PLM Urban Poor Committee

PLM Urban Poor Committee A group of homeless and underprivilege Filipino citizens within the Partido Lakas ng Masa.

28/07/2026

Hindi tayo makikinabang sa PAX SILICA kundi ang bansang US at Israel. Uubusin ang tubig sa kalupaan, sasairin ang ating enerhiya, trabahong walang kasiguruhan, uutangin ang pera ng ating mga banko sa gobyerno, at walang return of investment sa ating bansa.
Ang nakakatakot pa gagamitin ang lilikhaing computer AI machine sa paniktik at armas pandigma laban sa kaaway ng US.

27/07/2026
27/07/2026

๐Ÿ“ข โ€œ๐—ฆ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—•๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ผ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ, ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ฏ๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ?โ€

Kung tatanungin mo ang isang manggagawa sa pabrika, sasabihin niyang apat na taon pa ring hindi sapat ang sahod para sa araw-araw na gastusin.

Kung tatanungin mo ang isang nanay sa palengke, sasabihin niyang apat na taon pa ring mataas ang presyo ng bigas, gulay, at isda.

Kung tatanungin mo ang isang estudyante, sasabihin niyang apat na taon pa ring kulang ang silid-aralan, g**o, at suporta sa edukasyon.

Kung tatanungin mo ang isang mangingisda, sasabihin niyang apat na taon pa ring nasa panganib ang kanilang kabuhayan sa West Philippine Sea.

Kung tatanungin mo ang isang maralitang pamilya, sasabihin nilang apat na taon pa ring binabaha ang kanilang komunidad kahit bilyon-bilyon ang ginastos sa flood control.

๐˜ผ๐™ฅ๐™–๐™ฉ ๐™ฃ๐™– ๐™ฉ๐™–๐™ค๐™ฃ ๐™ฃ๐™– ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ก๐™ช๐™ข๐™ž๐™ฅ๐™–๐™จ, ๐™ฅ๐™š๐™ง๐™ค ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ฅ๐™– ๐™ง๐™ž๐™ฃ ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™—๐™–๐™œ๐™ค ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™ก๐™–๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ.

At habang ipinagmamalaki ng gobyerno na umangat na raw ang Pilipinas sa โ€œupper-middle-income status,โ€ ang masa ay patuloy na nagtatanong: ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด-๐˜‚๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐—ถ๐˜๐—ผ?

Kayaโ€™t malinaw na ang tunay na SONA ay hindi makikita sa talumpati ng Pangulo. Makikita ito sa araw-araw na buhay ng mamamayanโ€”

โ€ข Sa sahod na hindi sapat.
โ€ข Sa pagkain na hindi abot-kaya.
โ€ข Sa serbisyong kulang.
โ€ข Sa kabuhayang walang katiyakan.

Kaya sa darating na ๐—Ÿ๐˜‚๐—ป๐—ฒ๐˜€, ๐—›๐˜‚๐—น๐˜†๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿณ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, tayo ay makiisa, makibaka, at ipakita na ang tunay na pagbabago ay manggagaling sa sama-samang pagkilos ng masa.

Dumalo at magpadalo sa ๐—ฆ๐—ข๐—ก๐—” ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—›๐—ผ๐˜‚๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—”๐˜‚๐˜๐—ต๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ผ๐—ป๐˜„๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต ๐—”๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐˜‚๐—ฒ (๐—ค๐˜‚๐—ฒ๐˜‡๐—ผ๐—ป ๐—–๐—ถ๐˜๐˜†) mula 9:00 AM hanggang 5:00 PM!

๐—œ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ผ๐—ฏ๐˜†๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ!
๐—ฆ๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ผ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜€๐—บ๐—ผ!


