Lingap Santatlo Food Bank Org

Directions Website Contact the organization

Lingap Santatlo Food Bank Org Our Objective is to provide nutritious food for the needy, have a steady supply of ingredients for fo

16/09/2026

Kaunting pagkain, malaking malasakit. 🀍

Kagabi, September 15, 2026, muling namahagi ang ating Foodbank ng simpleng pagkain para sa ating mga kapatid na nasa lansangan.

Maaaring ito ay isang band-aid solution lamang sa mas malalim na problema ng kahirapan at kagutuman, ngunit sa isang taong walang makain, ang isang simpleng pagkain ay malaking bagay, isang tulong upang maitawid ang gutom, kahit sa isang gabi lamang.

Hindi man natin kayang tugunan ang lahat ng kanilang pangangailangan, maaari tayong magsimula sa kung ano ang kaya natin. Dahil minsan, ang maliit na kabutihan para sa atin ay malaking biyaya na para sa iba.

Maraming salamat sa lahat ng patuloy na nagbibigay, tumutulong, naghahanda, at naglalaan ng oras para sa ating mga kapatid. Salamat sa pagiging bahagi ng munting misyon ng Lingap Santatlo Foodbank. πŸ™
Salamat sa patuloy na tumutulong ang Scholars Of Sustenance Philippines - SOS Philippines

At kung nais ninyo ring maging bahagi ng gawaing ito, tumatanggap po ang ating Foodbank ng anumang tulong at donasyon. Maaari lamang po kayong magpunta o mag message sa Lingap Santatlo Food Bank Org Foodbank para makapagbahagi.

Sama-sama nating gawing pagkain ang tulong, at malasakit ang pag-asa.
Kaunti man, basta mula sa pusong nagmamalasakit, may malaking kabuluhan. 🀍

MHTP Community Pets  COMMUNITY PAWNTRY & SPAY-NEUTER FUND 🐾Sa Most Holy Trinity Parish, may mga pusang at asong matagal ...
04/08/2026

MHTP Community Pets COMMUNITY PAWNTRY & SPAY-NEUTER FUND 🐾

Sa Most Holy Trinity Parish, may mga pusang at asong matagal nang nakikibahagi sa araw-araw na buhay ng komunidad. Sina Orange, Blackie, Grey, Bangs, Spot, Ponkan, at iba pa ay kabilang sa humigit-kumulang 17–18 community cats at 2 dogs na regular na pinapakain at inaalagaan.

Ngayon, nais ng Lingap Santatlo Foodbank na palawakin ang pagkalingang ito sa pamamagitan ng Community PAWNTRY at isang Spay-Neuter Fund para sa mga community cats.

Hindi nagtatapos sa isang mangkok ng pagkain ang responsableng pagkalinga. Ang spaying at neutering ay makatutulong upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan at maiwasan ang patuloy na pagdami ng mga hayop na maaari ring humarap sa gutom, sakit, at abandonment.

🐱 Estimated spay-neuter cost: Female cat: β‚±1,500 | Male cat: β‚±1,000. Para sa kasalukuyang 17–18 cats, ang initial fund requirement ay hanggang β‚±27,000, depende sa aktuwal na male/female count at veterinary clearance.

Tumatanggap din tayo ng in-kind donations gaya ng cat and dog kibbles, pellets/dry food, wet food, clean bowls, pet-safe cleaning supplies, towels/bedding, at iba pang angkop na animal-care essentials.

DONATION CHANNELS
GCash: 0917-136-5703
BPI: RCAM-Most Holy Trinity
Account No.: 5573-5019-15

Please indicate β€œCOMMUNITY PETS / PAWNTRY” when possible.

Para sa donations at coordination, maaaring makipag-ugnayan kay:

Susan M. Balindo
Founder, Lingap Santatlo Foodbank
πŸ“± 0908-653-2553

πŸ“ Most Holy Trinity Parish, Calabash Rd., Balic-Balic, Sampaloc, Manila

Every bowl of food is an act of kindness. Spaying and neutering turns that kindness into long-term responsibility.

Pagkain β€’ Tubig β€’ Kalinga β€’ Pananagutan

11/10/2025
01/10/2025

It is not how much we give but how much love we put into giving.”
– St. Teresa of Calcutta (Mother Teresa)

Nagpapasalamat po ang pamayanan ng Most Holy Trinity Parish sa Conrad Manila at sa Scholars Of Sustenance Philippines - SOS Philippines sa masarap na pananghalian para sa mga kapatid natin sa komunidad.

Nawa’y dumami pa ang mga katulad ninyo na may malasakit sa mga kapatid nating higit na nangangailangan.

***

Para po sa inyong donasyon, maaari po kayong magpadala ng mensahe sa page na ito. Maraming Salamat po.


18/09/2025

β€œπ€π§π  𝐦𝐚𝐀𝐚-𝐃𝐒𝐲𝐨𝐬 𝐚𝐲 π¦πšπ€πšπ›πšπ²πšπ§ 𝐝𝐒𝐧.”

