SocsEight

SocsEight Storyteller of the Past. Bringer of Light in the Present. Agents of Change in the Future.

Maraming salamat sa pagiging tahanan namin sa loob ng tatlong taon, PNU Social Science Club ๐ŸŽ“โœจ๏ธโค๏ธโ€๐Ÿ”ฅ
10/09/2025

Maraming salamat sa pagiging tahanan namin sa loob ng tatlong taon, PNU Social Science Club ๐ŸŽ“โœจ๏ธโค๏ธโ€๐Ÿ”ฅ

๐๐€๐†๐Š๐€๐Š๐€๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐๐€๐‡๐€๐˜๐€๐† ๐’๐€ ๐๐€๐†๐“๐€๐“๐€๐๐Ž๐’ ๐๐† ๐๐€๐“๐‚๐‡ ๐ƒ๐ˆ๐‹๐€๐€๐ ๐€๐“ ๐€๐๐† ๐Š๐€๐‡๐€๐๐ƒ๐€๐€๐ ๐€๐“ ๐๐‘๐„๐๐€๐‘๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐† ๐๐๐” ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ• ๐’๐„๐‘๐„๐Œ๐Ž๐๐˜๐€ ๐๐† ๐...
07/09/2025

๐๐€๐†๐Š๐€๐Š๐€๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐๐€๐‡๐€๐˜๐€๐† ๐’๐€ ๐๐€๐†๐“๐€๐“๐€๐๐Ž๐’ ๐๐† ๐๐€๐“๐‚๐‡ ๐ƒ๐ˆ๐‹๐€๐€๐ ๐€๐“ ๐€๐๐† ๐Š๐€๐‡๐€๐๐ƒ๐€๐€๐ ๐€๐“ ๐๐‘๐„๐๐€๐‘๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐† ๐๐๐” ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ• ๐’๐„๐‘๐„๐Œ๐Ž๐๐˜๐€ ๐๐† ๐๐€๐†๐“๐€๐“๐€๐๐Ž๐’ ๐€๐“ ๐Œ๐†๐€ ๐Š๐€๐”๐†๐๐€๐˜ ๐๐€ ๐†๐€๐–๐€๐ˆ๐

Dalawang araw mula ngayon ay ganap na ipagdiriwang ang ika-117 Seremonya ng Pagtatapos. Nakatakda itong isagawa sa Manila Hotel - Tent City, at dalawang araw na idaraos bunsod sa sistema ng clustering na ipinatutupad. Ngunit bago ang inaabangang kapanapanabik na pangyayari sa buhay kolehiyo ng mga magsisipagtapos na anak ni Inang Pamantasan, maraming suliranin ang kinaharap ng graduating batch upang isulong ang ingklusibo at makaestudyanteng polisiya at pamamalakad ng mga gawaing may kaugnay sa seremonya ng pagtatapos. Magpahanggang ngayon ay patuloy itong dinaranas ng graduating batchโ€”ang litaw na litaw na kakulangan sa paghahanda para sa pagdaraos ng Gawad Parangal, Baccalaureate Program, pag-martsa ng graduating batch sa mismong araw ng pagtatapos, at iba pang suliraning kinaharap tulad pagkaantala na paglalabas ng listahan ng magsisipagtapos, pagrenta ng toga, kawalan ng kongkretong mga gabay para sa pagdaraos ng mga programa, at pananagutan ng mga namamahala sa kanilang atrasadong paghahanda at pagkilos, sabay ng pagsasantabi sa kalagayan ng mga magsisipagtapos.

