05/10/2026
๐ฃ๐๐๐๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ ๐ก๐ ๐ฆ๐๐ก๐ง๐ข ๐ฅ๐ข๐ฆ๐๐ฅ๐ฌ๐ข ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐ก๐๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐ฆ๐๐ก๐๐ก๐๐๐๐๐๐ | ๐ข๐ธ๐๐๐ฏ๐ฟ๐ฒ ๐ฏ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Ginanap sa Basilika Menor at Arkidiyosesanong Dambana Parokya ng Santo Niรฑo de Tondo ang Pagdarasal ng Santo Rosaryo para sa Pangangalaga sa Sangnilikha na ginanap noong ika-3 ng Oktubre, 2026, sa ganap na ika-7 ng gabi.
Ang gawain ay pinamunuan ng Ecology Ministry at dinaluhan ng mga mananampalataya at mga miyembro ng iba't ibang mga ministri at organisasyon sa Basilika Menor. Nakiisa rin sa pagdarasal ng santo rosaryo ang mga piling pamilya mula sa komunidad.
Layunin ng gawaing ito na sama-sama tayong magpasalamat, magnilay, magbalik-loob, manindigan at pakinggan natin ang daing ng daigdig at ng mga dukha sa pagkasira ng kalikasan, sa polusyon, sa mga kalamidad, at sa pagkawala ng tahanan at kabuhayan ng maraming pamilya at pamayanan.
Nawa sa katahimikan ng ating puso ay makita natin ang Diyos sa kagandahan ng Kanyang mga nilikha; marinig natin ang daing ng ating kapwa at ng ating tahanang panlahat; at magkaroon tayo ng lakas na gawing pagkilos ang ating panalangin.
๐๐๐ง๐๐, ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐ ๐ฟ๐๐ฎ๐ค๐จ ๐๐ฉ ๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐, ๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ ๐ข๐ค ๐ ๐๐ข๐.
๐๐๐ฃ ๐
๐ค๐จ๐, ๐ฉ๐๐๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ก๐๐๐ ๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐ฃ๐๐ก ๐ฃ๐ ๐๐๐-๐๐ฃ๐๐ , ๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ ๐ข๐ค ๐ ๐๐ข๐.
๐๐๐ฃ ๐๐ง๐๐ฃ๐๐๐จ๐๐ค ๐ฃ๐ ๐ผ๐จ๐จ๐๐จ๐, ๐ข๐๐ฅ๐๐๐ข๐๐๐๐ก ๐จ๐ ๐ฟ๐๐ฎ๐ค๐จ ๐๐ฉ ๐จ๐ ๐๐๐ฃ๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐จ๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ก๐๐ ๐๐, ๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ ๐ข๐ค ๐ ๐๐ข๐.
Minor Basilica and Archdiocesan Shrine Parish of Santo Niรฑo de Tondo