Mga Ka-Misyon!

Bilang simbolo ng pakikiisa laban sa korapsyon, inaanyayahan ang lahat ng parokyano na magsuot ng puti sa Misa ngayong Linggo.

Sa ating pagsasama-sama bilang isang sambayanan ng Diyos, nawa’y maging malinaw ang ating pahayag na hindi katanggap-tanggap ang kasalanan ng katiwalian.

Kaya sa liwanag ng ating pananampalataya, piliin nating maging malinis, tapat, at handang maglingkodβ€”para sa Diyos at para sa bayan.





Para sa ibang impormasyon, maaari niyo pong kontakin ang mga sumusunod:
Fb Page: https://www.facebook.com/MHTPBalicBalic
Phone Number: 0917-311-1932

24/05/2025

May 24, 2025, the Lingap Santatlo Food Bank Organization had the distinct honor of welcoming the participants of the Intercultural Course on Women and Society (ICWS) Training, conducted by the Institute of Women's Studies. As part of their immersion, they generously prepared dinner meals for distribution to our homeless brothers and sisters across the streets of Manila. Their presence and active involvement exemplify the spirit of solidarity, compassion, and service to humanity.

We extend our deepest gratitude to the ICWS delegates for their invaluable support and for upholding the shared vision of uplifting the lives of the marginalized through acts of kindness and collective action. We are also sincerely grateful to the Institute of Women Studies for the Certificate of Commendation awarded to our organization, a recognition that deeply affirms our mission. Our heartfelt thanks as well to Sr. Mary John Mananzan, OSB, Executive Director of the Institute, for her continued inspiration and leadership in advancing transformative social engagement.

Ang MHTP Food Bank / Lingap SANTATLO Foodbank ay kaisa ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa pagh...
12/05/2025

Ang MHTP Food Bank / Lingap SANTATLO Foodbank ay kaisa ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa paghahanda ng pagkain para sa mga miyembro nitong nakatalaga sa iba't ibang presinto na sakop ng Most Holy Trinity Parish. Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng boluntaryong patuloy na nagsusulong ng isang malinis, tapat, at makataong halalan.

03/03/2025
25/02/2025

"𝗦𝗔 π—£π—œπ—šπ—œπ—‘π—š 𝗦𝗔π—₯π—œπ—ͺπ—”π—œπ—‘, π—£π—”π—šπ—Ÿπ—œπ—Ÿπ—œπ—šπ—§π—”π—¦ 𝗑'𝗬𝗔 𝗦𝗔 π—”π—§π—œπ—‘."
- Pag-Aalaala // Rev. Fr. Manoling Francisco SJ

Sa bawat paggunita, sariwain din natin ang tapang at pananampalatayang nagbuklod sa ating mga puso sa EDSA. Idinuyan ng pananampalataya ang lakas ng EDSA, ang bawat rosaryong inusal, bawat awiting bayan, at bawat dasal na umakyat sa langit ay nagbigay-daan sa mapayapang rebolusyon. Ang Simbahan, sa pangunguna ng mga lider-espiritwal, ay walang takot na tinawag ang bayan upang sama-samang manindigan para sa demokrasya at kalayaan, nagbukas ng mga simbahan bilang kanlungan at nagpahayag ng katotohanan sa gitna ng kaguluhan.

Kaya bayan, ating alalahanin at huwag nating kalimutan ang aral ng EDSAβ€”ang pagkakaisa ng puso't diwa laban sa pang-aabuso, katiwalian, at panunupil. Ang kapangyarihan ng Diyos at ng taumbayan, na nagpahayag ng kanilang tinig nang walang karahasan, ay walang kapantay. Ipagpatuloy natin ang pagbabantay sa ating kalayaan, labanan ang anumang banta sa ating demokrasya, at ipamana sa susunod na henerasyon ang diwa ng EDSAβ€”ang pag-asa, pananampalataya, at pagmamahal sa bayan. Maging ilaw tayo sa dilim, at bantayan ang apoy ng kalayaan.



23/02/2025

Lingap Santatlo Foodbank is continuously seeking donationsβ€”vegetables, rice, and financial assistanceβ€”to sustain our nightly meal distribution for our brothers and sisters living on the streets.

For those who wish to donate, you may send us a message through our Lingap Santatlo Food Bank Org page. If you would like to donate items such as rice and vegetables, you may also visit us at Most Holy Trinity Parish, Calabash Road, Balic-Balic, Sampaloc, Manila.

We understand that this is only a band-aid/ temporary solution, but it is important to us that, at the very least, they have something to eat before they sleepβ€”so they don’t go to bed hungry and can find even a little comfort through the night.

"A SIMPLE MEAL MAY NOT CHANGE THE WORLD,BUT TO SOMEONE HUNGRY,IT MEANS EVERYTHING"

Address

Calabash Road , Balic-Balic
Manila
1008

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lingap Santatlo Food Bank Org posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Lingap Santatlo Food Bank Org:

Shortcuts

Share