SSC Manila Kamalayan

SSC Manila Kamalayan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SSC Manila Kamalayan, Youth Organization, High School Unit, St. Scholastica's College, Leon Guinto Street, Malate, Manila.

SSC Manila High School Unit's Kamalayan is an organization that aims to highlight the humanities and social sciences as bastions for critical thinking on issues and matters concerning society and culture.

16/04/2026

Do students really know what KAMALAYAN is all about? ๐Ÿค”

We asked around and got honest, unfiltered answers from our fellow high school students. From curious guesses to surprising responses, this is how KAMALAYAN is seen through their eyes.

This is just the beginning. Stay tuned as we uncover what KAMALAYAN truly does and why it matters. ๐Ÿ’™

Credits:
Project Heads: Dylan Alava, Julia Ordonio, and Althea Paghiligan
Videographer: Amelia Valdez and Abby Andino
Editor: Kalliah Trinidad, Julia Ordonio and Abby Andino
Caption: Althea Paghiligan
Interviewer: Tiffany Estrada and Juliana Dar

โ€ŽMula sa pagiging baguhan sa St. Scholasticaโ€™s College hanggang sa pagtuklas ng kanyang tunay na talento sa musika at pa...
27/03/2026

โ€ŽMula sa pagiging baguhan sa St. Scholasticaโ€™s College hanggang sa pagtuklas ng kanyang tunay na talento sa musika at pagtatanghal, ipinakita ni ๐— ๐—ถ๐˜๐—ฐ๐—ต ๐—ฉ๐—ฎ๐—น๐—ฑ๐—ฒ๐˜‡ na ang tiyaga, tapang, at malasakit sa kapwa ay susi sa tagumpay. Ang bawat karanasan, mula sa mga nakakatawang eksena sa paaralan hanggang sa pamumuno sa Glee Club, ay humubog sa kanya bilang isang responsable, mapanagutang, at malikhaing indibidwal. Ngayon, bilang isang kilalang komedyante at personalidad sa media, patuloy niyang pinapakita na ang determinasyon at pagmamahal sa sariling kakayahan ay maaaring maging inspirasyon sa lahat, lalo na sa kabataan, na sundan ang kanilang pangarap nang may tapang at puso.
โ€Ž
โ€ŽCaption by: Althea Paghiligan
โ€ŽWriters: Sophia Habitan and Althea Paghiligan
โ€ŽPubMat by: Jodi Luzarraga

โ€ŽSi ๐—™๐—น๐—ผ๐—ฟ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ โ€œ๐—ก๐—ฒ๐—ป๐—ถโ€ ๐—ฆ๐˜๐—ฎ. ๐—ฅ๐—ผ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ-๐—–๐—ฟ๐˜‚๐˜‡ ay manunulat, g**o, at tagapagtaguyod ng panitikang Pilipino. Mula St. Scholastic...
25/03/2026

โ€ŽSi ๐—™๐—น๐—ผ๐—ฟ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ โ€œ๐—ก๐—ฒ๐—ป๐—ถโ€ ๐—ฆ๐˜๐—ฎ. ๐—ฅ๐—ผ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ-๐—–๐—ฟ๐˜‚๐˜‡ ay manunulat, g**o, at tagapagtaguyod ng panitikang Pilipino. Mula St. Scholasticaโ€™s College hanggang Ateneo de Manila University, pinanday niya ang kanyang talento upang suportahan ang mga manunulat at palaganapin ang literasiya sa bansa. Ang kanyang mga akda tulad ng Tales from EDSA at You Know Youโ€™re a Filipino Ifโ€ฆ ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa kabataan at kababaihan na ipahayag ang kanilang kwento.
โ€Ž
โ€ŽCaption by: Althea Paghiligan
โ€ŽWriters: Dylan Alava
โ€ŽPubMat by: Julia Ordonio

