Heroisms and Acts of Kindness

Heroisms and Acts of Kindness This page features heroism and acts of kindness.

04/06/2026
31/05/2026

BREAKING BARRIERS SINCE DAY 1 ✈️

Jessica Cox, the world's first licensed armless pilot, has been inducted into the Arizona Aviation Hall of Fame.

We're so proud of you, Jessica! 👏 | via ANC 24/7

Link to full story in the comment section.

09/05/2026

‘GENUINE KINDNESS IS NEVER FORGOTTEN’ 🥹💗

This lawyer shared a heartwarming moment as she received a token of gratitude from her farmer client, whom she helped pro bono five years ago.

Atty. Princess Kimberly Ubay-ubay from Alubijid, Misamis Oriental expressed appreciation for her former client for always sending her a sack of red rice.

“I got this from my client who engaged my services five years ago. She’s a farmer from my hometown. Since I took on her case pro bono, she promised to return the favor every harvest niya. I didn’t ask, but she insisted. She happily does until now,” she told The Philippine STAR.

Every harvest season, her client would send a sack of red rice as her way of thanking Atty. Ubay-ubay.

“Na-mention niya kasi na mas healthy ‘yung red rice at ito ‘yung tinatamin niya and gusto niya ‘yung product niya kainin ko. I felt happy when I got my first sack of rice kasi hindi ko rin talaga inexpect. It’s fulfilling to receive something, regardless of value, from happy and grateful clients,” she added.

Atty. Ubay-ubay also reminded fellow lawyers who take pro bono cases that “the good you give to others has a quiet way of finding its way back to you.” (Photo courtesy of Atty. Princess Kimberly Ubay-ubay)

If you have a story, picture, or video you wish to share, you may join our community page. bit.ly/3efsm3

07/05/2026
25/04/2026

“SA LOOB NG SELDA, TINAPOS NIYA ANG PANGARAP”
Maling napagbintangan, dalawang taon nakulong — pero lumabas na engineer na may apat na PRC licenses

Isa sa mga pinaka-nakakaantig na kwento sa Toni Talks ang ibinahagi ni Daniel — isang lalaking minsang nakulong dahil sa mabigat na paratang na, ayon sa kanya, hindi niya ginawa.

Dalawang taon siyang nawalay sa normal na buhay. Pero sa halip na tuluyang sumuko, ginawa niyang silid-aralan ang loob ng kulungan.

Habang nakakulong, ipinagpatuloy ni Daniel ang kanyang kursong Engineering sa tulong ng mga opisyal sa piitan, ng kanyang unibersidad, mga kaklase, at pamilya. Kilala raw siya bilang “math wizard” sa kanilang department, kaya marami ang naniwalang hindi dapat maputol ang kanyang pangarap.

Wala siyang laptop. Wala siyang internet. Wala siyang normal na classroom.

Mga module lang na ipinapadala ng kanyang mga kaklase ang gamit niya sa pag-aaral. Tuwing oras ng dalaw, doon siya kumukuha ng exam — habang may bantay na guwardiya.

At ang mas nakakamangha: handwritten ang buong thesis niya.

Kapag kailangan niyang mag-research, sumusulat lang siya sa mga taong nasa labas para sila ang maghanap ng impormasyon para sa kanya. Maging ang ilang kapwa niya inmates, tumulong din sa abot ng kanilang makakaya.

Noong araw ng graduation, dahil kasagsagan ng pandemic, Facebook Live lang nila napakinggan ang seremonya. Ipinatugtog ito sa speaker sa loob ng kulungan, at halos lahat ng inmates ay nakaabang sa pagtawag ng pangalan niya.

Sabi ni Daniel, noong tinawag ang pangalan niya, parang “magigiba ang selda” sa lakas ng sigawan.

Hindi lang siya basta binati ng mga kapwa niya nakakulong — ipinagmalaki siya ng mga ito.

May mga nagsabi pa raw sa kanya:

“Dan, kung pwede lang naming paghatian ang sentensya mo para makalaya ka, gagawin namin.”

Dahil alam nilang sayang ang kinabukasan ng isang taong patuloy pa ring lumalaban kahit nakakadena ang sitwasyon.

At sa huli, hindi nasayang ang lahat ng luha, pagod, at panalangin.

