DLSU SHS History Club

DLSU SHS History Club The DLSU History Club is the sole organization in DLSU-SHS that denounces historical distortionism.

Ngayong ika-31 ng Agosto, nakikiisa ang DLSU SHS History Club sa paggunita at pagbibigay-pugay ng Araw ng mga Bayani. Ip...
31/08/2026

Ngayong ika-31 ng Agosto, nakikiisa ang DLSU SHS History Club sa paggunita at pagbibigay-pugay ng Araw ng mga Bayani. Ipinagdiriwang hindi lamang ang mga bayani na mababasa natin sa mga aklat, kung hindi rin ang mga taong kasalukuyang lumalaban at naglilingkod para sa bayan.

Inaalala natin ang mga kilalang bayani sa kasaysayan, mga ordinaryong tao lumaban para sa kalayaan, at pati na rin ang mga magsasaka o mangingisda na nagsakripisyo para sa kinabukasan. Ating kapakinabangan ang daan na nililok ng mga bayani para sa atin upang tayo'y patuloy na mamuhay nang malaya sa kamay ng mga mapang-api. Nawa'y huwag natin kalimutan ang kanilang mga sakripisyo na nagtanim ng kamalayan sa puso't isipin ng mga Pilipino at humubog sa kasalukuyang Pilipinas.

Maligayang Araw ng mga Bayani!

✍️ KT Dato-on

Sa kalagitnaan ng batas militar sa Pilipinas noong ika-21 ng Agosto, 1983, bumalik si Benigno "Ninoy" Aquino Jr. sa Pili...
21/08/2026

Sa kalagitnaan ng batas militar sa Pilipinas noong ika-21 ng Agosto, 1983, bumalik si Benigno "Ninoy" Aquino Jr. sa Pilipinas pagkatapos ng tatlong taong nakadestiyero sa Estados Unidos. Hindi nagtagal ng isang minuto matapos lumabas ito ng eroplano nang biglang siyang barilin at bawian ng buhay.

Si Ninoy ay kumayod bilang isang senador at dyorno na kilala sa kanyang pagbabatikos sa administrasyon ng dating Pangulong Marcos Sr. Samakatuwid, sumiklab ang pagkamatay niya ng isang malaking misteryo tungkol sa totoong ulo at motibo ng kanyang pagkamatay, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nalulutas.

Gayunman, pumalya ang mga pumatay kay Ninoy na patayin ang mga ideya at paniniwala niya tungkol sa malayang Pilipinas na tuluyang dinala ng masa noong EDSA People Power Revolution– mga ideya na hanggang ngayon, ating ipinagdidiriwang.

Bagaman isang siglo na ang lumipas mula noong unang idineklara ang kalayaan ng mga Pilipino mula sa kamay ng mga Kastila...
12/06/2026

Bagaman isang siglo na ang lumipas mula noong unang idineklara ang kalayaan ng mga Pilipino mula sa kamay ng mga Kastila, nawa'y nakakintal sa kaisipan ng bawat Pinoy na ang Araw ng Kalayaan ay hindi lamang pagdiriwang ng kagitingan ng ating mga bayani, ngunit isang paalala na ipagpatuloy ang laban para sa kasarinlan— na hanggang ngayon ay hinahamon ng katiwalian ng mga puwersang banyaga at lokal.

Hindi na muli magpapaalipin ang Pilipinas.
Maligayang araw ng kasarinlan!

16/01/2026

HULING araw na bago magsara ang enlistment forms para sa ikalawang termino!

MAGPATALA NA!
🔗 https://forms.gle/tfCRbRT8kYAKLKbV7

🎥: Rhionaline Manuzon, Angeli Sherise Reyes, Rica Samantha Cordero, Sirr Sebastian Ko

14/01/2026

DALAWANG araw nalang ang natitira bago magsara ang enlistment forms para sa ikalawang termino!

MAGPATALA NA BAGO PA KAYO MA-KIDNAP
🔗 https://forms.gle/7M3ALNnpd7Y5wyxr9

🎥: Margarette Rebong, Arya Fermo, Yzzy Salido, Asher Bautista

Binubuksan ng DLSU SHS History Club ang mga pinto nito para sa mga nagnanais maging tagapag-tala ng kasaysayan na may in...
12/01/2026

Binubuksan ng DLSU SHS History Club ang mga pinto nito para sa mga nagnanais maging tagapag-tala ng kasaysayan na may interes sa paglaban sa maling impormasyon, pagbabalik-tanaw sa nakaraan, at paglikha ng kinabukasan na ginagabayan nito.