Sa bawat himig na nilikha ni ๐—Ÿ๐˜‚๐—ฐ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ ๐—ฅ๐—ผ๐—ฐ๐—ฒ๐˜€ ๐—ž๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ด, maririnig ang kuwento ng isang babaeng buong tapang na ipinaglaban ...
23/03/2026

Sa bawat himig na nilikha ni ๐—Ÿ๐˜‚๐—ฐ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ ๐—ฅ๐—ผ๐—ฐ๐—ฒ๐˜€ ๐—ž๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ด, maririnig ang kuwento ng isang babaeng buong tapang na ipinaglaban ang sariling kultura. Hindi lamang siya isang kompositor, kung hindi isang tagapangalaga ng musikang Pilipino na nagbigay-buhay sa ating mga tradisyon sa pamamagitan ng pagsasanib ng katutubong tunog at impluwensiyang Kanluranin.
โ€Ž
โ€ŽSa kanyang mahigit limang dekadang paglikha, pinatunayan niya na ang musika ay hindi lang sining, kung hindi isang paraan ng pagpapakilala kung sino tayo bilang Pilipino. Ang kanyang buhay ay paalala na ang kababaihan ay may kakayahang lumikha, manguna, at mag-iwan ng pamana na patuloy na maririnig at mararamdaman ng mga susunod na henerasyon.
โ€Ž
โ€ŽCaption by: Dylan Alava, Sophia Habitan, and Althea Paghiligan
โ€ŽWriters: Juliana Dar and Jodi Luzarraga
โ€ŽPubMat by: Mia Gamboa

Sa bawat entablado na kanyang tinuntungan, iniwan ni ๐—ก๐—ฎ๐˜๐˜† ๐—–๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฒ-๐—ฅ๐—ผ๐—ด๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ang isang pamana ng sining, dedikasyon, at pagmam...
20/03/2026

Sa bawat entablado na kanyang tinuntungan, iniwan ni ๐—ก๐—ฎ๐˜๐˜† ๐—–๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฒ-๐—ฅ๐—ผ๐—ด๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ang isang pamana ng sining, dedikasyon, at pagmamahal sa teatro. Hindi lamang siya naging isang mahusay na aktres, kung hindi isa ring g**o at tagapagtaguyod ng kulturang Pilipino na humubog sa maraming henerasyon ng mga artista.

Ang kanyang buhay ay patunay na ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa mga parangal, kung hindi sa impluwensiyang naiiwan sa iba. Sa kanyang kwento, naipapakita na ang kababaihan ay may kakayahang manguna, lumikha, at magbigay inspirasyon sa larangan na kanilang pinipili.

Caption by: Dylan Alava, Sophia Habitan, and Althea Paghiligan
โ€ŽWritten by: Dylan Alava
โ€ŽPubMat by: Julia Ordonio

โ€ŽIsang buhay na nakalaan sa pananampalataya, edukasyon, at adbokasiya, si ๐—ฆ๐—ฟ. ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—๐—ผ๐—ต๐—ป ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐˜‡๐—ฎ๐—ป, ๐—ข๐—ฆ๐—•, ay hindi lamang i...
19/03/2026

โ€ŽIsang buhay na nakalaan sa pananampalataya, edukasyon, at adbokasiya, si ๐—ฆ๐—ฟ. ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—๐—ผ๐—ต๐—ป ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐˜‡๐—ฎ๐—ป, ๐—ข๐—ฆ๐—•, ay hindi lamang isang madre kung hindi isang tunay na lider, g**o, at tagapagtaguyod ng katarungan. Mula sa kanyang maagang pag-aaral sa St. Scholasticaโ€™s College hanggang sa kanyang doktorado sa Pontifical Gregorian University sa Rome, ipinakita niya na ang talino at dedikasyon ay pwedeng pagsamahin sa paglilingkod sa kapwa. Bilang isang feminist, aktibista, at tagapagtatag ng mga organisasyong tulad ng PILIPINA at GABRIELA, ipinaglaban niya ang karapatan ng kababaihan at kapwa manggagawa, at nagpatunay na ang pananampalataya at adbokasiya ay puwedeng magsanib upang magdulot ng tunay na pagbabago. Ang kanyang buhay ay inspirasyon sa bawat kababaihan na nais maglingkod, mangarap, at manindigan para sa tama, habang nananatiling tapat sa kanilang paniniwala at sa Diyos.
โ€Ž
โ€ŽCaption by: Dylan Alava, Sophia Habitan, and Althea Paghiligan
โ€ŽWriters: Alexa Sallan and Amelia Valdez
โ€ŽPubMat by: Julia Ordonio

