21/11/2023
Call for Donations ‼️
Magandang Gabi po sa lahat! Ang Sangguniang Kabataan ng Barangay 842 ay naglunsad ng donation drive bilang tugon sa nangyaring sunog sa Barangay 846, Pandacan Manila. Kami ay kumakatok sa inyong mabubuting puso para sa kahit na anong uri ng donasyon na maaari nating maipamahagi sa mga biktima. Sabay-sabay tayong maging bahagi ng pag-asa sa pamamagitan ng pagbibigay tulong sa abot na ating makakaya.
Mangyaring makipag-ugnayan sa ating SK council para sa mga nais magpaabot ng tulong. Maraming Salamat po.