Santo Niño de Tondo Parish Youth Ministry

Santo Niño de Tondo Parish Youth Ministry Kabataan, Tanglaw ng Simbahan. The official page of the Youth Ministry of the Minor Basilica and Archdiocesan Shrine Parish of Santo Niño de Tondo.

YOUMICON 2026 | UPDATES Mga Kabataang Katoliko! Keep that energy high as the animators from St. Peter the Apostles Paris...
26/09/2026

YOUMICON 2026 | UPDATES

Mga Kabataang Katoliko! Keep that energy high as the animators from St. Peter the Apostles Parish are keeping the vibe alive and the crowd on their feet!




20/09/2026
𝗬𝗢𝗨𝗧𝗛 𝗡𝗜𝗚𝗛𝗧 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝗦𝗲𝘁𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟭𝟵, 𝟮𝟬𝟮𝟲Isinagawa noong ika-19 ng Setyembre, ganap na ika-6:00 ng gabi, ang Parish Youth Ni...
20/09/2026

𝗬𝗢𝗨𝗧𝗛 𝗡𝗜𝗚𝗛𝗧 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝗦𝗲𝘁𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟭𝟵, 𝟮𝟬𝟮𝟲

Isinagawa noong ika-19 ng Setyembre, ganap na ika-6:00 ng gabi, ang Parish Youth Night 2026 sa Holy Child Catholic School CTB Grounds.

Napuno ang gabi ng iba’t ibang pagtatanghal ng talento, palaro, at kasiyahan mula sa mga kabataan ng iba’t ibang ministeryo at organisasyon ng ating Basilika Menor. Bawat ipinamalas na talento ay isang biyaya mula sa Diyos na dapat pagyabungin at gamitin para sa paglilingkod.

Lubos na nagpapasalamat ang Parish Youth Ministry sa lahat ng kabataang nagbahagi ng kanilang talento at nakilahok sa mga palarong isinagawa. Nawa’y ang pagtitipong ito ay magsilbing daan upang higit pang maipakita ng kabataan na sila ay may kakayahang maging natatangi, hindi lamang nakikiayon sa nakararami, kundi nagsisilbing tanglaw ng pananampalataya at pagbabago sa Simbahan at lipunan.





“𝙔𝙤𝙪𝙩𝙝 𝙛𝙤𝙧 𝙩𝙝𝙚 𝘾𝙝𝙪𝙧𝙘𝙝 𝙨𝙝𝙤𝙪𝙡𝙙 𝙗𝙚 𝙙𝙞𝙛𝙛𝙚𝙧𝙚𝙣𝙩 𝙖𝙣𝙙 𝙨𝙝𝙤𝙪𝙡𝙙 𝙢𝙖𝙠𝙚 𝙖 𝙙𝙞𝙛𝙛𝙚𝙧𝙚𝙣𝙘𝙚” | 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗡𝗶𝗴𝗵𝘁 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗛𝗶𝗴𝗵𝗹𝗶𝗴𝗵𝘁Naging parte ng pagd...
20/09/2026

“𝙔𝙤𝙪𝙩𝙝 𝙛𝙤𝙧 𝙩𝙝𝙚 𝘾𝙝𝙪𝙧𝙘𝙝 𝙨𝙝𝙤𝙪𝙡𝙙 𝙗𝙚 𝙙𝙞𝙛𝙛𝙚𝙧𝙚𝙣𝙩 𝙖𝙣𝙙 𝙨𝙝𝙤𝙪𝙡𝙙 𝙢𝙖𝙠𝙚 𝙖 𝙙𝙞𝙛𝙛𝙚𝙧𝙚𝙣𝙘𝙚” | 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗡𝗶𝗴𝗵𝘁 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗛𝗶𝗴𝗵𝗹𝗶𝗴𝗵𝘁

Naging parte ng pagdiriwang ng Youth Night noong ika-19 ng Setyembre ang maiksing mensahe ni Reb. Pd. Xavier Balbuena na sumentro sa kahalagahan ng mga kabataan na maging kakaiba at huwag maging parte lamang ng nakararami.

Ipinaalala ni Fr. Xavier na bilang mga kabataang lingkod, hindi lang dapat na maging parte ng nakakarami ang mga kabataan sa simbahan, ngunit dapat ay maging kakaiba ang bawat isa sa atin. Ang pagiging kakaiba ay tanda ng pagiging tapat na saksi ng pananampalataya, at ang paggawa ng kaibahan ay pagiging kasangkapan ng Diyos upang magdala ng pagbabago sa Simbahan at sa lipunan.

