04/09/2026
Dedikado,
masipag, at
may tunay na malasakit—iyan ang alaala mong mananatili sa bawat Baseconian.
Kailanman ay hindi namin malilimutan ang serbisyong buong puso mong inialay sa ating komunidad. Sa bawat kalamidad, bagyo, at pagsubok, isa ka sa mga unang tumutugon at handang tumulong sa ating mga kabarangay, anumang oras at anumang panahon.
Hindi matatawaran ang kabutihan ng iyong puso, gayundin ang pagmamahal at suporta ng iyong pamilya. Nawa’y patuloy silang gabayan at bigyan ng lakas sa mga panahong ito.
Narito ang iyong pamilya sa One Baseco upang ipagpatuloy ang iyong magagandang adhikain at malasakit sa ating komunidad.
Maraming salamat, Kagawad Edmund Cayanan.
Nawa’y maging payapa ang iyong paglalakbay at manatiling buhay ang iyong alaala sa puso ng bawat Baseconian. 🤍🩶