24/07/2026

๐—ฃ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ฑ๐—ผ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ ๐—œ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ต๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—–๐—ฎ๐˜€๐—ฒ ๐—ป๐—ถ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐——๐˜‚๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ฒ

Ang impeachment laban kay Sara Duterte ay hindi tunay na hakbang tungo sa hustisya, kundi isang ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ธ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฒ๐—บ๐—ฎ. Totoo na may pananagutan si Duterte sa mga kasong korapsyon at kapabayaan, ngunit hindi siya nag-iisa. ๐—ž๐—ฎs๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐˜€๐—ถ ๐—™๐—ฒ๐—ฟ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ผ๐˜€ ๐—๐—ฟ. ๐˜€๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐˜โ€”sapagkat sa ilalim ng kanyang pamumuno, lalong lumala ang krisis sa ekonomiya, pamamahala, at katiwalian.

Bilyon-bilyon din na programa sa flood control projects ang nawaldas, hindi lamang sa panahon ni Duterte kundi laluna sa administrasyong Marcos. Bukod pa ang may P15.8 billion na allocable funds sa distrito mismo ni Marcos at ang unprogrammed appropriations na P807.2 billion o pinakamalaki noong 2023, at nagpatuloy hanggang sa taong ito. Ang unprogrammed appropriations ay halos nasa diskarte ni Pangulong Marcos kung paano ang alokasyon.

Sa impeachment plan kay Duterte, paano magiging makabuluhan ang proseso kung ang mismong Kongreso ay puno ng mga tiwaling pulitiko? Alam ng lahat na sangkot sa mga anomalya ng corruption si Chiz Escudero, Joel Villanueva, Mark Villar, Erwin Tulfo, Imee Marcos, B**g Go, Allan Peter Cayetano, Ping Lacson, at iba pa.

Sina Escudero, Villanueva, Mark Villar, at Erwin Tulfo ay sangkot sa bilyun-bilyon pisong corruption scandal sa isyu ng flood control projects at may mga testigo laban sa kanila. Liban sa kanila:

โ€ข Si Imee ay matagal nang sangkot sa anomalya sa 66.45 milyong to***co excise funds ng Ilocos Norte at may dating rekomendasyon sa Kamara na sampahan siya ng mga kaso. Huwag nang isama pa ang ill-gotten wealth ng pamilyang Marcos na hanggang ngayon ay hindi inaamin pero pinakikinabangan nila.
โ€ข Si B**g Go ay sangkot sa kontrata ng gobyerno na inaward ng Duterte administration galing sa DPWH. May plunder at graft complaints sa DOJ laban sa kanya.
โ€ข Si Allan Cayetano ay sangkat sa P50 milyong โ€˜kalderoโ€™ issue sa SEA Games noong 2019, bukod pa sa mga isyu ng maanomalyang procurement at city projects sa Taguig.
โ€ข Isyu ni Cayetano kina Ping Lacson at Erwin Tulfo kung paano lomobo ang kanilang SALN (Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth) na naging P245 milyon para kay Lacson, at P497 milyon kay Erwin Tulfo noong 2025. Mahirap itong ipaliwanag sa kita lamang sa negosyo ni Lacson at ni Erwin. Kamangha-mangha na pwedeng kumita ng milyon-milyon sa isang taon sa real estate at journalism project!

Anuโ€™t anuman, may milagro sa lahat ng ito. Ang pagsusuri sa corruption ay dapat alinsunod sa panuntunan ni Julius Caesar: โ€œCaesarโ€™s wife must be above suspicion.โ€ Malayang salin: ang asawa ng emperor ay hindi dapat madungisan ng katiwalian.

Panuntunan ito laluna sa gobyerno. Wala dapat anumang hinala ng katiwalian ang nag-iimbestiga sa katiwalaan. Subalit ito ang nagaganap ngayon sa Senado.

Maliwanag na hindi sila makapag-aastang tagapaghatid ng hustisya. Sa halip na magsilbi sa bayan, lalo lamang nilang inilalantad na ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐—ฎ๐˜† ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ. Ang impeachment ay nagiging drama, ginagawang palabas ang demokrasya, at ginagamit para protektahan ang interes ng naghaharing-uri.

