22/05/2026
๐๐ฐ๐๐ง๐ญ๐จ๐ง๐ ๐๐๐๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ข๐ค๐๐ฅโจ
Sa paghubog sa amin ng mga nagdaang taon sa loob ng pamantasan, mula sa patnuro na nagbigay ng dagdag na kaalaman hanggang sa mga pananaliksik na nagmulat sa aming kamalayan sa bawat sulok ng edukasyon, malinaw na handa na ang bawat isa na tumahak sa panibagong paglalakbay. Ang mga hakbang na ito ay patungo sa mas malawak na sanayan, kung saan hindi lamang kami ihahanda, kundi higit pang ihahayag sa amin ang mundong aming haharapin sa larangang aming pinili.
Hindi naging madali ang bawat semestre maraming luha sa deadlines, puyat sa requirements, at tahimik na laban na kami lamang ang nakakaalam. Ngunit sa bawat pagsubok, mas lalo naming napatunayan na ang puso ng isang g**o ay hindi lamang nasusukat sa talino, kundi sa tibay ng loob at dedikasyong magpatuloy.
At ngayon, narito kami sa huling yugto bago tuluyang harapin ang mundong minsan ay pinapangarap lamang naming marating. Bitbit ang mga aral, pagkakamali, tagumpay, at lahat ng sakripisyo na humubog sa amin bilang mga magiging g**o sa hinaharap. ๐ค
๐๐๐ก๐๐ฎ๐ค ๐ฅ๐, ๐ฅ๐๐ง๐ค ๐ข๐๐ก๐๐ฎ๐ค ๐ฃ๐.๐ฃ๐