24/05/2026
GIBAC Project ELEVATE: Orientation for DOLE Livelihood Program Applicants
Nagkaroon ng orientation para sa mga aplikante ng DOLE Group and Individual Livelihood Program na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa 11 organisasyon ng mga mangingisda sa bayan ng Caramoran.
Pinangunahan ang aktibidad nina Julie B. Tapel, Labor and Employment Officer II; Krizza Mae S. Ballena, Livelihood Development Specialist; at Joy Tamayo, Executive Director ng GIBAC Foundation.
Tinalakay sa orientation ang mga layunin, proseso, at mga kinakailangan ng programa upang matulungan ang mga organisasyon na makapaglatag ng mga proyektong pangkabuhayan na magbibigay ng mas maraming oportunidad at benepisyo sa kanilang mga kasapi.
Ang aktibidad na ito ay naisakatuparan sa suporta ni Governor Patrick Azanza, bilang bahagi ng sama-samang pagsisikap na maisulong ang mga programang nakatuon sa pagpapalakas ng kabuhayan at pagpapaunlad ng mga komunidad.
Sa pamamagitan ng GIBAC Project ELEVATE (Empowering Lives through Experience, Vocational Skills, Action, Transformation, and Economic Sustainability), patuloy nating isinusulong ang pagbibigay ng kaalaman, kasanayan, at oportunidad tungo sa mas matatag at napapanatiling kabuhayan para sa ating mga mamamayan.
Lubos na nagpapasalamat ang GIBAC Foundation sa aktibong pakikilahok at pakikiisa ng lahat ng fisherfolk organizations na naging bahagi ng orientation.๐