Nagtapos si Daniel ng Bachelor of Science in Electrical Engineering at ngayon ay isa nang Electrical Engineer. Mayroon na rin siyang apat na PRC licenses:

Registered Electrical Engineer
Registered Master Electrician
Registered Master Plumber
Certified Plant Mechanic

At kamakailan lang, nakapagtapos din siya ng Master’s in Management, Major in Environmental Planning — mismong umaga ng araw na na-interview siya sa Toni Talks.

Ang kwento ni Daniel ay paalala na kahit minsan ay parang kinulong ka ng mundo sa maling sitwasyon, hindi ibig sabihin na tapos na ang laban.

Minsan, sa pinakamadilim na lugar hinuhubog ang pinakamatibay na tao.

At minsan, ang kulungan na akala mo’y katapusan…
ay nagiging lugar kung saan muling ipinanganak ang pangarap.

📸 Toni Talks YouTube Channel

23/04/2026

Alam n’yo ba si Tatay Boy Domingo, 55 anyos, na mahigit isang taon nang hinahanap ang nawawala niyang anak—kahit halos wala na siyang pera at lakas?

Taga-Samar siya, at sa Maynila nawala ang kanyang 11-anyos na anak na si Quinnielle Domingo. Araw-araw, dala niya ang sakit at pag-asa na sana ay makita pa niya ang anak.

Madalas siyang makita sa labas ng 7/11 at Dali sa Tanglaw—tahimik lang, naghihintay, umaasang may makakatulong o may makakapagbigay ng impormasyon.

Naubos na ang pera niya sa paghahanap. Minsan, napipilitan na lang siyang humingi ng pagkain. Pero hindi niya iniinda ang gutom at pagod.

Para sa kanya, iisa lang ang mahalaga—ang makita at mayakap muli ang kanyang anak.

Isang pakiusap niya sa lahat: kung sakaling may makakita o makaalam ng kahit anong impormasyon, sana ay makatulong. Kahit simpleng pag-share ng kwento ay malaking bagay na.

Sa bawat araw na lumilipas, may isang ama na patuloy na umaasa—na balang araw, magkikita rin silang muli. 🙏💛

23/04/2026

AGARANG AKSYON NG OFF-DUTY PULIS, TUMULONG SA PAG-APULA NG SUNOG SA SASAKYAN SA GAS STATION

Ipinakita ng isang pulis mula sa Angadanan Police Station ang tunay na diwa ng malasakit at serbisyo publiko matapos nitong maagapan ang posibleng mas malalang insidente habang siya ay off-duty.

Batay sa ulat, bandang 7:30 ng umaga noong Abril 20, 2026, pauwi na si Police Master Sergeant Kennedy Tungpalan kasama ang kanyang asawa nang mapansin niya ang usok at kaguluhan sa isang gasolinahan sa Brgy. Alibagu, Ilagan City.

Agad siyang bumaba ng sasakyan upang alamin ang sitwasyon at tumambad sa kanya ang isang kotse na nasusunog habang nakaparada sa loob ng gasolinahan. Sa kabila ng pagiging off-duty, hindi siya nagdalawang-isip at mabilis na ginamit ang fire extinguisher ng establisyemento upang apulahin ang apoy.

Dahil sa kanyang maagap na pagkilos, napigilan ang pagkalat ng apoy at naiwasan ang mas malaking pinsala o trahedya.

Ayon sa driver ng sasakyan, hindi niya namalayan na may nagsisimula nang sunog habang siya ay papasok sa gasolinahan. Nagpahayag naman ng pasasalamat ang pamunuan ng lugar sa mabilis na pagtugon ng pulis na naging susi sa pag-iwas sa mas malalang insidente.

Ayon kay PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., “Ganitong uri ng serbisyo ang nais nating makita at maramdaman ng ating kababayan—laging handa kahit off-duty, may malasakit, at laging handang tumulong. Sa bawat ganitong insidente, nakikita ng publiko na ang ating mga pulis ay tunay na lingkod-bayan.”

Dagdag pa ni PGen Nartatez ang ganitong uri ng aksyon ay patunay ng patuloy na dedikasyon ng organisasyon sa pagpapatupad ng disiplina at malasakit sa komunidad.

Ang insidenteng ito ay patunay ng patuloy na pag-iral ng diwa ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman sa bawat miyembro ng kapulisan, saan man sila naroroon.

