CCT Paglingap

CCT Paglingap Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from CCT Paglingap, Non-Governmental Organization (NGO), 5th Floor Echelon Tower A. Mabini Street , Malate, Manila.

Healthy Paalala!
18/08/2026

Healthy Paalala!

Sa gitna ng matitinding hamon na dulot ng pagbabago ng klima sa ating bansa, huwag nating kalimutan na mayroon tayong Pa...
17/08/2026

Sa gitna ng matitinding hamon na dulot ng pagbabago ng klima sa ating bansa, huwag nating kalimutan na mayroon tayong Panginoong Diyos na ating kanlungan at lakas.

Sama-sama tayong manalangin para sa kaligtasan, kalakasan, at pag-iingat ng ating mga kababayan sa buong Pilipinas.

โ€œAng Diyos ang ating kanlungan at kalakasan, laging handang tumulong sa oras ng kagipitan.โ€ -Awit 46:1

Sa bawat unos at pagsubok, ang Diyos ang ating sandigan.




Isang Lingap Reminder ngayong tag-ulan!Bida and Handa!Ang mga bagyong papalapit ay nagdudulot ng paghatak ng habagat sa ...
09/08/2026

Isang Lingap Reminder ngayong tag-ulan!

Bida and Handa!

Ang mga bagyong papalapit ay nagdudulot ng paghatak ng habagat sa ating bansa.

Patuloy nating subaybayan ang ating panahon, sundan ang mga opisyal na weather advisories para sa impormasyon, at laging ihanda ang ating mga emergency contact hotlines.

Ang pagiging handa ngayon ay malaking tulong upang mapanatiling ligtas ang bawat isa.



Ang bawat pamilya ay may boses at pananagutan sa pamayanan.Hindi lamang tagatanggap ng serbisyo ang pamilyaโ€”may karapata...
07/08/2026

Ang bawat pamilya ay may boses at pananagutan sa pamayanan.

Hindi lamang tagatanggap ng serbisyo ang pamilyaโ€”may karapatan at tungkulin itong makilahok sa mga desisyon at polisiya ng lokal na pamahalaan na nakaaapekto sa kanilang buhay.

Sa pamamagitan ng pakikilahok, naipapakita natin ang biblical stewardship, ang responsableng paggamit ng ating boses, kakayahan, at pagkakataon upang makapaglingkod at makatulong sa ikabubuti ng ating pamayanan.

๐˜”๐˜จ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข:
Local Governance Program Training & Workshop
with Bawat Isa Mahalaga
Topic 2- The Bible and The Constitution




Ang katatagan ng bansa ay nagsisimula sa pamilya.Ang pamilya ang pundasyon ng ating lipunan at mahalagang bahagi ng pagk...
06/08/2026

Ang katatagan ng bansa ay nagsisimula sa pamilya.

Ang pamilya ang pundasyon ng ating lipunan at mahalagang bahagi ng pagkakakilanlan ng sambayanang Pilipino. Kaya naman, kinikilala ng ating Konstitusyon ang pamilya bilang isang mahalagang institusyon na dapat pangalagaan at patatagin.

Tungkulin ng pamahalaan na itaguyod ang pagkakaisa at buong pag-unlad ng bawat pamilya, sapagkat kapag pinabayaan ang pamilya, unti-unting nanganganib ang katatagan ng buong bansa.

๐˜”๐˜จ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข:
Local Governance Program Training & Workshop
with Bawat Isa Mahalaga
Topic 2- The Bible and The Constitution




Ang tunay na halaga ng tao ay higit sa kanyang halaga sa ekonomiya.Hindi tayo nilikha upang maging bahagi lamang ng sist...
05/08/2026

Ang tunay na halaga ng tao ay higit sa kanyang halaga sa ekonomiya.

Hindi tayo nilikha upang maging bahagi lamang ng sistema o isang โ€œeconomic unit.โ€ Bilang tao, taglay natin ang dignidad at likas na halagang higit sa materyal na kayamanan.

Kaya naman, kinikilala ng ating Konstitusyon ang pananagutan ng Estado na pangalagaan at paunlarin ang pisikal, moral, espirituwal, intelektwal, at panlipunang kapakanan ng bawat mamamayan.

๐˜”๐˜จ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข:
Local Governance Program Training & Workshop
with Bawat Isa Mahalaga
Topic 2- The Bible and The Constitution




Tuloy-tuloy ang ating pagpapasalamat! Noong July 23, 2026, ginanap ang CSL Pasasalamat sa El Nido. Ating nakasama at nap...
28/07/2026

Tuloy-tuloy ang ating pagpapasalamat!

Noong July 23, 2026, ginanap ang CSL Pasasalamat sa El Nido. Ating nakasama at naparangalan ang ating mga Community Servant Leaders mula sa Northern Palawan. Isang pagkakataong upang pasalamatan at palakasin ang bawat community leader na patuloy na tumutugon sa panawagan ng paglilingkod sa kanilang mga komunidad.