Isa-isahin natin ang mga suliraning ito:

1. Antala sa paglalabas ng listahan ng mga magsisipagtapos at gawad pang-akademiko

Kamakailan lang ay hinapag sa naganap na oryentasyon noong ika-16 ng Agosto na ibababa ang listahan ng mga magsisipagtapos sa pagitan ng mga petsa ng Agosto 20 hanggang 23. Natapos magpulong ang Academic Council noong ika-20 ng Agosto kung kayaโ€™t inaasahan ng mga mag-aaral na maihapag ang listahan. Subalit nagdaan ang mga araw hanggang ika-22 ng Agosto ay wala pa ring update galing sa tanggap kung kayaโ€™t noong ika-23 ng Agosto, nagtungo ang komite kay Dr. Belmi upang magtanong ukol sa listahan. Sa diyalogong ito, sinabi ni Dr. Belmi na ang pagbababa ng listahan ng mga magsisipagtapos ay wala na sa kanilang gampanin kundi sa mga Katuwang na Dekano at Direktor na.

Ngunit, sa pagpapadala ng email ng komite sa mga Katuwang na Dekano at Direktor noong araw na ding iyon, tumugon ang ilan na hindi pa sila nabibigyan ng kahit anong impormasyon o permiso ng pagbababa ng anumang listahan. Naghintay ang mga kandidato sa pagsisipagtapos subalit pagpatak ng ika-24 ng Agosto ay wala pa ring ibinababang listahan ang registrar. Naipadala lamang ang listahan apat na araw pagkatapos ang sinabing petsa, ika-27 ng Agosto, taong 2025.

Dagdag pa rito, nagkaroon ng iregularidad sa listahan ng mga tatanggap ng gawad pang-akademiko. May mangilan-ngilang estudyante ang nakapasok sa listahan kahit na hindi nila naabot ang pamantayan para sa latin honors. Isang malaking katanungan ito sa paraan ng pagsasala ng pamantasan sa mga bibigyang parangal. Hindi kasalanan ng mga naisamang mga mag-aaral sa listahan ng mga may gawad pang-akademiko ang iregularidad na ito. Bagkus, kinakailangang idiin ang pananagutan sa likod ng โ€˜di katanggap-tanggap na kaguluhan sa listahan ng mga may akademikong parangal.

2. Hindi pagsama ng mga mag-aaral sa prosesyonal dahil sa maliit na espasyo ng venue

Sa inilabas na pahayag ng Office of the Vice President for Student Success and Stakeholders Services (VP4S), batid ng pamunuan ang magaganap na renovation at pagsasaayos ng Philippine International Convention Center (PICC) na taunang pinagdarausan ng Seremonya ng Pagtatapos, Gawad Parangal, at Baccalaureate program ng pamantasan. Malinaw ring nakasaad sa pahayag na hindi maaaring idaos sa loob ng PNU ang mga gawain tulad ng seremonya ng pagtatapos dahil dumadaan din sa pagsasaayos ang ilan sa mga pasilidad sa pamantasan, at bunsod na rin ng pabago-bagong lagay ng panahon at ang binabahang lokasyon ng pamantasan.

Mula rito, itinuloy pa rin ang pagsasagawa ng ilang mga programa sa pamantasan, tulad ng Gawad Parangal na idaraos sa PNU Gymnasium, at Baccalaureate Program na isasagawa sa grasslandia. Samantalang ang mismong 117th Commencement Exercises ay napiling sa Manila Hotel - Tent City idaraos, ngunit sa limitadong kapasidad lamang kung kayaโ€™t hinati sa apat na klaster ang mga magsisipagtapos. Pinupunto rin sa bahaging ito na hindi isasagawa ang tradisyonal na martsa ng mga magsisipagtapos papasok ng bulwagan. Batay sa pahayag, ito ay buhat daw umano ng kakulangan sa espasyo at pagsasaalang-alang ng seguridad ng mga magsisipagtapos. Sa ganitong gana, kung ito ay totoo nilang isinasaalang-alang, bakit hindi naghanap ng espasyong nararapat sa seremonyang idaraos? Ito ay kabalintunaan sa kung para kanino nga ba talaga alay ang mga programa sa pagtatapos. Ito ay para sa mga mag-aaral na nagsumikap ng ilang taon, ngunit ganitong sistema ng pamamalakad at programang idaraos ang mararanasan? Kung tunay na para sa kagalingan at kapakanan ng mga mag-aaral ang mga nag-oorganisa ng programa, marapat na mapakinggan ang hinaing ng mga mag-aaral at matuto sa taon-taon na pagdaraos ng mga ganitong gawain nang hindi na maulit ang paulit-ulit na suliraning katulad nito.

