PINAS - Panon Imut Namnama Aku Sambansa

PINAS - Panon Imut Namnama Aku Sambansa Kakambal ng pagiging Maka-Diyos ang pagiging Maka-Bayan. Pagsilbihan ang Bayan katulad ng pagmamahal natin sa Diyos.

04/07/2026

Hanggang ngayon, napapatanong ako kung bakit ang DEPED, sinasabi na magha-hire ng libo-libong teachers,

PERO WALANG TEACHERS NA DINIDISTRIBUTE SA BAWAT SCHOOL?

Palakasan ba sa koneksyon sa kani-kaniyang Schools Division Office ang mga paaralan sa iba’t ibang siyudad?

Bakit iniipit ang mga schools sa audit?
Bakit iniipit ang mga item sa mga divisions office?
Hindi ba dapat ito ang mga basic problem na na-address na bago ang pasukan?

Puro “monitoring monitoring” ang mga bisor sa lahat ng school pero naririndi na ko sa hinaing ng mga teachers na bakit di nila ma-address ang basic problem ng hiring?

Anong teknikalidad ang itutulong ng bisor para mapabago ang itaas? ‘Di ba dapat trabaho nila na ayusin ang baba at hindi i-please ang mga nasa itaas?

With due respect sa lahat ng teacher organization. Ito ang dapat tutukan! Ito sana ang pukpukan kasi kagyat ito. Dito nahihirapan ang karaniwang g**o na pobre at takot magsalita.

‘Yung mga pinahirapan sa hiring, ayun waiting pa rin. Ang mga school na hirap na hirap na sa dami ng load at dami ng mga bata, dami pang kaso.

Panahon na para isulong ang 25 to 30 na CLASS SIZE!

Kung ako mauupo na marginalized sector ng teacher sa kongreso o senado, ito ang uunahin kong tugunan.

30 sa bawat section at bibilangin ang load hindi sa dami ng oras na nagtuturo siya kundi sa dami ng hawak niyang bata at 4 teaching load lang per day in a six hour stay!


Bam Aquino Sonny Angara

Address

Manila

Telephone

09753065648

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PINAS - Panon Imut Namnama Aku Sambansa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PINAS - Panon Imut Namnama Aku Sambansa:

Shortcuts

Share