19/08/2026
Barangay764 Zone 83
Please READ & SHARE
TBA for the Barangay Collection Point
Magkakaroon po ulit tayo ng Household Hazardous Waste Collection para sa District Five sa August 28, 2026.
Kaugnay po nito, makikisuyo po sa ating mga Monitoring na makipag-ugnayan sa mga identified barangay sa inyong mga zone upang maipaliwanag ang nasabing activity at makapagtukoy ng barangay na maaaring magsilbing collection point.
Partikular po sa e-waste, maaaring ipaalam sa mga barangay na kabilang dito ang mga sirang o hindi na ginagamit na computer, monitor, television, printer, cellphone, chargers, appliances, at iba pang electronic devices. Mahalaga po na hindi basta-basta itapon ang mga ito kasama ng regular na basura dahil maaari itong maglaman ng mga materyales na nakapipinsala sa kalusugan at kapaligiran kapag hindi maayos ang disposal.
Kasama rin po sa kokolektahin ang iba pang household hazardous waste tulad ng expired medicines at chemicals, batteries, fluorescent bulbs, aerosol spray cans, expired paint, contaminated containers, used cooking oil, used oil, grease trap waste, at iba pang mapanganib na basura.
Pakiusap po na maipaliwanag sa barangay officials ang schedule ng collection sa August 28, ang kahalagahan ng activity, at ang magiging role ng barangay bilang collection point. Maaari rin po silang makatulong sa pagpapabatid sa kanilang mga residente upang maihanda at madala ang kanilang mga hazardous waste at e-waste sa itinakdang collection point.
Deadline po ng submission ng identified barangay na magiging collection point ay August 18, 2026 (Tuesday).
Maraming salamat po sa inyong cooperation at assistance sa pag-coordinate sa mga barangay. Layunin po natin na maiwasan ang maling pagtatapon ng hazardous waste at e-waste at mapanatili ang kalinisan at kaligtasan ng ating mga komunidad.
“Mapanganib na basura, huwag itapon basta-basta, para iwas sakit, polusyon, at sakuna.”