06/01/2026
Creating Lasting Change Through Timely Social Work Interventions❤️🩹
Mula 2021-2025, ang Social Work Department ng BCFI ay nanatiling katuwang ng ating mga sponsored family sa Tondo.
Nakita natin ang isang malaking tagumpay:
🚩 2021 - 2023: total of 228 cases
✅ 2024 - 2025: BUMABA ito nang husto sa 30 kaso na lamang!
Bakit ito bumaba? Dahil sa PREVENTION.
Sa pamamagitan ng buwan-buwan na BidaBest seminars na may patungkol sa Child Protection, A-VAWC, at iba pang social issues sa mahigit 2,000 na pamilya, naging mas mulat ang lahat sa kanilang mga karapatan. Bawat seminar ay nagbibigay ng lakas at karunungan sa bawat pamilya upang gumawa ng mas tamang desisyon.
Ang ating mga social workers ay hindi lang tagahawak ng kaso, sila ay mga kasama sa istasyon ng pulis, ospital, at korte upang matiyak na walang pamilyang nag-iisa sa kanilang pinakamahirap na oras. 🤝
Ang bawat kasong nababawas ay katumbas ng isang batang ligtas at isang pamilyang mas matatag.
Ang pagbaba ng mga kaso ng krisis sa mga sponsored families ay hindi lamang simpleng istatistika, ito ay patunay ng tagumpay kapag ang professional social work, suporta ng donors, at ang komunidad ay nagsama-sama. 🤝
Bitbit ang temang “Dalawang isda at limang tinapay,” naniniwala ang BCFI na sa kabila ng limitadong resources, patuloy na pinagpapala ng Diyos ang mga adhikaing ito. Sa tulong ng Chalice, mga partner agencies, at mga volunteers na kabataan at magulang, tayo ay nagtuturo ng paghilom. 🐟🍞
Ang nagsimula sa isang munting alay ay nagbunga na ngayon ng pag-asa, dignidad, at tunay na pagbabago. Taglay ang pananampalataya, tiwala ang BCFI na ang misyon ay patuloy pang lalago para sa mga pamilyang ating pinaglilingkuran. 🕊️🌟