28/10/2025
Undas ng Kababaihan: Misa at Panalangin Para sa mga Biktima ng War on Drugs
Mensahe ni Doc Guy Estrada Claudio, Tindig Pilipinas Convenor
Undas ng Kababaihan in Payatas where Duterte's drug war was intense. I am with the women of Baigani, a member of our coalition, EveryWoman. Baigani has been supporting the families and remembering the victims of Duterte's extrajudicial killings for several years now. The first Undas ng Kababaihan was in 2017.
Tuwing pag-uusapan ang drug war, maraming sagot ang mga DDS. Pero silent sila kapag ang usapin ay yung mga pinatay. Hindi nila kayang ipagtanggol ang kaisipan na ang mga ito ay lahat adik. Kaya sa tingin ko, quiet na lang sila.
Una kong alalahanin ang mga pinatay. Hindi sila dapat kalimutan. Silang nagmahal at minahal ng kanilang pamilya. Silang mga inosente dahil wala sa kanilang nilitis bago hinatulan ng kamatayan.
Tao sila. At gusto silang talikuran at limutin ng mga taong pinayagan ang pagpaslang dahil, somehow, gumanansya sila sa patayan. Ipinalit ang buhay ng maraming inosente para sa peace and order. Their death for your safety. What is the morality of that?
Kung magtagumpay sila na burahin ang mga taong ito na sinilang, nabuhay, nagmahal, nangarap, lumaban ng patas---baka kakayanin nilang mapatahimik ang kanilang kunsensya.
Sana mabigyan na sila ng hustisya. Umaasa kami sa ICC.
We shall remember them, these ordinary people with all the respect we owe to those to whom society owes a great debt.
And then we will remember Rodrigo Duterte and all his co-perpetrators as the bloody and corrupt butchers whose name will be cursed through the ages by the righteous people and society we invest in as we commemorate at this moment.