Sa gitna ng iba't ibang hamon, muling pinaalalahanan tayo sa mensahe ng isa sa ating CSL at Volunteer Pastor, Ptra. Lorna Rosaceรฑa, na ang tunay na paglilingkod ay nangangailangan ng buong pusong pagpapatuloy at matatag na pananampalataya. Kapag ang ating puso ay nakatuon kay Cristo, nagkakaroon tayo ng lakas na magpatuloy at maging tapat sa misyong ipinagkatiwala Niya sa atin.

Isa rin sa mga naging mahalagang bahagi ng ating pagtitipon ang muling pagbabalik-tanaw sa Journey of Change ng bawat CSL. Isang paalala na ang ating paglalakbay ay hindi nagtatapos sa ating sariling paglago kundi ang patuloy na mag-anyaya ng iba pang magiging katuwang sa misyon. Sa sama-samang pagkilos, mas marami pa tayong maaabot, mas maraming buhay ang mabibigyan ng pag-asa, at mas marami ang makakakilala sa pag-ibig ni Cristo.

Lubos ang aming pasasalamat kay Area Shepherd Kuya Ronnie Rado Jr. at sa buong El Nido Team sa inyong bukas na puso, walang sawang suporta, at sa pagbibigay-halaga sa mahalagang papel ng ating mga CSL sa pamamagitan ng regular na fellowship at patuloy na pag-aaruga sa kanila.

Patuloy tayong pinaaalalahanan na ang mga gawaing tulad ng CSL Pasasalamat ay higit pa sa isang programa. Ito ay paraan ng CCT Paglingap upang personal na bisitahin, pakinggan, pasalamatan, at palakasin ang ating mga volunteer leaders sapagkat naniniwala tayo na ang mga pusong inaalagaan ay mga pusong patuloy ring maglilingkod.

Papuri sa ating Diyos!





Kapag may sunog, bawat segundo ay mahalaga.Huwag mag-panic!Kumilos nang mabilis at mahinahon. Lumabas agad sa ligtas na ...
27/07/2026

Kapag may sunog, bawat segundo ay mahalaga.

Huwag mag-panic!

Kumilos nang mabilis at mahinahon. Lumabas agad sa ligtas na daan, umiwas sa usok, at huwag nang bumalik sa loob ng nasusunog na lugar. Ang pinakamahalaga ay ang buhay.

Ang kahandaan at tamang kaalaman ay maaaring magligtas ng buhay mo at ng iyong pamilya.



Isang makabuluhan at tunay na mapagpalang CSL Pasasalamat ang muli nating pinagsaluhan kasama ang ating mga Community Se...
27/07/2026

Isang makabuluhan at tunay na mapagpalang CSL Pasasalamat ang muli nating pinagsaluhan kasama ang ating mga Community Servant Leaders mula sa South, East, at Central Palawan noong July 22, 2026.
Higit pa sa isang pagdiriwang, ito ay naging panahon ng pagpupugay sa katapatan ng bawat CSL na patuloy na tumutugon sa panawagan ng paglilingkod sa kabila ng iba't ibang pagsubok.

Isa sa mga naging pagapapala sa programa ang makahulugang mensahe ni Ms. Evelyn Pua, Palawan Regional Council, na nagpaalala na ang resiliency ay hindi lamang ang kakayahang bumangon, kundi ang pagpiling magpatuloy dahil alam nating tayo ay tinawag at pinili ng Diyos para maging kabahagi sa Kanyang gawain.

Nagbigay rin ng inspirasyon ang ating MPS (ED), Ate Christine Valdez sa kanyang pagbabahagi tungkol sa paglalakbay ng isang CSL mula sa pagiging seeker, patungo sa pagiging isang transformational leader. Isang paalala na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa pusong handang matuto, sumunod, at maglingkod, upang maging daluyan ng pag-asa at pagbabago sa ating mga komunidad.

Maraming salamat sa buong Area Team sa pangunguna ni Kuya Ferdinand De Jesus, Area Shepherd, sa walang sawang pagsuporta sa gawain ng mga CSL at Paglingap.

Patuloy tayong magkaisa, magpatuloy, at maglingkod nang may pag-ibig at katatagan. Sapagkat tayo ay hindi lamang tinawag kundi pinili upang maglingkod para sa Panginoon.

Sa Diyos lamang ang papuri!




Kapag may baha, huwag balewalain ang panganib ng kuryente.Ang simpleng pag-iingat tulad ng pagpatay ng kuryente, pag-iwa...
20/07/2026

Kapag may baha, huwag balewalain ang panganib ng kuryente.

Ang simpleng pag-iingat tulad ng pagpatay ng kuryente, pag-iwas sa basang saksakan, at hindi pagtawid sa baha na may kuryente ay maaaring makaiwas sa aksidente.

Unahin ang kaligtasan dahil ang buhay ay mas mahalaga kaysa anumang bagay.



Address

5th Floor Echelon Tower A. Mabini Street , Malate
Manila
2100

Opening Hours

Monday 8am - 4pm
Tuesday 8am - 4pm
Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Friday 8am - 4pm

Telephone

+639657033275

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CCT Paglingap posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share