โ€ŽIsang simbolo ng tapang at malasakit, si Senador ๐—ฅ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐—›๐—ผ๐—ป๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ๐˜€ ay patuloy na ipinapakita na ang tunay na lider ay nag...
18/03/2026

โ€ŽIsang simbolo ng tapang at malasakit, si Senador ๐—ฅ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐—›๐—ผ๐—ป๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ๐˜€ ay patuloy na ipinapakita na ang tunay na lider ay nagsusulong ng karapatan, pagkakapantay-pantay, at hustisya para sa lahat. Mula sa pagiging estudyante sa Kolehiyo ng Sta. Eskolastika hanggang sa pagiging senador, ang kanyang buhay ay kwento ng determinasyon, serbisyo, at malasakit sa bayan.
โ€Ž
โ€ŽBilang tagapagtaguyod ng kababaihan, kalusugan, at karapatang pantao, ipinapakita niya na ang boses ng kababaihan ay mahalaga at dapat pakinggan. Sa kanyang mga batas at programa, hinuhubog niya ang mas pantay at makatarungang lipunan, patunay na ang lakas ng isang babae ay hindi hadlang, kung hindi inspirasyon para sa lahat.
โ€Ž
โ€ŽCaption by: Dylan Alava, Sophia Habitan, and Althea Paghiligan
โ€ŽWriters: Arabella Feliciano and Angel Millamina
โ€ŽPubMat by: Julia Ordonio

Sa larangan ng kultura at panitikan, iniwan ni ๐——๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฒ๐—ป ๐—š๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ผ๐—ฎ ๐—™๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐˜‡ ang isang makabuluhang pamana sa pag-unawa sa pag...
17/03/2026

Sa larangan ng kultura at panitikan, iniwan ni ๐——๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฒ๐—ป ๐—š๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ผ๐—ฎ ๐—™๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐˜‡ ang isang makabuluhang pamana sa pag-unawa sa pagka-Pilipino. Sa kanyang mga akda tungkol sa teatro at pagkain, ipinakita niya na ang ating pang-araw-araw na karanasan ay may malalim na ugnayan sa ating kasaysayan at identidad.
โ€Ž
โ€ŽSa pamamagitan ng kanyang talino at paninindigan, binigyang-halaga niya ang kulturang Pilipino sa panahong madalas itong minamaliit. Ang kanyang buhay ay patunay na ang kababaihan ay may mahalagang papel sa paghubog ng kaalaman, sining, at kamalayan ng lipunan.
โ€Ž
โ€ŽCaption by: Dylan Alava, Sophia Habitan, and Althea Paghiligan
โ€ŽWriters: Ella Shane Caseres and Ma. Cloony Torreon
โ€ŽPubMat by: Jodi Luzarraga and Julia Ordonio

Sa industriya ng musika na madalas pinangungunahan ng mga kalalakihan, ipinapakita ni ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ โ€œ๐—ฃ๐—ฎ๐˜โ€ ๐—Ÿ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ป na ang kaba...
16/03/2026

