Tambisan sa Sining - Sta. Mesa

Tambisan sa Sining - Sta. Mesa

TINGNAN: Nakiisa ang Tambisan sa Sining - Sta. Mesa kahapon, ika-12 ng Hunyo sa malawakang kilos-protesta ng mga progres...
13/06/2026

TINGNAN: Nakiisa ang Tambisan sa Sining - Sta. Mesa kahapon, ika-12 ng Hunyo sa malawakang kilos-protesta ng mga progresibong sektor para sa ika-128 na huwad na Kalayaan ng Pilipinas.

Simula nang inagaw ng Estados Unidos ang tagumpay ng mga katipunero sa pagkamit ng kalayaan ng Pilipinas laban sa mga Espanyol, hindi na rin nito binitiwan ang pagkontrol ng likas na yaman ng bansa, at ng sistemang panlipunan na may huwad na demokrasya. Bumuo ang impeng US ng isang ilusyon na malaya tayong mga Pilipino ngunit kung susuriin, ang sistema ng edukasyon, produksyon, at kulturang namamayani ay hinubog para tayo'y maging sunod-sunuran at magsilbi sa IUS upang madali nitong pagnakawan at maging galamay ang ating bansa sa pagsulong ng kanilang pansariling interes.

Mananatiling ilusyon at huwad ang ating kalayaan hangga't hawak ng Estados Unidos ang pulitika, militar, kultura at ekonomiya ng Pilipinas. Bilang mga artista ng bayan, at manggagawang pangkultura, hamon sa atin na gibain ang nabubulok at naagnas na sistema. Sa lumalalang kulturang burgis, kolonyal, pyudal at pasismo ng estado, buong lakas nating isulong ang pambansa, siyentipiko, at makamasang kultura.

Artista ng bayan, kabataan, at mga manggagawang pangkultura, tuloy-tuloy ang laban para sa tunay na kasarinlan!

ARTISTA'T MANGGAGAWANG PANGKULTURA, ILANTAD ANG HUWAD NA KALAYAAN! MAGKAISAโ€™T SAMA-SAMANG LANSAGIN ANG IMPERYALISMO! Bag...
11/06/2026

ARTISTA'T MANGGAGAWANG PANGKULTURA, ILANTAD ANG HUWAD NA KALAYAAN! MAGKAISAโ€™T SAMA-SAMANG LANSAGIN ANG IMPERYALISMO!

Bagama't taun-taon ang pagdaraos ng "Araw ng Kalayaan" ay malinaw na naisisiwalat na huwad ang kalayaang ito. Nananatiling kontrolado ng Imperyalistang Estados Unidos ang ating ekonomiya, pulitika, militar, at kultura.

Sa ilalim ng rehimeng US-Marcos, mas tumitindi ang presensyang militar ng US sa porma ng EDCA, VFA, at Balikatan Exercises. Gayundin ang pananamantala at pagnanakaw sa likas na yaman ng Pilipinas gaya na lamang ng Pax Silica na naglalayong lumikha ng kagamitang pandigma at Artificial Intelligenceโ€”isang makinarya upang lubos na kontrolin ang bansa sa ilalim ng mapanlinlang na pangakong maalwang ekonomiya.

Manipestasyon din ng huwad na kalayaan ang pagsasapribatida ng edukasyon. Nag aanyo ito sa napipintong muling pagpasa sa bogus na bersyon ng NPU Bill, samantalang danas ng mga iskolar ng bayan ang manipestasyon ng taun-taong budget cuts sa mainit na klasrum, bulok na mga pasilidad, limitadong suplay ng kuryente at iba pang yutilidad. Nariyan parin ang mas tumitinding banta sa kaligtasan ng mga nakikibakang kabataan, ang pandarahas at panunupil sa mga lider-estudyante na tumitindig para sa edukasyon at karapatan. At sa kasalukuyan, nahaharap sa bantang paglusaw ang mga kursong General Education o GE dahil sa panukalang reporma sa kurikulum na hindi man lamang dumaan sa masusing konsultasyon at talakayan sa ating kaguruan.

Kaya hamon sa mga kabataan, artista ng bayan, at manggagawang pangkultura na makibaka para sa tunay na kasarinlan. Magkita-kita tayong muli sa lansangan bukas, June 12, 9 AM sa Kalaw, Maynila.