(PNP-PIO)

20/04/2026

SALUTE! ALENG PULIS, INALAGAAN ANG SANGGOL NG EXAMINEE SA GITNA NG NAPOLCOM EXAM SA BAGUIO

Sa gitna ng isang mahalagang araw para sa mga nangangarap maging lingkod-bayan, isang simpleng kilos ng malasakit ang tumatak at nagbigay saysay sa tunay na diwa ng serbisyo publiko.

Sa kasagsagan ng NAPOLCOM Entrance Examination noong April 19, 2026 sa Baguio City, ipinamalas ni PCpl Marjorie P. Wacnag ng Baguio City Police Office – City Mobile Force Company ang isang kahanga-hangang halimbawa ng malasakit.

Habang abala ang isang ina mula sa Cervantes, Ilocos Sur sa pagkuha ng pagsusulit, naiwan ang kanyang sanggol sa pangangalaga ng lolo. Nang magsimulang umiyak ang bata dahil sa gutom, hindi nag-atubili si PCpl Wacnag—na isa ring ina—na alagaan at pakainin ang sanggol. Sa sandaling iyon, siya ay hindi lamang pulis kundi isang inang handang umalalay sa kapwa.

Ang kanyang ginawa ay higit pa sa tungkulin—ito ay isang konkretong patunay na ang serbisyo publiko ay may kasamang malasakit at pag-unawa. Sa ganitong mga pagkakataon, mas napapalapit ang ugnayan ng kapulisan at ng komunidad, at mas lalong tumitibay ang tiwala ng mamamayan sa kanilang mga tagapangalaga.

Bahagi ito ng mas malawak na layunin ng PNP sa pamamagitan ng PNP Focused Agenda—isang gabay sa patuloy na pagbabago ng organisasyon upang maging mas makatao, responsive, at nakatuon sa pangangailangan ng mamamayan. Nakasentro rito ang mga key priority na humuhubog sa direksyon ng PNP, kabilang ang Enhanced Managing Police Operations na makikita sa agarang pagtugon at malasakit na ipinamalas sa pangyayaring ito.

Binigyang-diin ni PNP Chief, PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang kahalagahan ng ganitong uri ng serbisyo: “Policing is not only about enforcing the law, but also about responding to human needs when it matters most. Ang simpleng pagtulong sa kapwa ay may malaking epekto sa tiwala ng publiko.”

Dagdag pa niya, “Moments like this show the real character of our police force. Ipinapakita nito na ang ating mga pulis ay marunong makiramdam at handang tumulong sa oras ng pangangailangan.”

Sa bawat ganitong kwento ng malasakit, mas lalong nabibigyang-buhay ang tunay na diwa ng pagiging lingkod-bayan—isang serbisyong may puso at malasakit sa kapwa.

Habang patuloy na pinapalakas ng PNP ang ugnayan nito sa komunidad sa pamamagitan ng mga gawaing may malasakit at agarang pagtugon, patuloy nitong pinagtitibay ang tiwala ng mamamayan at isinusulong ang adhikain ng isang makataong kapulisan, alinsunod sa bisyon ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”

(PNP-PIO)

19/02/2026
29/09/2025

Kagabi, bandang 7 PM, biglang bumuhos ang napakalakas na ulan sa San Miguel. Nakakatakot ang kidlat at kulog, at ang daming na-stranded. Pero may isang Kuya na may payong na kusang nag-alok na ihatid ang mga tao papunta sa sakayan (kasama kami doon).

Kami ang una niyang tinulungan at plano naming bayaran siya kahit papaano bilang pasasalamat. Habang hinahatid niya kami sa tapat ng mall, sabi pa niya:

“Ayan, ‘wag na kayong mag-alala. Mas okay na ako ang mabasa kaysa sa inyo.”

Pagkatapos kaming ihatid, ni hindi siya humingi ng kapalit. Umalis agad para tulungan pa ang iba pang walang dalang payong at hinahatid niya kung saan-saan. Pinanood ko lang siya kasi sobrang na-amaze ako.

Mga 30 minuto pa, medyo tumila na rin ang ulan. Nilapitan ko siya at inabutan ko ng pangmeryenda. Nagpasalamat siya, at napangiti ako kasi kitang-kita kong masaya siya na nakatulong sa maraming tao.

Minsan, sa kabila ng mga pangit na nangyayari sa mundo, sapat na ang isang taong may mabuting puso para magbalik ang faith natin sa humanity. Kudos kay Kuya! 👍👍👍

-NoelGuevarra
-ThrowbackStories
fans

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Heroisms and Acts of Kindness posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share