Dagdag insulto pa, hinayaan nilang makalabas si Sara Duterte sa ibang habang ito ay iniimbestigahan. Ginagawang biro ang impeachment, at pinapakita na walang tunay na pananagutan sa ilalim ng kasalukuyang sistema. Ang mensahe nito sa masa ay malinaw: ang batas ay para lamang sa mahihirap, habang ang mga nasa kapangyarihan ay ligtas at malaya.

Dapat ding kondenahin sa si Robin Padilla sa mga ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐˜„๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ด sa gitna ng seryosong usapin na buhay-at-kamatayan ang epekto sa masa kung hindi mapatitigil ang mga korap.

Ang kanilang asal ay patunay na ang Kongreso ay hindi maaasahan bilang tunay na tagapaghatid ng hustisya, kundi tagapagtanggol ng sariling interes.

๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ฅ๐˜ฐ ๐˜“๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜”๐˜ข๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ:

โ€ข Kailangan ng ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฝ๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ถ๐—ป๐—พ๐˜‚๐—ถ๐—ฟ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป na hiwalay sa Kongreso. Dapat gawin ito dahil hindi maaaring mag-imbestiga ang mga korap ng kapwa korap.
โ€ข Dapat isama sa imbestigasyon ang impact ng mga korap na aktibidad na ito dahil kapalit ng mga kinurakot ay ang pagkaltas sa mga serbisyong panlipunan gaya ng pabahay, kalusugan, pagpapababa ng presyo ng bilihin, paglikha ng maraming trabaho, at iba pang mga proyekto.
โ€ข Hindi lamang dapat managot ang mga korap sa pamamagitan ng pagpapakulong sa kanilang lahat, kundi dapat bawiin ang pondong ninakaw at ilagay sa mga serbisyo sa masa.

Ating tandaan na ang impeachment case laban kay Sara Duterte ay nagsisilbing salamin ng bulok na sistema. Hindi sapat na siya lamang ang panagutin. ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ป ๐—ฑ๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ถ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ผ๐˜€ ๐—๐—ฟ. ๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด-๐˜‚๐—ฟ๐—ถ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป. Ang tunay na hustisya ay hindi manggagaling sa Kongreso, kundi sa sama-samang pagkilos ng mamamayan para sa isang gobyernong makamasang nakaugat sa hustisya, pagkakapantay-pantay, at sariling pagpapasya ng bayan.

๐™‡๐™–๐™๐™–๐™ฉ ๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ ๐™ค๐™ฉ, ๐™™๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ ๐™ข๐™–๐™ฃ๐™–๐™œ๐™ค๐™ฉ!
๐™ˆ๐™–๐™ง๐™˜๐™ค๐™จ-๐˜ฟ๐™ช๐™ฉ๐™š๐™ง๐™ฉ๐™š, ๐™ฌ๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™œ-๐™ž๐™—๐™–!



TESTAMENTO NG PARTIDO LAKAS NG MASA (PLM) HINGGIL SA INSIDENTE NG PAMAMARIL NG MGA ESTUDYANTE SA TACLOBAN CITYAng inside...
23/06/2026

TESTAMENTO NG PARTIDO LAKAS NG MASA (PLM) HINGGIL SA INSIDENTE NG PAMAMARIL NG MGA ESTUDYANTE SA TACLOBAN CITY

Ang insidente ng pamamaril ng lunes ng umaga June 22, 2026 ng dalawang estudyante sa San Jose National High School, sa isang pampublikong paaralan sa Tacloban City na umalingawngaw sa balita ng media sa buong kapuluan. Sa nangyaring insidente ng pamamaril ng dalawang estudyante ay ikinasawi ng tatlong estudyante, dalawa dito ay babae. Marami din ang mga batang nasugatan ng tama ng bala at stampede na umabot sa 20 estudyante. Ang PLM ay naghihinagpis sa insidenteng ito dahil isang PLM โ€“ Youth Sector ang nasawi at dalawang sugatan na kapwa miyembro din ng PLM-YS.

