03/01/2026
BASKETBALL FOR A CAUSE 🏀
Ngayong Enero 4, 2026. Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa sa Basketball for a Cause 🏀
Isa itong simpleng palaro ngunit may malaking layunin, ang tumulong kay Bryan Pascua
Ang bawat pisong malilikom mula sa aktibidad na ito ay direktang ilalaan para sa pinansyal na pangangailangan ni Bryan, bilang suporta sa kanya at sa kanyang pamilya sa panahong ito ng pagsubok.
Hindi lang ito tungkol sa basketball—ito ay tungkol sa pagkakaisa, malasakit, at pagtulong.
📍 Venue: BALTAO COVERED COURT BMA BLDG
👥 Organizer: Tau Gamma Phi – BALTAO COMMUNITY CHAPTER at ng PULANG ARAW PIÑAS PRIDE AT MGATROPA
Sama-sama nating ipakita na sa isang laro, maaari tayong makapagbigay ng tulong.
Maraming salamat po at umaasa kami sa inyong pakikilahok at suporta. 💛🖤