11/06/2026
Nakiisa ang Tambisan sa Sining-Sta. Mesa sa kilos-protesta laban sa huwad na CARP sa pangunguna ng Kilusang Magbubukid n...
10/06/2026

Nakiisa ang Tambisan sa Sining-Sta. Mesa sa kilos-protesta laban sa huwad na CARP sa pangunguna ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, kasama ang hanay ng mga magsasaka mula sa iba't ibang dako ng bansa.

Sa deka-dekadang pagsasamantala, malinaw na inuuna ang interes ng mga dayuhan at lokal na naghaharing-uri sa patong-patong na anti-magsasakang polisiya gaya ng CARPER, SPLIT, at NAEA, pati na ang 99-year foreign lease. Kaya ang sigaw ng taumbayan: LUPA SA MAGSASAKA, HINDI SA DAYUHAN!

LUPA SA MAGSASAKA, HINDI SA DAYUHAN!38 taon na ang nakalipas mula nang pirmahan ni dating pangulong Corazon Aquino ang h...
09/06/2026

LUPA SA MAGSASAKA, HINDI SA DAYUHAN!

38 taon na ang nakalipas mula nang pirmahan ni dating pangulong Corazon Aquino ang huwad at palpak na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa ilalim ng Republic Act 6657.

Kung sa papel ito ay pangakong reporma at pamamahagi sa lupa para sa magsasaka, sa lumipas na mga taon ay lumabas ang tunay na layunin ng CARP. Huwad ang reporma sa lupa sapagkat laganap pa rin ang karahasan at pangangamkam ng mga sakahan, na yumuyurak sa karapatan ng mga magsasakang Pilipino. Lubos pa ring nananatili ang kulturang pyudalismo at pagmomonopolyo sa lupang sakahan.

Kaya't hangga't walang tunay na reporma sa lupa, mariing mananawagan ang sektor ng magsasaka, kasama ang malawak na hanay ng masa, para sa buhay at karapatan!

Sumama sa pagkilos bukas, June 10 sa harap ng Department of Agrarian Reform!


๐Ÿ’ฅ ARTISTS BITE BACK SHIRT IS NOW OPEN FOR PRE-ORDER!! ๐Ÿ’ฅScreen Printed Shirt Available in size XS-3XLPre-Orders P600Regul...
09/06/2026

๐Ÿ’ฅ ARTISTS BITE BACK SHIRT IS NOW OPEN FOR PRE-ORDER!! ๐Ÿ’ฅ

Screen Printed Shirt
Available in size XS-3XL
Pre-Orders P600
Regular Orders P650
Available in White Only

MOP: GCASH & LANDBANK ONLY
MOD: JNT EXPRESS, LALAMOVE, MEET-UP & EVENTS

Please note that orders may take up 3-4weeks for production ๐Ÿ˜Š

kindly fill-up to orderโ—๏ธ
bit.ly/ADPH_TshirtPreOrderForm
bit.ly/ADPH_TshirtPreOrderForm
bit.ly/ADPH_TshirtPreOrderForm

KATARUNGAN AT PANANAGUTAN, HINDI PAGKAWALANG-SALA! Mariing kinukundena ng Tambisan sa Sining Sta. Mesa ang pinakahuling ...
09/06/2026

KATARUNGAN AT PANANAGUTAN, HINDI PAGKAWALANG-SALA!

Mariing kinukundena ng Tambisan sa Sining Sta. Mesa ang pinakahuling desisyon ng Sandiganbayan na ibasura ang kaso ng ill-gotten wealth laban sa pamilyang Marcos dahil lamang sa "prosecution inaction."

Hindi kailanman magiging katanggap-tanggap ang paggamit ng teknikalidad at kabagalan ng sistema upang takasan ang pananagutan sa dambuhalang pandarambong sa kaban ng bayan ng mga tulisang Marcos.

Ang bilyon-bilyong pisong ninakaw sa mamamayan ay hindi naglalaho dahil lamang sa lumipas ang mga dekada. Hindi lang ito lilipas na lang at kakaligtaan nang basta-basta lamang. Ang kawalan ng sapat at mabilis na aksyon mula sa mga ahensya ng gobyerno ay patunay lamang ng umiiral na kultura ng impunidad ng mga burukrata kapitalista at mga naghaharing uri.

Hindi nararapat na ibasura ang mga kasong ito habang ang milyun-milyong Pilipino ay patuloy na nagdurusa sa kahirapan, kawalan ng trabaho, at kakulangan sa batayang serbisyoโ€”mga krisis na direktang naka-ugat sa imperyalismo, pyudalismo, at burukrata-kapitalismo na siyang nagpapahintulot sa mga tulad ng pamilyang Marcos na dambungin ang kaban ng bayan nang walang pananagutan.