Ikinasawi ng buhay ng mga batang ito dahil sa kapabayaan ng โ€œbullyingโ€ sa loob ng paaralan lalu naโ€™t sa pampublikong paaralan. Sa balita, ang dalawang gunman suspect ay na-expose sa mga baril ay anak ng sundalo at pamangkin ng aktibong policewomen. Ang baril na ginamit ay 9mm g***k pistol na pagmamay-ari ng kanyang tiyahin na pulis at .38 caliber revolver ay nakarehistro sa security agency sa Cebu City. Ang mga suspect ay nasa edad 14 y/o at 15 y/o Grade 9 student ay nasasakop ng criminal exemption sa ilalim RA 9344 Juvenile Justice and Welfare Act.

Sa pangyayaring ito nagkaroon ng reaksyon sa insidenteng ito ang ilang senador at PNP, na bawasan ang edad ng โ€œcriminal liabilityโ€ at ibaba ang edad ng โ€œcriminal exemptionsโ€. May mga nagmumungkahing pag-ban sa facebook, at may nagsasabing bigyan ng criminal liability ang mga magulang.

ANG AGENDA NG PARTIDO LAKAS NG MASA SA KABATAAN SA โ€œCRIMINAL LIABILITYโ€?

Ang mga karapatan ng bata ay mga pangunahing karapatang pantao na naaangkop sa bawat indibidwal na wala pang 18 ang edad. Ginarantiyahan ng karapatang ito sa mga bata ang karapatang mabuhay, umunlad, proteksyon mula sa pinsala, at pakikilahok sa mga desisyon na nakakaapekto sa kanilang buhay. Tinitiyak ng mahahalagang pananggalang na ito na ang Kabataan ay may karapatang umunlad at matuto nang ligtas.

Ito ang pandaigdigang pamantayan para sa mga proteksyon ng Kabataan ay nakabalangkas sa UN Convention on the Rights of the Child (UNCRC). Ang mga Karapatan ng mga bata ay pangunahing ikinategorya sa apat na pangunaing prinsipyo, ang mabuhay ng ligtas, pag-unlad, proteksyon, at partisipasyon;
โ€ข Mabuhay ng Ligtas: Ang pangunahing Karapatan sa mabuhay, kaligtasan sa karahasan, at sapat na pamantayan ng pamumuhay, kabilang ang pagkain, tirahan, at pangangalagang pangkalusugan.
โ€ข Pag-unlad: Ang Karapatan sa edukasyon, paglalaro, paglilibang, mga aktibidad sa kultura, at pag-access sa impormasyong kailangan upang maabot ang kanilang buong potensyal na magandang kinabukasan.
โ€ข Proteksyon: Ang karapatang maprotektahan laban sa lahat ng uri ng pang-aabuso, pagpapabaya, pagsasamantala. karahasan, at mga nakakapinsalang mga impluwensya.
โ€ข Partisipasyon: Ang Karapatan ng mga batang magpahayag ng kanilang mga opinyon at mapakinggan sa mga bagay na nakakaapekto sa kanilang buhay, gayon din ang karapatang magkaroon ng pasya sa kanilang komunidad.

Dito sa Pilipinas, ang mga pangkalahatang prinsipyong ito ay mahigpit na naisabatas upang protektahan ang mga menor de edad mula sa ibaโ€™t ibang pang-aabuso. Kabilang sa mga pangunahing legal na balangkas ang RA 7610 Special Protection of Children Against Abuse, Explotation, and Discrimination Act, na nagsisig**o ng mga parusa para sa pang-aabuso sa bata, pagsasamantala, at child labor.