3. Alituntunin sa pagrenta ng graduation gown o toga at ang kalidad nito maging ang alumni card

Nitong nakaraang Sabado, kasabay ng ipinatawag na pagtitipon, at hindi pinal na ensayo para sa seremonya ng pagtatapos, ibinigay ang mga graduation paraphernalia, ispesipikong kabilang dito ay ang graduation gown o toga at graduation cap na may tassel na nirenta mula sa iisang service provider na kinuha ng pamantasanโ€“ang Elegance Toga, maging ang alumni card na nagkakahalaga ng 400 pesos. Nakasaad sa pormularyong kalakip na ibinigay na toga na magbabayad ng 50 pesos kapag delay na naisauli ang toga, 30 pesos kapag may nawalang tassel, at 150 pesos naman kapag nasira ang cap at hood, at kabuoang 300 pesos naman kapag nasira o nawala ang mismong toga.

Sa 600 pesos na binayarang renta ng bawat magsisipagtapos sa Antas โ€˜Di Gradwado, 300 pesos dito ay halaga ng renta, at ang kalahati naman ay refundable kapag naisauli sa mismong araw ng pagtatapos ang toga. Kung babalikan ang naunang ibinabang alituntunin ng Events Management Office (EMO) hinggil sa pagrenta ng toga at pagkuha ng serbisyo sa photo souvenir, ang toga ay maaaring isauli dalawa hanggang tatlong araw matapos ang graduation, at kapag lumampas sa ibinigay na grace period ay tsaka magbibigay ng kaukulang penalty.

Karagdagan naman hinggil sa pagrenta ng sariling Academic Regalia labas sa service provider na kinuha ng pamantasan, kinonsulta ng komite ang direktor ng EMO kung maaaring magrenta ng sariling toga, ang naging tugon dito ay hindi pinapayagan dahil maaaring maiba raw ang hitsura o kulay ng toga kapag sa iba magrerenta, gayong impuntong kulay itim antimano ang ginagamit sa graduation. Batay pa rin sa inilabas mismong guidelines ng EMO, nakasaad sa V. Reminders on the Academic Gown, Graduation Picture & Photo Souvenir & Alampay, No. 2. โ€œBased on the agreement the student & completers have TWO WAYS TO HAVE THEIR ACADEMIC REGALIA: a. Buy/Own/Borrow Academic Regaliaโ€. Malinaw ito na hindi pagtalima sa sariling gabay at panuntunan na sila mismo ang naglabas.

Isa pa rin sa inaalala ng graduating batch ay ang kalidad ng nirentang toga mula sa kinuha nilang service provider. Manipis ang tela nito at โ€œsee throughโ€ na nga kung uusisain. Maging ang graduation cap ay maluwag at tila hindi umaakma sa sukat na ibinigay ng mga magsisipagtapos, at maging ang ilang tassel ay naka-tape pa sa mismong cap. Bagay na nakababahala sa bahagi ng graduating batch dahil iba-ibang kondisyon ng academic regalia mula sa service provider ang kanilang natanggap. Sa pagkokonsulta naman ng mga pangulo ng klase kasama ang koordineytor na nangangasiwa sa toga rental, kung mayroong concern hinggil sa toga ay mangyaring dalhin sa Lunes upang magawan ng paraan, kinikilala natin ang aksyong ito na nasa kondisyon ang gagamiting toga, ngunit dapat ay antimanong pagkatanggap nito ay nasa maayos na kondisyon at maayos na kalidad.

Samantala, ang alumni card na ibinigay sa bawat mag-aaral ay wala ring malinaw na gabay at alituntunin kung para saan ito gagamitin. Dagdag pa, blank paper idenfication card pati ang natanggap ng graduating batch. Hindi rin naging malinaw kung ano-ano pa ang mga benepisyong makukuha ng graduating batch sa 400 pesos alumni fee na binayaran. Malaking halaga ito para sa bawat indibidwal lalo sa panahon ngayon na nagsisimula pa lamang ang graduating batch sa kani-kanilang trabaho, hindi agad basta-basta mahuhugot ang 400 pesos na dumagdag pa sa maraming bayarin na pinagkakagastusan ng graduating batch.

