Metro PH Infra Update

Metro PH Infra Update Infrastructure updates, transportation and public utility news, real estate finds around the Philippines

BAKIT MAS MADALAS ANG WATER INTERRUPTIONS NGAYONG TAG-INIT? 🤔Ramdam na ramdam na natin ang epekto ng El Niño. Mas mainit...
29/04/2026

BAKIT MAS MADALAS ANG WATER INTERRUPTIONS NGAYONG TAG-INIT? 🤔

Ramdam na ramdam na natin ang epekto ng El Niño. Mas mainit ang panahon, mas kaunti ang ulan, at mas bumababa ang supply ng tubig. Pero habang nangyayari ito, mas lumalabas din ang isang mas malaking problema; hindi na kayang sabayan ng sistema natin ang sitwasyon ngayon.

Matagal nang naka-disenyo ang water infrastructure natin para sa mas maliit na populasyon at mas mababang demand. Ngayon, mas maraming gumagamit, mas mataas ang konsumo, pero halos pareho pa rin ang kapasidad. Kaya kahit may tubig pa sa source, hindi ito laging umaabot nang maayos sa mga bahay.

Dito na pumapasok ang totoong problema, hindi lang kakulangan sa tubig, kundi kakulangan sa kakayahan ng system na mag-deliver nito nang maayos. Sa gitna ng init, sabay-sabay ang paggamit. Pero dahil luma ang pipes, kulang ang storage, at limitado ang distribution, mas nagiging ramdam ang water interruptions at mahinang pressure.

Ang El Niño ay parang stress test, at ngayon, nakikita natin kung saan nagkukulang ang sistema. Hindi sapat na may supply lang. Kailangan din ng modern, mas matibay, at mas handang infrastructure para kayanin ang ganitong klaseng kondisyon.

Kung walang pagbabago, bawat tag-init, paulit-ulit lang nating mararanasan ang parehong problema, mas kaunting tubig, mas maraming demand, at sistemang hirap sumabay.

08/04/2026

TUBIG NA SANA, NASASAYANG PA 💧

Malinis na tubig na katumbas ng halos kalahati ng Angat Dam ang nasasayang natin kada taon. Hindi napapakinabangan dahil sa leaks, inefficiencies, at maling paggamit...

Maging mas responsable tayo at simulan natin ang wastong paggamit ng tubig!

HINDI SAPAT ‼️ ANG IMBAKAN NATIN NG TUBIG 💧Hindi lang kakulangan sa supply ang problema,kulang din tayo sa maayos na imb...
25/03/2026

HINDI SAPAT ‼️ ANG IMBAKAN NATIN NG TUBIG 💧

Hindi lang kakulangan sa supply ang problema,kulang din tayo sa maayos na imbakan ng tubig. Kahit may sapat na water source, kung walang sapat na reservoirs at storage facilities, hindi kayang i-balanse ang demand, lalo na tuwing peak hours o tag-init kung kailan sabay-sabay ang paggamit. Ngayon, magsa-summer na naman...pero hindi pa rin tayo handa!

Sa mga sitwasyon na kulang ang storage capacity, diretso agad ang pressure sa distribution system. Ang resulta ay mahinang daloy ng tubig, hindi pantay na supply sa iba’t ibang lugar, at mas madalas na water interruptions.

Kapag hindi napapalawak ang storage infrastructure sa bansa, mananatiling hamon ang pagbibigay ng tuloy-tuloy at maaasahang serbisyo ng tubig sa bawat tahanan.

INFORMAL SETTLERS + BASURA = METRO MANILA FLOODINGHindi natin maikakaila na maraming estero sa Metro Manila ang napapali...
16/03/2026

INFORMAL SETTLERS + BASURA = METRO MANILA FLOODING

Hindi natin maikakaila na maraming estero sa Metro Manila ang napapalibutan ng informal settlers, at kadalasan, ang paligid ng kanilang mga bahay ay puno ng basura. Plastik, basura, at iba pang kalat ay dumederetso sa daluyan mismo ng tubig, na nagiging rason rin kung bakit malala ang pagbaha sa atin.

Kaya kapag dumating ang malakas na ulan, hindi makadaloy nang maayos ang tubig, kaya mabilis na bahain ang mga kalye at residential areas. Ang problema ay hindi lang sa ulan kundi sa kombinasyon ng baradong waterways at improper waste disposal mula sa mga informal settlers.

Ang tanging solusyon sa probelma na ito ay tamang disiplina sa pagtatapon ng basura at mas maayos na urban planning para sa mga estero at drainage. Dahil ang pagbabago, nagsisimula sa tamang pangangalaga sa ating kapiligiran.

WALANG SILBI ANG PUMPING STATIONS KAPAG BARADO!Habang papalapit ang tag-ulan, muling nabibigyang-pansin ang kahandaan ng...
12/03/2026

WALANG SILBI ANG PUMPING STATIONS KAPAG BARADO!

Habang papalapit ang tag-ulan, muling nabibigyang-pansin ang kahandaan ng mga lungsod sa posibleng pagbaha. Ayon kay dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, gumagana ang mga pumping station, ngunit nagkakaroon ng problema kapag hindi sapat ang drainage system para maihatid ang tubig-baha papunta sa mga ito. Ipinapakita nito na mahalagang tingnan ang kabuuang sistema, hindi lamang ang mga pumping facility.

Hindi lang lakas ng ulan ang nakaaapekto sa pagbaha. Kapag luma, barado, o kulang ang kapasidad ng mga drainage line at estero, mas nahihirapan ang tubig na makadaloy nang maayos. Sa mga lugar tulad ng Metro Manila, kung saan mataas ang urban density, mas nagiging kritikal ang regular na maintenance at pag-upgrade ng mga daluyan ng tubig upang makasabay sa dami ng runoff tuwing malalakas ang pag-ulan.