Ngunit may batas na nilapatan ng kaparusahan ang mga bata sa makakagawa ng krimen o kasalanan sa batas, ang RA 9344 Juvenile Justice and Welfare Act na magarantiyahan ang bata na nakabatay sa Karapatan sa mga batang salungat sa batas at nakagawa ng krimen. Maaaring mahihiwalay ang bata sa kanyang mga magulang na isasailalim sa pangangalaga ng Local Social Welfare Administration o Juvenile sa ilang mga taon.

Ano ba ang dahilan ng pagsalungat ng bata sa batas? Ito ba ay gawa ng magulang o ng paaralan na pangunahing sinisisi sa trahedya ng pamamaril sa pampublikong paaralan? Malinaw sa unibersal na batas at sa batas ng Pilipinas ang Karapatan ng mga Kabataan. Kung ito ay natutugunan nang estado ang mandatong iniatas para kanila mula sanggol hanggang sa kanilang pag-edad hanggang maging ganap na tao ay walang krimen na magaganap. Hindi natin kailangan pa ng batas na susupil sa kalayaang mabuhay sa komunidad at Lipunan. Hindi natin kailangan supilin ang mga impormasyon na dapat matuklasan at malaman ng mga Kabataan. Hindi dapat sisihin ang mga magulang sa kanilang kapabayaan kundi dapat sisihin ang estado o gobyerno na nagpapairal ng kahirapan. Hindi rin dapat sisihin ang paaralan sa nagaganap na kapabayaan sa seguridad sa loob ng paaralan kundi ang gobyernong binabarat ang pondo ng paaralan at mababang pasahod sa mga kawani ng paaralan.

Ano ba ang dapat gawin upang mapanatili ang kaligtasan ng mga Kabataan sa paaralan? Una, malinaw sa batas ang kalusugan, sapat na pagkain, karapatang makapaglibang, may tirahan, at malayo sa karahasan ang mga Kabataang menor de edad. Ikalawa, ang sapat na pondo ng paaralan para sa maalwan na silid paaralan, isang pagtuturo na nakaka-engganyong mag-aral na puno ng teknolohiya hindi ng karahasan, pagiging tapat sa tungkulin ng mga kawani ng paaralan, at sapat na sweldong nakakabuhay sa tagapagturo ng kinabukasan at empleyo ng paaralan.

Kung paiiralin ng estado ito ay makakatiyak na ligtas, masayang nag-aaral, at malusog ang pangangatawan tungo sa magandang kinabukasan ng mga Kabataan

Partido Lakas ng Masa
June 23, 2026

26/05/2026

PAHAYAG NG PARTIDO LAKAS NG MASA (PLM)
Sa Pag-apruba ng HB 8389 sa Second Reading:

Paulit-ulit na binubudol ng dinastiya ang masa

Muli na namang binudol ng mga naghaharing uri at dinastiya ang malawak na masa nang aprubahan ng Kamara sa 2nd reading ang House Bill No. 8389, o pekeng panukala na Anti-Political Dynasty Act.

Nagkapit-bisig ang magagaling na 175 kinatawan ng Kamara para suportahan ang HB 8389 na ang pangunahing proponent ay sina House Speaker Bodjie Dy, mula sa dinastiya sa Isabela, at si Sandro Marcos, mula sa dinastiyang Marcos.

Nagdudumilat ang kalokohan: ang institusyong magpapasya sa pagbabawal ng dinastiya sa gobyerno ay mismong institusyong pinatatakbo ng mga dinastiya.

Kontrol ng dinastiya

Ayon sa huling pagsusuri ng midya, humigit-kumulang sa 80% ng mga miyembro ng Kamara ang kabilang sa dinastiya.

Sa Senado, 20 senador (83%) ay bahagi ng dinastiya gaya ng magkakapatid na Cayetano, Villar, Tulfo, Estrada-Ejercito, at angkan ng Marcos (Imee), Escudero, Marcoleta, Legarda, at iba pa.

Nagkapit-bisig sa HB 8389 ang mga malalim nang nakaugat na angkan ng mga Dy, Marcos, Tan, Zamora, Tolentino, Angara, Rodriguez, Hernandez, Singson, at iba pang nakalista sa House committee report.

