Defend Manila

Defend Manila Aims to cultivate collective effort & involve every Manileño in ensuring their rights and welfare.

11/04/2026

Malugod na tinatanggap ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) - Manila ang inisyatiba ni Pope Leo XIV na manguna sa isang "Pandaigdigang Prayer vigil para sa Kapayapaan" (Global Call for Peace Vigil) mamaya, Abril 11 sa St. Peter’s Basilica, bilang bahagi ng kanyang Easter Urbi et Orbi message na nananawagan para sa pagwawakas ng digmaan at upang magkaroon ng diyalogo.

Kinikilala namin ang kahalagahan ng panawagang ito sa isang daigdig na nasugatan ng karahasan, kung saan ang Pasko ng Pagkabuhay ay pinagtibay bilang ang "tagumpay ng buhay laban sa kamatayan, ng liwanag laban sa kadiliman, ng pag-ibig laban sa p**t."

Kasabay nito, binibigyang-diin namin na ang tunay na kapayapaan ay nangangailangan ng paghaharap sa mga pwersang nagtutulak sa digmaan at militarisasyon, kabilang ang mga patakaran ng Estados Unidos at administrasyong Marcos Jr., at ang patuloy na Balikatan Exercises na nagpapalalim sa presensya ng dayuhang militar at naglalagay sa panganib sa mga komunidad.

Inaanyayahan namin ang lahat na sumali sa amin:

Misa para sa Kapayapaan
3:00 PM, Abril 11, 2026
Our Lady of Remedies Parish (Malate Church)

Nananawagan kami sa mamamayan na manindigan para sa karapatang pantao at labanan ang lahat ng anyo ng paghahanda sa digmaan at militarisasyon.

SUMAMA AT MAKIISA!KALBARYO NG MANGGAGAWA AT MARALITA NG PAROLAMARSO 31, Martes📌 8:00 am tipunan sa Gate 18, Parola📌 9:00...
30/03/2026

SUMAMA AT MAKIISA!

KALBARYO NG MANGGAGAWA AT MARALITA NG PAROLA

MARSO 31, Martes
📌 8:00 am tipunan sa Gate 18, Parola
📌 9:00 am simula

KALBARYO NG MANGGAGAWA AT MARALITA NG PAROLA

Makiisa bukas sa inilulunsad kada taon na Kalbaryo ng mamamayan tuwing Araw ng Kuwaresma. Magsasagawa ng Kalbaryo ng Manggagawa at Maralita sa komunidad ng Parola, Tondo.

Ang "Kalbaryo" na ginaganap kada taon ng mga maralita, manggagawa, mga unyonista, community organizer, mga aktibista at iba't iba pang sektor tuwing Mahal na Araw sa pambansa o lungsod na antas man ay pagpapakita ng pagiging halimbawa ni Kristo bilang lapat sa masa, pagiging mapagpuna sa mga maling sistemang mayroon ang lipunan at pagtulong sa maraming paraan sa mga mahihirap, inaapi at naliligaw.

Sa kabila nito ipinapakita dito ang pagpapahirap kay Kristo ng bulok na estado sa pamamagitan ng mg naghaharing uri. Pasan pasan ang krus na may koronang tinik habang inaalimura at hinahampas. Ganyan rin naman ang nararanasan araw-araw ng mga mahihirap, hinahagupit ng kahirapan at karahasan ang mga nasa laylayan.

Ang Kalbaryo na gaganapin sa Parola, Tondo, Maynila ay pagbibitbit rin ng samu't saring isyung kinakaharap doon.

-Una, ang banta ng pagpapalayas at demolisyon sa paninirahan nila, bunsod ng mga proyektong imprastruktura ng gobyerno gaya ng pagtatayo ng North-South Harbour Brige na may 2,026 metro.

Pangalawa, ang sadyang pagsunog ng mga bahay para sapilitan silang palayasin.

Pangatlo, matindi rin ang epekto ng pagtaas ng petrolyo at mga bilihin sa maralitang lungsod at mga manggagawa dulot ito ng giyerang agresyon ng US at Israel, pananamantala ng mga kapitalista at pangungurakot ng mga burukrata-kapitalista.

Kaya kailangan ilantad at ilahad ang KALBARYO ng maralita at manggagawa sa Parola para malaman ng mamamayan doon at ng buong bansa ang isyu nila at para mulatin, organisahin, at pakilusin sila para sa mga karapatan nila.

Kaya sama-sama nating ipanawagan ng ating mga karapatan at galit sa lansangan.