Sa kaniyang mga salita: 𝘿𝙤 𝙣𝙤𝙩 𝙗𝙚 𝙖 𝙬𝙖𝙣𝙙𝙚𝙧𝙞𝙣𝙜 𝙜𝙚𝙣𝙚𝙧𝙖𝙡𝙞𝙩𝙮, 𝙗𝙪𝙩 𝙗𝙚 𝙖 𝙢𝙚𝙖𝙣𝙞𝙣𝙜𝙛𝙪𝙡 𝙨𝙥𝙚𝙘𝙞𝙛𝙞𝙘. 𝘽𝙚 𝙙𝙞𝙛𝙛𝙚𝙧𝙚𝙣𝙩 𝙖𝙣𝙙 𝙢𝙖𝙠𝙚 𝙖 𝙙𝙞𝙛𝙛𝙚𝙧𝙚𝙣𝙘𝙚.





𝐒𝐞𝐭𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟐𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐈𝐤𝐚-𝐃𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐦𝐩𝐮'𝐭 𝐋𝐢𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐧𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐡𝐨𝐧 (𝐀)Madalas nating isipin na ang paglilingkod ay...
20/09/2026

𝐒𝐞𝐭𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟐𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐈𝐤𝐚-𝐃𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐦𝐩𝐮'𝐭 𝐋𝐢𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐧𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐡𝐨𝐧 (𝐀)

Madalas nating isipin na ang paglilingkod ay parang paligsahan kung sino ang mas maagang dumating, kung sino ang mas matagal na naglingkod, kung sino ang mas maraming ginawa siya ang dapat mas higit na bigyang-pansin, mas gantimpalaan, o mas kilalanin. Tulad ng mga manggagawang nauna, minsan ay napapatanong tayo: “Panginoon, bakit pareho lang? Ako’y mas matagal na naglingkod, mas maraming pinagdaanan, mas maraming sakripisyo bakit parang pareho lang ang pagtingin Mo sa akin at sa kanila?”

Ngunit ipinapaalala sa atin ng talinghagang ito ang puso ng Diyos: Ang Kanyang pag-ibig ay hindi batay sa haba ng panahon o bigat ng gawa, kundi sa Kanyang kabutihan at pagpapala.

Minsan, sa dami ng ating tungkulin bilang pinuno, estudyante, anak, manggagawa nararamdaman natin na sobra-sobra na ang ibinibigay natin, at parang kulang naman ang natatanggap natin. Minsan ay naiinggit tayo sa iba na parang mas madali ang lahat para sa kanila. Ngunit sinasabi ng Panginoon: Ang biyaya ko ay hindi sweldo na binabayaran ayon sa pagod ito ay regalo na ibinibigay dahil minamahal kita.

Hindi tayo tinatawag upang makipagkumpitensya sa isa’t isa, kundi upang magpasalamat na tayo’y tinawag. Kahit pakiramdam mo ay huli ka na huli ka na sa pagbabalik-loob, huli ka na sa paglilingkod, huli ka na sa pagmamahal bukas pa rin ang ubasan ng Diyos para sa iyo. At ang Kanyang pagtanggap ay buo, pantay, at walang pinipili.

Ang huling paalala: “Kaya ang huling mauuna, at ang una ay mahuhuli." Sa kaharian ng Diyos, hindi ang pagiging una ang mahalaga, kundi ang pagtugon nang buong puso, anuman ang oras na tinawag ka.

- Pagninilay mula kay Sis. Mariel Jade Ladislao, Education Committee Member.

Upang mas palalimin ang repleksyon maaaring basahin ang buong Ebanghelyo mula sa Mabuting Balita ayon kay Mateo 20, 1-16a:

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang talinghagang ito: “Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: lumabas nang umagang-umaga ang may-ari ng ubasan upang humanap ng mga manggagawa. Nang magkasundo na sila sa upa na isang denaryo maghapon, sila’y pinapunta niya sa kanyang ubasan. Lumabas siyang muli nang mag-iikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayu-tayo lamang sa liwasang-bayan. Sinabi niya sa kanila, ‘Pumaroon din kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa.’ At pumaroon nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-iikalabindalawa ng tanghali at nang mag-iikatlo ng hapon, at gayun din ang ginawa niya. Nang mag-iikalima ng hapon, siya’y lumabas uli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, ‘Bakit kayo tatayu-tayo lang dito sa buong maghapon?’ “Wala pong magbigay sa amin ng trabaho, e!’ sagot nila. At sinabi niya, ‘Kung gayon, pumaroon kayo at gumawa sa aking ubasan.’