Sa industriya ng musika na madalas pinangungunahan ng mga kalalakihan, ipinapakita ni ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ โ€œ๐—ฃ๐—ฎ๐˜โ€ ๐—Ÿ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ป na ang kababaihan ay may mahalagang lugar at boses sa paglikha ng sining. Bilang keyboardist at composer ng bandang Ben&Ben, nagamit niya ang kanyang talento sa pagsusulat at paggawa ng musika upang makapagbigay ng mga awiting tumatak sa maraming Pilipino.
โ€Ž
โ€ŽHindi lamang sa musika namamayani ang kanyang impluwensya. Naninindigan din si Pat para sa pantay na karapatan ng kababaihan at ng LGBTQ+ community sa ibaโ€™t ibang larangan. Ang kanyang kwento ay patunay na ang kababaihan ay may kakayahang lumikha, mamuno, at magbigay inspirasyon sa pamamagitan ng kanilang talento at paninindigan.
โ€Ž
โ€ŽCaption by: Dylan Alava, Sophia Habitan, and Althea Paghiligan
โ€ŽWriters: Tiffany Estrada and Sadie Jaro
โ€ŽPubMat by: Jasmine Cabuso and Julia Ordonio

โ€ŽSa kasaysayan ng panitikang Pilipino, kinilala si ๐—”๐—ป๐—ด๐—ฒ๐—น๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—š๐—น๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ bilang isang makata na matapang na gumamit ng ...
13/03/2026

โ€ŽSa kasaysayan ng panitikang Pilipino, kinilala si ๐—”๐—ป๐—ด๐—ฒ๐—น๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—š๐—น๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ bilang isang makata na matapang na gumamit ng kanyang tinig upang ipahayag ang karanasan at damdamin ng kababaihan. Sa kanyang mga tula, hinamon niya ang mga tradisyunal na pananaw ng lipunan at ipinakita na ang kababaihan ay may sariling tinig, kaisipan, at kalayaan. Isa sa kanyang pinakatanyag na akda, โ€œRevolt from Hymen,โ€ ay nagbigay-diin sa usapin ng dignidad at karapatan ng kababaihan sa kanilang sariling buhay at katawan.
โ€Ž
โ€ŽSa kabila ng mga batikos noong kanyang panahon, nanindigan si Angela Manalang Gloria sa kanyang paniniwala at patuloy na nagsulat ng mga akdang nagbibigay-boses sa kababaihan. Hanggang ngayon, nananatiling inspirasyon ang kanyang buhay at panitikan, na nagpapaalala na ang tinig ng kababaihan ay mahalaga sa paghubog ng isang mas makatarungan at makabuluhang lipunan.
โ€Ž
โ€ŽCaption by: Dylan Alava, Sophia Habitan, and Althea Paghiligan
โ€ŽWriters: Kimberly Lluisma and Anarica Torno
โ€ŽPubMat by: Jodi Luzarraga and Julia Ordonio

Isang tagumpay na nagmula sa tinapay, si ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—š๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ ๐——๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฎ๐—น๐—ถ ay isang inspirasyon sa mga Kulasang nangangarap na magtagu...
12/03/2026

Isang tagumpay na nagmula sa tinapay, si ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—š๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ ๐——๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฎ๐—น๐—ถ ay isang inspirasyon sa mga Kulasang nangangarap na magtaguyod ng kanilang sariling negosyo at mas hasain ang kanilang talento. Ang pangalang โ€œGraceโ€ mula sa โ€œMary Graceโ€ ay tumatayong simbolo ng pangalan ng kanyang mga anak na sumusuporta sa kanya. Isang ina, babae, at Kulasaโ€”binibigyang pagpupugay at pinagtitibay ng kanyang mga naging karanasan ang kakayahan ng kababaihan.

Caption by: Sophia Habitan
Writers: Kalliah Trinidad & Stella Salamero
PubMat by: Jodi Luzarraga and Julia Ordonio

Address

High School Unit, St. Scholastica's College, Leon Guinto Street, Malate
Manila
2560

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SSC Manila Kamalayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share