Ipinakikita nito ang lalim ng kontrol ng dinastiya sa paghahari sa halos buong gobyerno at ang ibinubunga nitong krisis ng pandarambong, korapsyon, patronage, at impunity.

โ€˜Pagbabawalโ€™ ng HB 8389 sa dinastiya

Matuwa na raw tayo dahil bawal na ang dinastiya hanggang second degree ng pamilya sa dugo at pamilya sa asawa.

โ€ข Ang second degree sa dugo (consanguinity) ay binubuo ng nuclear family (mag-asawa, magulang nila, at mga anak) hanggang mga kapatid at apo.

โ€ข Ang second degree sa asawa (affinity) ay mga in-laws โ€“ magulang hanggang mga kapatid ng asawa.

Hindi mabubuwag ng 2nd degree na pagbabawal ang paghahari ng mga dinastiya. Dahil hindi nito pinagbabawal ang pagtakbo at pag-upo sa pwesto ng mga pamangkin at pinsang-buo. Marami sa dinastiya ay pinapalitan ng pamangkin at pinsan kapag tapos na ang kanilang termino o termino ng malapit nilang pamilya.

Pambubudol din ang ipagmalaking isa lamang mula sa isang angkan ang pwedeng tumakbo at mahalal sa pambansang pwesto gaya ng Presidente, Bise-Presidente, at Senador.

Pero kasabay nito, pwedeng tumakbo, kahit sabay-sabay, ang dalawa o higit pang myembro ng dinastiya sa Kongreso, Governor, Mayor, at Barangay Captain โ€“ bastaโ€™t hindi sa iisang distrito o probinsya!

Rigodon ng dinastiya

Sa HB 8389, pinapayagan din ang palitan ng posisyon at paglipat sa ibaโ€™t ibang distrito, probinsya, munisipalidad, o party-list groups ng mga kaanak.

Sa kabuuan, pinapanatili nito ang kanilang makinaryang pampulitika at kinulimbat na yaman. Pinagtitibay rin ang patronage, kontrol sa negosyo, at impunity ng mga dinastiya.

Peke at basurang anti-dynasty bill

Pekeng anti-dynasty bill ang HB 8389 dahil pinagpapatuloy at pinalalakas nito ang mga dinastiyang pampulitika habang nagpapanggap na laban dito.

Basura Bill ito dahil pananatilihin nito ang pagkakalat ng katiwalian at pang-aabuso ng dinastiya na binulok na ang Pilipinas sa kanilang paghahari.

Ang dinastiya rin ang kabilang sa oligarkiya, mga panginoong maylupa, malalaking negosyante, kontratista, at criminal warlords (sa droga, prostitusyon, at iba pa).

Samakatwid, hindi maaaring umasa lamang sa Kongreso na pinatatakbo rin ng dinastiya. Ang tunay na demokratikong reporma ay makakamit sa paglaban at pagbabagsak sa kanila.

Nanawagan ang PLM sa sumusunod:

1. Pagpapasa ng tunay na anti-political dynasty law na magbabawal sa pagtakbo ng mga angkan hanggang sa 4th degree sa dugo at asawa.

2. Pagwawakas sa pulitika ng vote buying, kontrol sa campaign finance ng mga trapo, at pagbabawal sa paggamit ng impluwensya ng mga korporasyon at oligarkiya sa anumang paraan.

3. Pagwasak sa kontrol ng dinastiya sa mga lokal na pamahalaan, kabilang ang pagtatayo ng mga private army, ang patronage system, at ang mga kartel sa negosyo.
4. Pagpapalakas ng tunay na party-based na pulitika na nakabatay sa programa at kilusang masa โ€“ sa halip na personalidad at pulitika ng mga angkan.

