16/08/2026
'T*NG *NA MO, 911. T*NG *NA MO, PILIPINAS'
Naglabas ng matinding galit ang netizen na si Basty Askri matapos umano siyang mahirapang makahingi ng agarang tulong sa 911 nang atakihin ang kanyang ama.
Sa kanyang viral Facebook post, sinabi ni Askri na halos 10 minuto umano siyang paulit-ulit na tumawag sa 911 bago may sumagot. Nang may makausap na raw siya, ilang beses umano siyang pinaghintay habang naririnig pa niya ang tawanan at usapan sa background.
โHalos 10 minutes na akong tumatawag sa 911 pero wala pa ring sumasagot,โ bahagi ng kanyang pahayag.
Habang hinihintay ang emergency responders, sinabi ni Askri na siya mismo ang nagsagawa ng CPR sa kanyang ama.
Ngunit ayon sa kanya, nang dumating ang ambulansya ay wala umano itong automated external defibrillator o AED, kulang din umano sa kagamitan, at wala raw agad pumalit sa kanya sa pagsasagawa ng CPR.
โAko pa rin ang gumagawa ng CPR,โ aniya.
Iginiit ni Askri na hindi niya inilabas ang kanyang karanasan para lamang maglabas ng sama ng loob, kundi upang ipakita ang umanoโy kakulangan sa emergency response system ng bansa.
โPinost ko โto dahil gusto ko ma-realize ninyo na dapat lang magalit kayo sa kabulukan ng sistema ng Pinas,โ saad niya.
Umani ng matinding reaksiyon online ang kanyang post, kung saan maraming netizens ang nanawagan ng mas mabilis, maayos at kumpletong emergency response para sa mga Pilipinong nasa kritikal na sitwasyon.