SUMAMA AT MAKIISA!

MARSO 31, Martes
📌 8:00 am tipunan sa Gate 18, Parola
📌 9:00 am simula

27/03/2026

KALBARYO NG MANGGAGAWA AT MARALITA, WAKASAN!

Makiisa mamaya sa inilulunsad kada taon na Kalbaryo ng mamamayan. Ang tema ng Kalbaryo ng Maynila ay "KALBARYO NG MANGGGAWA AT MARALITA, WAKASAN!"

Ang "Kalbaryo" na ginaganap kada taon ng mga maralita, manggagawa, mga unyonista, community organizer, mga aktibista at iba't iba pang sektor tuwing Mahal na Araw sa pambansa o lungsod na antas man ay pagpapakita ng pagiging halimbawa ni Kristo bilang lapat sa masa, pagiging mapagpuna sa mga maling sistemang mayroon ang lipunan at pagtulong sa maraming paraan sa mga mahihirap, inaapi at naliligaw.

Sa kabila nito ipinapakita dito ang pagpapahirap kay Kristo ng bulok na estado sa pamamagitan ng mg naghaharing uri. Pasan pasan ang krus na may koronang tinik habang inaalimura at hinahampas. Ganyan rin naman ang nararanasan araw-araw ng mga mahihirap, hinahagupit ng kahirapan at karahasan ang mga nasa laylayan.

Ang Kalbaryo na gaganapin sa Tondo, Maynila ay pagbibitbit rin ng samu't saring isyung kinakaharap sa Maynila lalo na sa Tondo na may pinakamaraming komunidad ng maralita.

Ang mga kampanya rito ay pagtutol sa malaganap na demolisyon, pagsira sa kalikasan gaya ng reklamasyon at WTE, mababang pasahod, militarisasyon sa mga pamantasan, student repression, pribatisasyon sa mga pampublikong gusali at serbisyo, palpak na flood control projects, garbage fees atbp.

Iba pang bahagi ang nagaganap na malalang krisis ngayon sa pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin dulot ng giyerang agresyon ng US at Israel, pananamantala ng mga kapitalista at pangungurakot ng mga burukrata-kapitalista.

Kaya sama-sama nating ipanawagan ng ating mga karapatan at galit sa lansangan.

SUMAMA AT MAKIISA MAMAYA!

Magsuot ng itim o puting damit kung mayroon

MARSO 28, BIYERNES
9 AM - San Pablo Apostol Parish, Velasquez St.
12 PM - Smokey Mountain, Brgy 128

24/02/2026

MAY PERMIT MAN O WALA, TULOY ANG LABAN‼️

Makikiisa mamaya ang mamamayang Manileño lalo na ang maralitang komunidad ng Tondo kasama ang mga manggagawa, kabataang estudyante, malawak na hanay ng mga kababaihan atbp. sa malaking pagkilos sa EDSA Shrine upang gunitain ang ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Magkita-kita tayo, una sa lokal na pagkilos na pangungunahan ng Unyon ng mga Manggagawa ng Manila Harbour Centre (UMHC) sa DOLE, Intramuros, 9:00 am.

Ito ay hinggil sa illegal dismissal/termination noong 2020 sa 370 na manggagawa doon na ginawa ng kompanya ni Reghis Romero na R-2 Builders.

Kaya ang panawagan ng mga manggagawa rito ay dinggin ng DOLE at Manila Harbour Centre ang hatol ng Korte Suprema na ibalik ang mga manggagawa sa pier at gawing regular.

Si Reghis Romeo rin ang nagpapalayas sa malawak na komunidad ng Tondo sa Happyland, Helping, Aroma at Smokey Mountain upang palawakin ang kanyang pier at magtayo ng WTE-Energy Facility Project sa Smokey Mountain na lubhang makapipinsala sa kalusugan, kabuhayan, edukasyon at paninirahan ng mga maralita.

Si Marcos Jr. mismo ang nakipagkasundo sa Kanadevia Corporation, isang Japanese corporation na contractor ng WTE upang ganap na itayo ito. Ang Manila LGU naman ang nag-apruba rin nito lalo na sa administrasyon ni Isko Moreno kasapakat ang mga national government agencies.

Patunay ito na mula noong panahon ng diktadurya ng kanyang ama na si Marcos Sr. hanggang ngayon sa kanyang rehimen ay wala pa ring nagbabago. Patuloy pa rin ang matinding panggigipit sa mga maralita para sa interes ng malalaking kapitalista.