5. Pagbubuo ng independyenteng organisasyong masa, at mga demokratikong pormasyon sa grassroots na hindi pabibili, hindi pagagamit, at may kakayahang ibagsak ang paghahari ng mga elite lampas sa eleksyon.

Hindi kami naniniwala na makakamit ang tunay na kontra-dinastiyang batas mula sa buong Kongreso, kaya nagkaisa rin kaming sumanib sa malawak na koalisyon na maglulunsad ng Peopleโ€™s Initiative Bill na alternatiba sa mga pekeng batas na ginagawa ng mga nasa pwesto.

Ipapahayag namin sa malapit na hinaharap kung kailan at paano ito ilulunsad.

Ang laban kontra-dinastiya ay hindi maihihiwalay sa mas malawak na laban sa paghahari ng oligarkiya, sa pagkontra sa korapsyon at impunity, o walang habas na pang-aabuso at pagsasamantala ng iilan.

Kailangang wakasan ang panlipunan at ekonomikong pundasyon ng kapangyarihan ng mga elite.

Dapat lumampas ang ating mga demokratikong pakikibaka sa mga simbolikong reporma lamang. Dapat ganap na ibasura ang dinastiya at mga trapo, at itatag ang Gobyerno ng Masa na kapalit nito.

Wakasan ang elite rule!
Isulong ang demokratiko at sosyalistang pagbabago!

Mayo 26, 2026

Ang Tindig ng Kamaynila sa Programang HDH Pabahay ng SHFCMuling binuhay ng Social Housing Finance Corporation (SHFC) ang...
20/05/2026

Ang Tindig ng Kamaynila sa Programang HDH Pabahay ng SHFC

Muling binuhay ng Social Housing Finance Corporation (SHFC) ang kanilang programang High Density Housing (HDH) para sa mga โ€œhomeless and underprivileges Filipino familyโ€. Ang Kamaynila HOAI ang may pribilehiyo sa programang ito noong pang 2018 at ito ay nahinto noong transisyon ng pamahalaan mula sa pamahalaang Duterte patungo sa pamahalaang BBM. Nabibiyayaan ng โ‚ฑ88.864 Million mula sa GAA 2018 ang Kamaynila at ibinili ito ng lupa sa Carissa Homes Tanza ng 894 lots unit na pag-aari ng Banko Sentral ng Pilipinas upang ipagtayo ng tirahan ang mga miyembro ng Kamaynila taong 2022.

Sa pagpapalit ng pamahalaan noong 2022 ay isinara ang libro ang programang HDH at ipinalit ang programang 4PH na pabahay ni BBM. Inilibing ang HDH nang halos 4 na taon. Ginawa nang tirahan ang mga lupang dapat sana ang nakatira ay mga miyembro ng Kamaynila hindi ang mga informal settler ng Tanza, Cavite. Ngayon ay bumabalik ang SHFC sa Kamaynila upang seryoso na nilang ipamahagi ang mga lupa sa Carissa Homes Tanza dahil ang SHFC ay muling binuhay ang programang HDH mula sa ilalim ng Expanded 4PH program ng DHSUD.

May 19, 2026 araw ng Martes ay naganap ang Diyalogo sa pagitan ng opisina ni Joseph Eisma โ€“ OIC SHFC HDH Division at mga pamunuan at miyembro ng Kamaynila sa pamumuno ni Giboy Adena. Sa talumpati ni Sir Joseph Eisma, binalikan nya ang historical ng programang HDH ng SHFC at ang mga kahinaan nito sa pagpapatupad ng programa sa mga โ€˜homeless at underprivilegedโ€™ na pamilyang Pilipino. Hinimok nya na muling pagtiwalaan ang SHFC na muling buhayin ang programa at pakinabangan ang lupa na dapat sana na noon pa naipamigay naโ€™ sa mga miyembro ng Kamaynila.