Kung mayroon kang hilig sa kasaysayan at pag-aaral tungkol sa ating nakaraan sa pamamagitan ng iba’t ibang masasayang aktibidad, sumali sa History Club!

Maging kasapi ng kilusang para sa bayan, oras nang balikan ang nakaraan!

MAGPATALA DITO: https://forms.gle/tfCRbRT8kYAKLKbV7





🖼️: Arya Fermo

Ngayong Disyembre 30, parangalan natin ang alaala ng ating pambansang bayani, si Dr. Jose Rizal. Alalahanin natin ang ka...
30/12/2025

Ngayong Disyembre 30, parangalan natin ang alaala ng ating pambansang bayani, si Dr. Jose Rizal. Alalahanin natin ang kaniyang talino at mga sakripisyo para ipaglaban ang tunay na kalayaan sa ating bansa.

Sa laganap na pagkalat ng maling impormasyon sa ating kasalukuyang lipunan, gamitin natin ang mga aral na iniwan ni Dr. Jose Rizal at ang kaniyang talino bilang inspirasyon at gabay para sa patuloy na paglaban para sa katotohanan at paglilingkod para sa ating bansa.





🖼️: Arya Fermo
✒️: Corinne Lim

Maligayang Pasko at Bagong Taon! 🎄Ang History Club ay taos-pusong bumabati sa inyo ng masayang pagdiriwang na puno ng pa...
25/12/2025

Maligayang Pasko at Bagong Taon! 🎄

Ang History Club ay taos-pusong bumabati sa inyo ng masayang pagdiriwang na puno ng pag-asa, pagkakaisa, at pasasalamat. Nawa’y magsilbing inspirasyon at gabay ang mga aral ng nakaraan upang harapin natin ang bagong taon nang may tapang, talino, at malasakit sa kapwa.

Lagi’t lagi para sa bayan, para sa kasaysayan.

🖼️: Arya Fermo

BALIKAN: Noong Disyembre 14, 1897, nagtagpo ang mga kinatawan ng Rebolusyon at ng pamahalaang Espanyol upang lagdaan ang...
18/12/2025

BALIKAN: Noong Disyembre 14, 1897, nagtagpo ang mga kinatawan ng Rebolusyon at ng pamahalaang Espanyol upang lagdaan ang Kasunduan sa Biak-na-Bato—isang pagtatangkang tapusin ang kaguluhan sa pamamagitan ng amnestiya at kabayaran. Sa likod ng mga pirma, naroon ang pag-asang maisasantabi ang dahas at mabibigyan ng panibagong direksyon ang kapalaran ng bansa.

Gayunman, hindi naging ganap ang kapayapaang hangad ng kasunduan. Sa pagtamlay ng mga pangakong binitawan ng kolonyal na pamahalaan, napatunayang hindi sapat ang kasunduan upang maibsan ang hinaing ng sambayanang naghahangad ng tunay na kalayaan.

Habang inaalala natin ang yugtong ito sa kasaysayan, pinapahalagahan natin ang tapang at paninindigan ng mga rebolusyonaryong naghandog ng lahat para sa kalayaan. Ipinapaalala ng Biak-na-Bato na ang bayan ay umuunlad sa pagkakaisa at patuloy na pakikibaka.



Sa pagwawakas ng unang termino ng akademikong taon, nagtipon noong Nobyembre 19, 2025 ang DLSU SHS History Club upang po...
11/12/2025

Sa pagwawakas ng unang termino ng akademikong taon, nagtipon noong Nobyembre 19, 2025 ang DLSU SHS History Club upang pormal na ipagdiwang ang kanilang mga gawain para sa termino.

Nagsilbi itong pagkakataon upang pagnilayan ang mga naging karanasan, tagumpay, at ambag ng bawat kasapi sa pagtatapos ng isang makabuluhang yugto.

Nawa’y ang bakasayon ng lahat ay magsilbing panahon ng paghahanda para sa mas masiglang pagbabalik—lagi’t lagi, para sa bayan, para sa kasaysayan.

📸: Rhionaline Manuzon, Ynah Reyes, Ate sa Labas
✒️: Louisse Pascual

Address

2401 Taft Avenue
Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DLSU SHS History Club posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DLSU SHS History Club:

Shortcuts

Share