Mukha pa rin ng malubhang kahirapan ang Tondo hindi lamang sa Maynila kundi sa buong Pilipinas.

Kasama rin nating dapat panagutin si Sara Duterte na sangkot rin sa mga anomalya gaya ng Confidential Funds at kapalpakan niya sa DepEd.

Kaya ang ating panawagan
MARCOS - DUTERTE, PATALSIKIN!
LAHAT NG SANGKOT! DAPAT MANAGOT!
BAHAIN ANG EDSA!

Muli nating ipakita ang sama-samang pagkilos ng sambayanang Pilipino at pabagsakin at panagutin lahat ng mga kurakot! ✊🏻

📌9:00 AM - Lokal Protest sa DOLE, Intramuros
📌11:30 AM - 12:00 PM - JB Music, EDSA
📌12:30 - Martsa patungong EDSA Shrine
📌1:00 - 4:00 PM - Programa






23/02/2026

𝗠𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗘𝗗𝗦𝗔, 𝗦𝗶𝗴𝗮𝘄 𝗮𝘆 𝗞𝗮𝘁𝗮𝗿𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻! 🕯️✊

Sa paggunita ng anibersaryo ng EDSA People Power, sama-sama nating inaalala ang mga aral ng kasaysayan at ang mga buhay na inialay para sa kalayaan. Ang diwa ng EDSA ay hindi lamang tungkol sa isang tagumpay ng nakaraan, kundi tungkol sa patuloy na pananagutan ng kasalukuyan. Hanggang ngayon, nananatili ang mga tanong ng hustisya, pananagutan, at tunay na pagbabago sa sistemang matagal nang binabatikos dahil sa katiwalian at kabiguan nitong tugunan ang pangangailangan ng mamamayan.

Sa gitna ng paggunita, kinikilala natin si Jerlyn Rose Doydora at patuloy na ipinapanawagan ang hustisya para sa kanya. Ang pagkawala ng isang iskolar ng bayan ay hindi dapat tinatanggap nang may katahimikan. Ito ay panawagan sa pamantasan na tumindig, kilalanin ang kanyang dignidad bilang estudyante, at ipakita na ang buhay at karapatan ng mga mag-aaral ay higit sa anumang institusyonal na pag-iingat. Ang pagdarasal at pakikiisa ay hindi lamang simbolo ng pakikiramay, kundi paalala na ang bawat buhay ay mahalaga at karapat-dapat ipaglaban.

Inaalala rin natin si Liliosa Hilao, isang manunulat at iskolar na naging simbolo ng tapang sa harap ng diktadura. Ang kanyang buhay ay paalala ng kahalagahan ng malayang pamamahayag at ng responsibilidad na ipagtanggol ang katotohanan laban sa panunupil.

Sa pagtalakay sa mga pangakong iniwan ng EDSA, hindi natin maikakaila na marami pa ring suliranin ang nananatili, mula sa katiwalian hanggang sa mga sistemang hindi pa rin ganap na naglilingkod sa bayan. Ang tunay na diwa ng People Power ay hindi natatapos sa isang rebolusyon— ito ay nagpapatuloy sa bawat henerasyong handang manindigan.

Inaanyayahan ang buong komunidad ng PLM na makiisa sa Candle Lighting bilang kolektibong paninindigan. Magsindi tayo ng kandila hindi lamang upang mag-alala, kundi upang ipahayag ang ating panawagan para sa hustisya, pananagutan, at tunay na pagbabago. Nawa ang liwanag na ating sisindihan ay maging paalala na ang kabataang mulat ay may lakas na ipagpatuloy ang laban para sa katotohanan at kalayaan.

Ipagpatuloy ang laban! Sumali sa STAND PLM!

bit.ly/STANDPLM_Membership
bit.ly/STANDPLM_Membership
bit.ly/STANDPLM_Membership






23/02/2026
23/02/2026

Inaanyayahan ang mga Volunteers at Paralegal ng Bayan na lumahok sa nalalapit na EDSA People Power Commemoration, Pebrero 25, 2026. Binibigyang-diin ng Karapatan NCR ang pagiging mapagmatyag sa mga maaaring maging paglabag sa karapatan ng mga lalahok sa malawakang pagkilos na ito.

Mag-PM lamang sa page para sa mga karagdagang katanungan at impormasyon. Kita-kits!




19/02/2026
19/02/2026

STATEMENT | NTF-ELCAC's "Ground Zero" Lie—A Smokescreen for Urban Repression

The NTF-ELCAC can keep spinning its narratives, but we in Karapatan-NCR see this "ground zero" declaration for what it really is: a desperate agency manufacturing enemies to justify its own existence.