Sa panig naman ng Kamaynila, sinabi nito na sa una pa lang ay hindi na ipinatutupad ng SHFC ang batas ng 1987 Constitution Article 13 Section 9 โ€œAng Estado ay dapat, sa pamamagitan ng batas, at para sa kabutihang panlahat, sa pakikipa'gtulungan sa pampublikong sektor, isang patuloy na programa ng reporma sa lupa at pabahay sa lunsod na magbibigay ng abot-kayang halaga ng disenteng pabahay at mga pangunahing serbisyo sa mga โ€˜underprivileged at homelessโ€™ na mga mamamayan sa mga sentrong urban at mga resettlement na mga lugar. Dapat din itong magsulong ng sapat na mga oportunidad sa trabaho sa naturang mga mamamayanโ€. Ito ang mandato sa lahat ng mga nakaupo sa gobyerno na ipinatutupad ang batas bagkus pinagkakakitaan ang batas na ito.

Una naming tinalakay ang Port Town sa Parola Tondo, isang 4PH project ng SHFC na may taas na 16th Floor at ito ay may bayaring humigit P6,000 a month sa loob ng 30 years na bayaran na naka-loan sa PagIbig Fund. Hiniling ng Kamaynia na pababain ang bayarin sa pamamagitan ng housing subsidy na ang babayaran ay aabot na lamang ng halagang P2,000 per month para sa 100 pamilya ng miyembro ng Kamaynila. Sinabi ni OIC Eisma na tutulong sya na matugunan ito, gumawa ng sulat ang Kamaynila sa kahilingang ito na idadaan sa inter-agency ang pamamaraan ng housing subsidy, sulatan din ang DHSUD sa mabilis na aksyon.

Ikalawang tinalakay ang Carissa Homes Tanza. Iginiit ng Kamaynila na ipangalan na ang 894 lots unit sa Kamaynila HOAI sa pamamagitan ng paglalabas ng โ€˜Deed of Assignment at Deed of Conveyanceโ€ pabor sa pangalan ng Kamaynila hindi ng indibidwal. Hindi na ito kailangan bilhin ang lupa dahil ang pondo sa pagbilli ng lupa ay mula sa GAA 2018, Congress of the Philippines ang nagdesisyong bigyan ng pondo ang Kamaynila โ‚ฑ88.864 Million para pambili ng lupa para tayuan ng tirahan. Ang tugon ni OIC Eisma na ang kahilingang ito ay idudulog sa SHFC Legal Department para sa legal na aksyon.

Mga kasama malinaw pa rin na nahihirapan silang (SHFC) magdesisyon kung sa kapakanan ng mahihirap ang benepisyo, pero kung hihingi ng pondo ay mahihirap ang ginagawang requirement para magkapondo sa kanilang ahensya. Kapag naipalabas na ang pondo ay hindi na kasali ang mahihirap sa kanilang serbisyo kundi negosyo.

Sa aksyon natin gagawin ng Kamaynila ang sulatan ang SHFC na ang laman ay ang ating kahilingan. Titindig ito sa kapakanan ng mga โ€poorest of the poorโ€ sa mga biktima ng sunog-demolisyon sa Moriones, Isla Puting Bato, Aroma, HappyLand, Baseco, at Smokey Mountain.

Ang Kamaynila ay organisasyon ng mga infomal settler na ginagabayan ng Partido Lakas ng Masa (PLM) sa isang sosyalistang pananaw sa komunidad at lipunan.

PLM โ€“ KAMAYNILA
May 20, 2026

Ang posisyon ng PLM sa krisis sa kuryente.
16/05/2026

Ang posisyon ng PLM sa krisis sa kuryente.

Hindi Dapat Ikalakal ang Kuryente, Gawing Serbisyo sa Mamamayan! Isabansa ang Industriya ng Enerhiya sa Ilalim ng Workersโ€™ Control 1. Estruktural, hindi teknikal, ang dahilan ng krisis sa kuryente.โ€ฆ

Address

Manila

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PLM Urban Poor Committee posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PLM Urban Poor Committee:

Shortcuts

Share