Ang bawat pisong ninakaw ay sana'y inilaan sa karampatang pondo sa edukasyon, kalusugan, at iba pang pangunahing suliraning dapat tugunan sa bansa. Ang pagbabasura sa kasong ito ay tahasang insulto sa mga biktima ng diktadura at sa buong sambayanang patuloy na nagbabayad sa mga utang na iniwan ng rehimeng Marcos.

Nananatili ang kultura ng impunidad at korapsyon buhat pa noon hanggang ngayong ang anak ng diktador ang nakaluklok sa pwesto. At hanggang ngayon ay wala pa ring napapanagot habang payapang namumuhay ang pamilyang Marcos sa yaman na dapat taumbayan ang nakikinabang.

Hindi natin hahayaang tahasang burahin ng kasaysayan at ng mga baluktot na desisyon ang katotohanan. Ang bayan ang siyang hahatol at buong-lakas na titindig upang irehistro ang sama-samang pagtutol! Ilang dekada man ang lumipas, hindi tayo mapapagod, hindi tayo mananahimik, at lalong hinding-hindi tayo magsasawang maningil sa mga magnanakaw at berdugo na hanggang ngayon ay wala pa ring napapanagot!


ANG PRIDE AY PROTESTA! MAKIBEKI, 'WAG MASHOKOT!Nagkasa ng pride protest sa PUP Sta. Mesa Campus ang hanay ng mga estudya...
09/06/2026

ANG PRIDE AY PROTESTA! MAKIBEKI, 'WAG MASHOKOT!

Nagkasa ng pride protest sa PUP Sta. Mesa Campus ang hanay ng mga estudyante at iba't ibang sektor sa pangunguna ng Bahaghari PUP.

Malinaw ang panawagan: Ang pride ay protesta. Patuloy pa rin ang pananamantala at pang-aapi sa karapatan ng mga miyembro ng LGBTQIA+, mapa-kalunsuran o kanayunan. Sa bawat transgender na hindi narerespeto ang lived name at ekspresyon sa pananamit, sa baklang pinagkakaitan ng trabaho, sa magsasakang inaapi dahil sa kaniyang kasarian, tunay na ramdam ang diskriminasyon sa sangkabaklaan. At hangga't mayroong mamamayang api, kikilos at magtutulungan ang ibaโ€™t ibang sektor ng lipunan.

Tampok sa protesta ang pagsusulong ng pagpapasa ng SOGIE Equality Bill para sa mas ligal na representasyon. Sabi ni dating Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas, "Hindi nanghihingi ng special rights ang LGBTQIA+". Isinusulong lamang nito ang pantay na pagtingin sa mga manggagawa sa ibaโ€™t ibang sektor, magsasaka, mangigisda, at buong populasyon ng LGBTQIA+, ang buhay na walang diskriminasyon base sa gender.

Sa pangkabuuang esensya ng pride, tampok ang pagdiriwang ng identidad ng bawat sangkabaklaan mula sa iba't ibang sektor at panawagan na ipaglaban ang karapatan ng mga miyembro ng LGBTQIA+ sa loob man o labas ng pamantasan ng PUP.




๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐™๐™„๐˜ฟ๐™€๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐™๐™„๐˜ฟ๐™€๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐™๐™„๐˜ฟ๐™€ ๐˜ผ๐™” ๐™‹๐™๐™Š๐™๐™€๐™Ž๐™๐˜ผ ๐Ÿ—ฃ๏ธ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆโœจAng ๐๐ซ๐ข๐๐ž ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก ay hindi lamang pagdiriwang ng identidadโ€”ito ay pagpapatu...
08/06/2026

๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐™๐™„๐˜ฟ๐™€
๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐™๐™„๐˜ฟ๐™€
๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐™๐™„๐˜ฟ๐™€ ๐˜ผ๐™” ๐™‹๐™๐™Š๐™๐™€๐™Ž๐™๐˜ผ ๐Ÿ—ฃ๏ธ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆโœจ

Ang ๐๐ซ๐ข๐๐ž ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก ay hindi lamang pagdiriwang ng identidadโ€”ito ay pagpapatuloy ng mahabang kasaysayan ng paglaban. Mula sa mga babaylan ng sinaunang panahon na sumasagisag sa gender fluidity at espiritwal na kapangyarihan, hanggang sa mga panahong sinupil ng kolonyalismo at patriyarkiya ang ating mga pagkatao, at hanggang sa kasalukuyang pakikibaka ng mga modernong babaylanโ€”ang Pride ay nananatiling anyo ng protesta.