4. Pagkaubos ng companion tickets

Nitong nakaraang oryentasyon na ginanap noong ika-16 ng Agosto, binigyang-diin ng mga kinauukulan ang patungkol sa pass cards at tickets para sa companion. Anila, ang pass cards at tickets ay ibibigay lamang sa rehearsal ng bawat cluster at required ang lahat na dumalo kung kayaโ€™t walang pamimilian ang mga magsisitapos kundi ang dumalo ng nasabing rehearsal dahil kung hindi sila pupunta, hindi rin sila mabibigyan ng pass cards at tickets. Ganoon na lamang ang pagkadismaya at pagkagimbal ng ibang magsisipagtapos, partikular ang mga estudyante ng Cluster 3, nang maubos ang ticket na inihanda ng Registrar. Tugon sa kanila, kaya raw nagkulang ang ticket ay dahil nagkaroon ng problema sa printing. Ang katwiran, same day printing ang ginagawa sa tickets. Umalma ang sangkaestudyantehan dito sa kadahilanang nirequire ng mga kinauukulan ang pagpunta sa rehearsal para sa pagbibigay ng paraphernalia kaugnay sa graduation, kasama na rito ang tickets subalit aabutan nila na ito ay ubos na. Kaugnay rito, ang naisip na solusyon ng admins ay ang pagpilas ng tickets sa ibang pass cards na hindi pa nake-claim kung kayaโ€™t nabigyan ang iilan. Ngunit ang mga hindi talaga nabigyan ng tickets ay pinapabalik na lamang bukas, ika-8 ng Setyembre.

Ang tagpong ito ay isang manipestasyon ng kapabayaan at inkompetensiya ng mga tagapamahala. Maraming araw ang lumipas sa pagitan ng oryentasyon at sa araw ng pamamahagi ng graduation paraphernalias subalit tila yata hindi iyon naging sapat upang makagawa ng mga sapat na tickets para sa bilang ng mga mag-aaral na magtatapos. Ang sistemang ganito ay nakakapagpalaganap ng hindi makaestudyanteng tagpo lalo naโ€™t mistulang naging tunggalian ang nangyari para lamang makakuha ng tickets; estudyanteng pumunta para sa tickets laban sa kapwa niyang estudyante na nagtungo rin para makakuha ng tickets. Maiiwasan sana ang mga ganitong pangyayari kung mas naging handa at maagap ang kinauukulan sa pagsasaayos ng mga paraphernalia kaugnay ng graduation, partikular na sa tickets.

5. Walang kasiguraduhan at malabong mga plano at gabay sa pagdaraos ng baccalaureate ceremony

Magpasahanggang ngayon ay wala pa ring ibinababang opisyal gabay at alituntunin para sa Baccalaureate Program. Ito ay minamatang isagawa bukas, Lunes, sa PNU Grasslandia. Ngunit sa lagay ng panahon na pabugso-bugso ang ulan, hindi posible ang pagdaraos ng programa ng baccalaureate sa grasslandia gayong magpuputik ito at hassle para sa graduates at mga magulang lalo at kinabukasan ay mismong araw na ng graduation. Sa Plan B umano na naiisip ay magdala ng color coded na payong (asul para sa klasters 1 at 2; dilaw para sa klasters 3 at 4) kung sakaling umulan, bagay na katawa-tawa dahil indikasyon ito sa kakulangan ng kahandaan. Isa pa, saan huhugot ng pambili ng payong na gusto nila ang graduates, at may mag-aabala pa bang bumili nito. Dagdag pa sa naiisip nila umanong Plan B ay sa PNU Gymnasium isagawa ang Baccalaureate. Kung iisipin, sa Gawad Parangal pa nga lang ay hindi na magkamayaw ang Academic Awardees sa pupwestuhan nila, kasama pa ang dalawang companions, ano pa kaya ang magiging sistema sa Baccalaureate kung saan tinatayang dadaluhan ito ng apat na klaster na binubuo ng 800+ na graduating batch sa Antas โ€˜Di Gradwado, labas pa rito ang Antas Gradwado.