Dahil dito, mahalaga ang tuloy-tuloy na pamumuhunan sa imprastraktura na may direktang epekto sa flood management at public safety. Ang maayos na paggamit ng pondo at maagang pagpaplano ay susi upang mabawasan ang panganib ng pagbaha, lalo na sa harap ng mas matitinding pag-ulan na dulot ng climate change.

06/03/2026

BASURA NGAYON, BAHA BUKAS

Konting kalat ngayon, baha agad pag ulan. Kung ayaw nating maapektuhan, simulan na ang tamang pagtatapon ng basura.

‼️GANITO NAGSISIMULA ANG BAHA ‼️Mahigit 600 toneladang basura ang nahakot ng MMDA mula sa mga pumping stations at mga bi...
04/03/2026

‼️GANITO NAGSISIMULA ANG BAHA ‼️

Mahigit 600 toneladang basura ang nahakot ng MMDA mula sa mga pumping stations at mga binahang lugar sa Metro Manila noong nakaraang habagat at bagyo. Nasa 526.8 tons ng basura ang nakuha mula mismo sa mga pumping station, kabilang ang sirang ref, gulong, at mga puno.

Kapag ang plastik at basura ay nasisipsip papasok sa pump, umiikot ito sa makina, nagdudulot ng overheating, at sinisira nito ang mismong pump kaya bumabagal ang paglabas ng tubig.

At tandaan, ang ilan sa mgas drainage system natin ay mahigit 5 dekada na. Kapag luma na ang pumping stations at barado pa ng basura, hindi na nito kinakaya ang ang dagsa ng tubig tuwing malakas ang ulan.

Sa madaling salita, hindi lang ito simpleng baha. Ito ay epekto ng baradong pumping stations at lumang drainage system. Kung barado ang daluyan, saan pupunta ang tubig?

PAG WALANG MAAYOS NA PLANO SA TUBIG 💧 WALANG PAG-ASANG UMUNLAD!Madalas nagmumula ang mga delay sa kakulangan ng koordina...
27/02/2026

PAG WALANG MAAYOS NA PLANO SA TUBIG 💧 WALANG PAG-ASANG UMUNLAD!

Madalas nagmumula ang mga delay sa kakulangan ng koordinasyon sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan at mga pambansang ahensya. Dahil dito, nagkakaroon ng butas sa pondo, hindi tugmang plano, at sobrang daming papeles na kailangang daanan.

Ang resulta? Tayo ang nagdudusa habang patuloy ang pag-aantay sa maayos na proyekto para sa tubig.

Kailangan natin manawagan ng mas maayos na pagkakaisa at pag-uugnay ng mga plano upang mapabilis ang mga proyekto at maihatid ang malinis at maaasahang tubig sa bawat Pilipino.

Ano o sino ang problema? 🤔May halos isang bilyong pisong pumping station sa Tondo na hindi pa rin gumagana mula 2020, ka...
25/02/2026

Ano o sino ang problema? 🤔

May halos isang bilyong pisong pumping station sa Tondo na hindi pa rin gumagana mula 2020, kahit bayad na nang buo. 😳

Itinayo ito para sana makatulong sa pagbawas ng baha. Pero dahil hindi naging maayos ang pagpapatupad at pagpapatakbo, nanatiling problema ang pagbaha sa lugar.

Kaya bakit nga ba bumabaha sa Metro Manila?
Ulan lang ba talaga… o may mga proyektong palpak?

HINDI NA SAPAT ANG ATING 💧 WATER INFRA PARA SA LUMALAKING POPULASYON 🥲Wala pa sa kalahati ng mga Pilipino ang may access...
13/02/2026

HINDI NA SAPAT ANG ATING 💧 WATER INFRA PARA SA LUMALAKING POPULASYON 🥲

Wala pa sa kalahati ng mga Pilipino ang may access sa ligtas at maayos na pinamamahalaang tubig. Ibig sabihin, milyon-milyon pa rin ang umaasa sa hindi siguradong supply, shared connections, refilling stations, at hanggang sa mga pinagkukunan na nangangailangan pa ng dagdag na water treatment.

Malaki ang kakulangan at kalumaan ng water infrastructure, pati na rin ng mga polluted water sources. Hangga’t hindi napapalawak at napapahusay ang mga sistema ng tubig, mananatiling hindi pantay ang access sa malinis at ligtas na water supply para sa lahat.

ANG MALUNGKOT NA REALIDAD NG ATING MGA ILOGHalos kalahati ng mga pangunahing ilog sa Pilipinas ay kontaminado. Ang dumi,...
20/01/2026

ANG MALUNGKOT NA REALIDAD NG ATING MGA ILOG

Halos kalahati ng mga pangunahing ilog sa Pilipinas ay kontaminado. Ang dumi, basura, at kemikal mula sa mga bahay, sakahan, at industriya ay nagdudulot ng matinding polusyon sa ating water sources.

Dahil dito, nahihirapan ang mga water providers na maghatid ng malinis at tuloy-tuloy na tubig sa bawat komunidad. Ang problemang ito ay hindi lang teknikal, ito rin ay issue ng kalinisan, tamang pamamahala, at pangangalaga sa ating kapaligiran.

Para malutas ang problemang ito, kailangan natin ng mas maayos na proteksyon para sa ating mga ilog at water sources upang labanan ang water crisis sa Pilipinas.

Pansinin ang pinakamalapit na ilog o iba pang mga daluyan ng tubig malapit sa inyo. Madumi ba?

Sino ang may kakulangan sa pagpapanatiling malinis ito? Ang komunidad o ang LGU?

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Metro PH Infra Update posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share