22/05/2026
FRIDAY GANAP: Sa pagpapatuloy ng IWS Trainer’s Training on Feminism and Education Work with Women (TrTr for Women), pinadaloy ni Atty. Maria Cleofe Gettie C. Sandoval ang mahalagang sesyon sa Gender and the Law.
Bilang legal consultant na naging bahagi ng pagbalangkas ng Magna Carta of Women (RA 9710) at Safe Spaces Act (RA 11313), ibinahagi ni Atty. Sandoval ang malalim na pag-unawa sa batas bilang larangan ng proteksyon, pananagutan, at feministang pagkilos.
Tinalakay sa sesyon ang ugnayan ng kasarian, karapatan, karahasan, access to justice, at legal remedies—lalo na sa mga usaping kinakaharap ng kababaihan at iba pang sektor na nasa laylayan. Mahalaga ang pag-unawang ito upang makita na ang batas ay hindi lamang teksto sa papel; ito ay dapat maging buhay na sandigan para sa dignidad, kaligtasan, at katarungan.
Sa TrTr for Women, ang pag-aaral ng batas ay nagiging bahagi ng mas malawak na gawain ng pagpapalaya: ang pag-alam sa karapatan, paghamon sa karahasan, at pagtataguyod ng mga ligtas at makatarungang espasyo para sa lahat.