Hanggang ngayon ay naghihintay ang graduating batch ng ipapadala raw nilang email hinggil sa Plan B at iba pang guidelines, ngunit habang lumalalim ang gabi ay nangangapa pa rin ang graduating batch ukol dito. Nababahala rin ang graduating batch kung ang pagdalo sa Baccalaureate program ay isasailalim sa clearance o magiging opsyonal lamang. Nagbubunggo ang mandato ng mga bathala na ito ay REQUIRED o OPTIONAL, kung kaya ay nagdudulot ng kalituhan sa bahagi ng graduating batch.

Mula sa mga suliraning inilahad na kinaharap at kinakaharap ng graduating batch, manipestasyon ito ng kakulangan sa kahandaan, preparasyon, at aksyon ng mga namamahala. Taon-taon nang isinasagawa ng pamantasan ang mga ganitong gawain, ngunit bakit tila hindi natututo ang mga namamahala sa mga suliraning kinakaharap sa bawat taon. At bakit kapag ang mga mag-aaral ang may pagkukulang, sukdulan ang paghihigpit sa patakaran, at kapag ang mga namumuno ang mayroong pagkukulang ay kimi at walang pananagutan sa bahagi nila. At sa ilang mga tagapamala ng programa, animoโ€™y utang na loob ng graduating batch sa kaniya ang mga programang may kaugnayan sa pagtatapos, siya na nagtotonong sarkastiko sa bawat praktis o ensayo kuno.

Sa tema ngayong taon na โ€œHinubog na Kahusayan: Ang Panibagong Landas ng PNU sa Edukasyong Pangguro,โ€ nasaan ang kahusayang hinubog sa ulit-ulit na sistemang ito? Nasaan ang sinasabing panibagong landas na tinatahak ng PNU sa larangan ng Edukasyong Pangguro sa mga suliraning hindi matuldukan? Mapasaanomang aspekto, field study, practice teaching, at graduationโ€”isang malaking kabalintunaan ang satsat ng tema ngayong taon sa pamamalakad ng mga namamahala sa mga programa sa pagtatapos.

Kaya naman, Batch Dilaab, hanggang sa dulo ng ating pagtatapos sa kalinga ni Inang Pamantasan, ilakad natin ang ating mga satsat, mariing bakahin ang nakasasawang sistemang pinaiiral sa pamantasan upang itaguyod ang kapakanan ng sangkaestudyantehan, ng masang PNUans!

PNU, DO BETTER!

๐˜ฝ๐™–๐™ฉ๐™˜๐™ ๐˜ฟ๐™ž๐™ก๐™–๐™–๐™—, ๐™ฌ๐™š ๐™ฃ๐™š๐™š๐™™ ๐™ฎ๐™ค๐™ช๐™ง ๐™ซ๐™ค๐™ž๐™˜๐™š! ๐Ÿ“ข๐Ÿ”— https://forms.gle/6cT4HEvyBan9HMAa9๐Ÿ”— https://forms.gle/6cT4HEvyBan9HMAa9๐Ÿ”— https://f...
01/08/2025

๐˜ฝ๐™–๐™ฉ๐™˜๐™ ๐˜ฟ๐™ž๐™ก๐™–๐™–๐™—, ๐™ฌ๐™š ๐™ฃ๐™š๐™š๐™™ ๐™ฎ๐™ค๐™ช๐™ง ๐™ซ๐™ค๐™ž๐™˜๐™š! ๐Ÿ“ข
๐Ÿ”— https://forms.gle/6cT4HEvyBan9HMAa9
๐Ÿ”— https://forms.gle/6cT4HEvyBan9HMAa9
๐Ÿ”— https://forms.gle/6cT4HEvyBan9HMAa9

Sa nalalapit na Pagtatapos 2025, hindi lang akademikong tagumpay ang ating ipinagdiriwang, kundi pati na rin ang makulay na pagkakakilanlan ng bawat isa.

