLG Grade 9 Representative)