“Pagtatakip-silim, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala, ‘Tawagin mo na ang mga manggagawa at sila’y upahan, magmula sa huli hanggang sa buong nagtrabaho.’ Ang mga nagsimula nang mag-iikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang denaryo. At nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang bawat isa’y tumanggap din ng isang denaryo. Pagkatanggap nito, nagreklamo sila sa may-ari ng ubasan. Sabi nila, ‘Isang oras lang pong gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagpagal at nagtiis ng nakapapasong init ng araw. Bakit naman po ninyo pinagpare-pareho ang upa sa amin?’ At sinabi niya sa isa sa kanila, ‘Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang denaryo? Kunin mo ang ganang iyo, at umalis ka na. Maano kung ibig kong upahan ang nahuli nang tulad ng upa ko sa iyo? Wala ba akong karapatang gawin ang aking maibigan sa ari-arian ko? O naiinggit ka lang sa aking kabutihang-loob?’ Kaya’t ang nahuhuli ay mauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.”




20/09/2026
20/09/2026
𝗬𝗢𝗨𝗧𝗛 𝗡𝗜𝗚𝗛𝗧 𝗡𝗔!Mga kabataan ng Tundo, sa ilang oras na lamang ay magsisimula na ang ating 𝗬𝗢𝗨𝗧𝗛 𝗡𝗜𝗚𝗛𝗧 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗡𝗔! Excited k...
19/09/2026

𝗬𝗢𝗨𝗧𝗛 𝗡𝗜𝗚𝗛𝗧 𝗡𝗔!

Mga kabataan ng Tundo, sa ilang oras na lamang ay magsisimula na ang ating 𝗬𝗢𝗨𝗧𝗛 𝗡𝗜𝗚𝗛𝗧 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗡𝗔!

Excited ka na ba? Dahil kami ay excited na excited na ring makasama ka sa isang gabing masaya! 😍

Kabataan, What’s on your mind? 🤔





𝐘𝐎𝐔𝐓𝐇 𝐍𝐈𝐆𝐇𝐓 𝐍𝐀! 𝐓𝐀𝐑𝐀 𝐍𝐀! ⏰🎉Wala nang natitirang dahilan para mag-stay home! Papunta ka na ba? Magkita-kita tayong lahat ...
19/09/2026

𝐘𝐎𝐔𝐓𝐇 𝐍𝐈𝐆𝐇𝐓 𝐍𝐀! 𝐓𝐀𝐑𝐀 𝐍𝐀! ⏰🎉

Wala nang natitirang dahilan para mag-stay home! Papunta ka na ba? Magkita-kita tayong lahat sa 𝗣𝗮𝗿𝗶𝘀𝗵 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗡𝗶𝗴𝗵𝘁 mamayang 𝟲:𝟬𝟬 𝗣𝗠!

Comment below kung sinong performer ang nais mong mapanood mamaya! Kita-kits! ❤️👇





𝐎 𝐒𝐈𝐌𝐎𝐍! 𝐆𝐄𝐓 𝐑𝐄𝐀𝐃𝐘 𝐍𝐀!Hindi lang isa, kundi 𝗟𝗜𝗠𝗔 sa ating pinakamagagaling na grupo ang maghahandog ng isang napakalupit...
18/09/2026

𝐎 𝐒𝐈𝐌𝐎𝐍! 𝐆𝐄𝐓 𝐑𝐄𝐀𝐃𝐘 𝐍𝐀!

Hindi lang isa, kundi 𝗟𝗜𝗠𝗔 sa ating pinakamagagaling na grupo ang maghahandog ng isang napakalupit na pagtatanghal!

Catch the performances of:
✨ 𝘾𝙤𝙧𝙚 𝙂𝙧𝙤𝙪𝙥 𝘾𝙝𝙤𝙞𝙧
✨ 𝙎𝙖𝙣 𝙇𝙤𝙧𝙚𝙣𝙯𝙤 𝙍𝙪𝙞𝙯 𝘾𝙝𝙤𝙞𝙧
✨ 𝙎𝙩𝙤. 𝙉𝙞ñ𝙤 𝙔𝙤𝙪𝙩𝙝 𝘾𝙝𝙤𝙞𝙧
✨ 𝙃𝙤𝙡𝙮 𝙉𝙖𝙢𝙚 𝙎𝙤𝙘𝙞𝙚𝙩𝙮
✨ 𝙈𝙪𝙨𝙞𝙘 𝙈𝙞𝙣𝙞𝙨𝙩𝙧𝙮 𝙂𝙧𝙖𝙣𝙙 𝘾𝙝𝙤𝙞𝙧

👇 Sino ang ie-encourage mong sumama? Tag them below and see you there! ❤️🙌

𝐄𝐗𝐂𝐈𝐓𝐄𝐃 𝐊𝐀 𝐍𝐀 𝐁𝐀? 𝐊𝐀𝐌𝐈 𝐑𝐈𝐍!





Address

600 Lorenzo Chacon Street
Manila
1012

Opening Hours

Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Santo Niño de Tondo Parish Youth Ministry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Santo Niño de Tondo Parish Youth Ministry:

Shortcuts

Share