Hanggaโ€™t may diskriminasyon, may pang-aapi, at may sistemang lumalabag sa ating dignidad, ang Pride ay mananatiling sigaw ng paglaban para sa karapatan, hustisya, at pagkakapantay-pantay.

Kaya beks, hindi tayo mananahimik!

Makibeki kasama ang sangkabaklaan! Lumabas, makinig, matuto, at rumampa sa ating Pride Mobilization this ๐—๐˜‚๐—ป๐—ฒ ๐Ÿต!๐Ÿ’ฅ๐ŸŒˆ

๐Ÿ”ป ๐Š๐Ž๐๐ƒ๐”๐Š๐“๐€
10:00 AM โ€” Assembly @ Charlie Bldg.
11:00 AM โ€” Start of Program

BUT WAIT, ๐“ฝ๐“ฑ๐“ฎ๐“ป๐“ฎโ€™๐“ผ ๐“ถ๐“ธ๐“ป๐“ฎ! ๐Ÿ‘€

Hindi lang tayo rampa sa lansanganโ€”kundi rampa rin sa diskurso at kamalayan ๐Ÿ’…๐Ÿป

๐Ÿ“š ๐˜ผ๐™ก๐™ฉ๐™š๐™ง๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ซ๐™š ๐˜พ๐™ก๐™–๐™จ๐™จ๐™ง๐™ค๐™ค๐™ข ๐™‡๐™š๐™–๐™ง๐™ฃ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™€๐™ญ๐™ฅ๐™š๐™ง๐™ž๐™š๐™ฃ๐™˜๐™š
๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ LGBT Situationer under the Marcos Regime + Issue Discussion
โฐ 2:00 PM @ PUP Main Building

Tara na, bes! Outfit on. ๐™ˆ๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™˜๐™ฎ on. ๐ŸŒˆโœŠ๐Ÿป

๐ŸŒˆ [COORDINATING GC FOR JUNE 9]

https://tinyurl.com/SUMAMA-SA-JUNE-9
https://tinyurl.com/SUMAMA-SA-JUNE-9
https://tinyurl.com/SUMAMA-SA-JUNE-9



Hanggang kailan ba magtitiis ang taumbayan sa brownout at walang abisong pagkawala ng kuryente tuwing tag-init?!โ€‹Hindi a...
07/06/2026

Hanggang kailan ba magtitiis ang taumbayan sa brownout at walang abisong pagkawala ng kuryente tuwing tag-init?!

โ€‹Hindi aksidente ang krisis na ito, kundi ito ay dulot ng EPIRA Law (Electric Power Industry Reform Act of 2001). Lagpas dalawang dekada na nating pasan ang neoliberal na polisiyang ito na nagbigay-daan upang mamonopolisa ang kuryente ng mga pribadong kapitalista. Imbis na bumaba ang singil, ginawang legal ng EPIRA ang kartel at monopolyo upang magkamal ng dambuhalang kita ang mga korporasyon tulad ng Meralco, Aboitiz, at SMC.

โ€‹Habang pinipiga ang bulsa ng mamamayan sa taas ng singil at buwis sa ilalim ng rehimeng US-Marcos Jr., bulok at delikado ang serbisyo. Gaya na lamang nitong nakaraang pagsabog ng generator sa PUP na sumasalamin sa talamak nilang kapabayaan!

โ€‹Hindi negosyo ang kuryente; ito ay batayang karapatan na dapat ay sapat, ligtas, aksisable, at tunay na abot-kaya ng masa! Alisin ang VAT at lahat ng pahirap na buwis sa kuryente!

โ€‹Bukas, sa ganap na 9:00 AM sa Morayta, magsama-sama tayong maningil! Tuluyan nating ibasura ang EPIRA LAW, at ipanawagan na tanggalin nang tuluyan ang VAT sa kuryente at sa iba pang pangunahing pangangailangan at wakasan ang neoliberal na pagpapahirap sa taumbayan!

โ€‹

Address

Manila

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tambisan sa Sining - Sta. Mesa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Tambisan sa Sining - Sta. Mesa:

Share