01/08/2026
๐ฃ๐๐๐๐จ๐ก๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐๐จ๐ช๐๐ก ๐ก๐ ๐ช๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ ๐๐๐ก๐ฆ๐! ๐ต๐ญโ๏ธ
Sa ๐๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ด๐ผ๐๐๐ผ ng bawat taon, ating ginugunita ang ๐๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ bilang pagkilala sa ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ na hindi lang kasangkapan ng pakikipagtalastasan at diskurso, kundi isa ring daluyan ng ating kasaysayan, kultura, pagkakakilanlan, at isang tulay upang mas maunawaan natin ang katangian ng pagiging Pilipino.
Sa gitna ng patuloy na pagbabago ng lipunan at pag-usbong ng mga makabagong teknolohiya, hinaharap ng sektor ng edukasyon ang lumalalang krisis sa pagbasa at pag-unawa. Batay sa Ulat ng ๐ฆ๐ฒ๐ฐ๐ผ๐ป๐ฑ ๐๐ผ๐ป๐ด๐ฟ๐ฒ๐๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ผ๐บ๐บ๐ถ๐๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ผ๐ป ๐๐ฑ๐๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป (๐๐๐๐ข๐ ๐ฎ), walumpuโt walong porsyento (88%) ng mga mag-aaral sa Baitang 7 ay kabilang sa mga โ๐ ๐ก๐๐ข๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ โ. Gayunding pinakita ng ๐๐๐ป๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐ฐ๐, ๐๐ฑ๐๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป, ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ ๐ฎ๐๐ ๐ ๐ฒ๐ฑ๐ถ๐ฎ ๐ฆ๐๐ฟ๐๐ฒ๐ (๐๐๐๐ ๐ ๐ฆ) na tatlumpuโt isang porsyento (31%) lamang ng mga mag-aaral sa kolehiyo ang nagtataglay ng kasanayan sa pagbasa at pagsulat, habang mas mababa pa ang antas ng kasanayang ito sa mga nakatatandang pangkat ng edad.
Sa gitna ng hamong ito, ang ๐ฆ๐ผ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐ฆ๐ฐ๐ถ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐๐บ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ถ๐ฒ๐ ๐๐๐๐ผ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ay nakikiisa sa pagpapayabong ng kultura ng pagbabasa, hindi lamang bilang isang gawaing pang-akademiko kundi bilang isang paraan upang malinang ang mapanuring pag-iisip, pagkamalikhain, at kamalayang panlipunan. Nararapat din natin pagnilayan ang maaaring epekto ng ๐ฅ๐ฒ๐ณ๐ฟ๐ฎ๐บ๐ฒ๐ฑ ๐๐ฒ๐ป๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐น ๐๐ฑ๐๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐๐ฟ๐ฟ๐ถ๐ฐ๐๐น๐๐บ ng CHED, na maaaring magbawas sa pagkakataon ng mga mag-aaral na higit pang mapalalim ang kanilang pagkatuto sa larangan ng humanidades at agham panlipunan. Higit pa rito, nararapat na gamitin ang teknolohiya bilang katuwang sa pagkatuto at hindi bilang kapalit ng sariling pag-unawa at kritikal na pag-iisip. Sa pagpapahalaga ng ating wika, panitikan, at kultura, hinuhubog tayo upang maging mapanuri, makatao, at responsableng mamamayan.
โ๐ป๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ข๐๐ข๐ค๐ ๐๐ข๐๐ ๐ค๐๐๐๐๐ ๐ค๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ข๐๐ข๐๐๐๐โ - ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐. ๐ ๐ฎ๐ป๐๐ฒ๐น ๐. ๐ค๐๐ฒ๐๐ผ๐ป, Ama ng Wikang Pambansa
Caption by: Anthony Sumibcay | Director of Academics and Research
Pubmat by: Hailey Kate Ferrer | Public Relations Officer