So now Metro Manila is the new frontline of communist disinformation? The battle has supposedly shifted from the countryside to our cities? This is pure invention—a smokescreen designed to legitimate what's already happening on the ground: the systematic red-tagging, surveillance, and harassment of urban poor groups, labor unions, and human rights defenders in the National Capital Region.

They're not describing a threat. They're creating one.

Let's look at what the NTF-ELCAC actually means when they talk about "countering disinformation":

"Unifying the peace constituency" means demanding absolute loyalty to the state's narrative. Question the government? You're the enemy. Call out human rights violations? You're a front. Defend victims of militarization? You're part of the conspiracy.

"Proactive narrative-building" means flooding the information space with government propaganda so that reports of extrajudicial killings, warrantless arrests, and military harassment get buried under a mountain of press releases.

And "intensifying youth-centered digital engagement"? Let's call this what it is: campus surveillance. The NTF-ELCAC wants to monitor student organizations, track young activists, and s***f out dissent before it finds its voice. They're not protecting the youth from radicalization—they're protecting the status quo from a generation that demands accountability.

We've seen this playbook before.

In the countryside, it meant aerial bombings in Mindoro that killed indigenous children . It meant displacement of Mangyan communities to make way for mining interests . It meant red-tagging that turned farmers and development workers into targets for militarized operations .

Now they're bringing the same tactics to Metro Manila. And they have the audacity to call it "peace-building."

Just last month, we witnessed how the NTF-ELCAC, in cahoots with the PNP, tried to block progressive candidates from announcing their bids, denied permits for legitimate political gatherings, and threatened residents who dared to show support . This is not counter-insurgency. This is electoral interference dressed up as national security.

The NTF-ELCAC talks about "defending the truth." But the truth is this: red-tagging kills. The truth is that state forces have been documented harassing journalists, intimidating witnesses, and suppressing any voice that refuses to fall in line. The truth is that an agency created to end armed conflict has outlived its mandate and now needs to invent battles to justify its multi-billion-peso budget.

Metro Manila is not a battleground.

It is where workers organize for living wages. Where urban poor communities resist demolition. Where students protest tuition hikes and academic repression. Where human rights defenders document state violence and demand justice. The NTF-ELCAC looks at this vibrant democratic space and sees a conspiracy. We see the Filipino people exercising their rights.

The surge in red-tagging incidents we're documenting across NCR—against transport groups, against community organizers, against lawyers defending political prisoners—is not a response to communist propaganda. It is the policy. It is the NTF-ELCAC's playbook being tested in real time, in our neighborhoods, on our campuses, in our streets.

Let's be clear: the only disinformation here comes from the state itself.

The lie that every critic is a communist. The lie that every activist is a front. The lie that every call for accountability is part of some grand conspiracy hatched in the countryside and now "weaponized" online. That's not counter-insurgency. That's authoritarianism pretending to be policy.

Karapatan-NCR stands with every organization, every community, every individual being targeted by this escalating repression. We will continue to document, to expose, and to resist. We call on all Metro Manila residents—workers, students, urban poor, indigenous peoples, human rights defenders—to remain vigilant. They are trying to isolate us, to intimidate us, to make us afraid of our own organizing.

We will not be silenced.

Stop the red-tagging. Stop the surveillance. Stop the militarization of our cities.

Abolish the NTF-ELCAC.

16/02/2026





TINGNAN: Inaanyayahan ng Karapatan National Capital Region ang lahat na dumalo sa gaganaping Urban Mil Primer ED at Paralegal Training. Tampok sa Urban Mil Primer ED ang sistematikong pagpapalaganap ng estado ang pagpapatahimik sa ating mga mamamayang lumalaban para sa ating karapatan, at sa Paralegal Training naman ay ang mga kasanayan na dapat nating hasain kapag tayo ay maharap sa kung anumang panggigipit ng reaksyunaryong estado.

Sa gitna ng lumalalang panunupil ng estado, kinakailangan nating paunlarin ang ating kaisipan at kahandaan sa pagtatanggol ng ating karapatan. Maging Paralegal ng Bayan! Ito ay gaganapin sa Commission on Human Rights of the Philippines, February 21, 2026 mula 12:00 pm hanggang 4:00 pm.

KIta-kits! Register na rito:
https://forms.gle/XdGRL49TGxjHFX1N8

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Defend Manila posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Defend Manila:

Share