Kaya naman, ๐˜ฝ๐™–๐™ฉ๐™˜๐™ ๐˜ฟ๐™ž๐™ก๐™–๐™–๐™—, inaanyayahan namin kayong makiisa sa laban tungo sa ingklusibong seremonya ng pagtatapos sa pamamagitan ng pagsagot sa sarbey hinggil sa paggamit ng inyong lived name. Ang inyong partisipasyon ay makatutulong upang mabigyan ng wastong pagkilala at karangalan ang lahat ng magtatapos ngayong taong panuruan 2024-2025.

๐—ฆ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ-๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ต๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ๐—บ๐˜†๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐˜€๐—ฎ!

๐Ÿ—ฃ๏ธ โž๐Œ๐ ๐š ๐’๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š๐ง๐  ๐“๐ฎ๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ฆ๐šโžMula sa makabuluhang pananalita ng ating mga panauhin, narito ang piling mga katagang tunay na...
09/07/2025

๐Ÿ—ฃ๏ธ โž๐Œ๐ ๐š ๐’๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š๐ง๐  ๐“๐ฎ๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ฆ๐šโž

Mula sa makabuluhang pananalita ng ating mga panauhin, narito ang piling mga katagang tunay na nag-iwan ng bakas sa gabing puno ng kwento, pagninilay, at kamalayan. โœ’๏ธ

Mga salitang payak ngunit malaman. Mga linyang tumagos sa damdamin, nagturo ng aral, at nagmulat ng isipan.

Sa likod ng bawat pahayag ay isang tinig na nais marinig โ€” at sa ๐ƒ๐€๐†๐‹๐ˆ๐๐”๐๐€๐, bawat tinig ay may saysay.




Hindi natatapos ang aral sa pagsasalitaโ€”mas lalong humuhusay ito sa pakikinig.Mula sa mga piling tagapakinig ng ๐ƒ๐€๐†๐‹๐ˆ๐๐”๐...
09/07/2025

Hindi natatapos ang aral sa pagsasalitaโ€”mas lalong humuhusay ito sa pakikinig.

Mula sa mga piling tagapakinig ng ๐ƒ๐€๐†๐‹๐ˆ๐๐”๐๐€๐: ๐€๐ง๐  ๐„๐ฌ๐ž๐ง๐ฌ๐ฒ๐š ๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ ๐ฅ๐ข ๐ฌ๐š ๐‹๐ข๐ฉ๐ฎ๐ง๐š๐ง, narito ang ilang buod ng kanilang mga natutunan, napagnilayan, at baong-damdaming nais ibahagi mula sa gabing puno ng panitikan at paninindigan.

Mga salitang tumimo. Mga aral na dala pauwi. Mga tinig na nagbunga ng bagong pag-unawa.

Sa kanilang mga mataโ€™t damdamin, naipinta ang saysay ng ๐’…๐’‚๐’ˆ๐’๐’Š bilang salamin ng ating lipunan.




๐Ÿ“ธ ๐“๐€๐Œ๐๐Ž๐Š ๐๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐‹๐€๐‘๐€๐–๐€๐ | Narito ang mga eksena mula sa makabuluhang talakayan ng ๐ƒ๐€๐†๐‹๐ˆ๐๐”๐๐€๐: ๐€๐ง๐  ๐„๐ฌ๐ž๐ง๐ฌ๐ฒ๐š ๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ ๐ฅ๐ข ๐ฌ๐š ๐‹๐ข...
09/07/2025

๐Ÿ“ธ ๐“๐€๐Œ๐๐Ž๐Š ๐๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐‹๐€๐‘๐€๐–๐€๐ | Narito ang mga eksena mula sa makabuluhang talakayan ng ๐ƒ๐€๐†๐‹๐ˆ๐๐”๐๐€๐: ๐€๐ง๐  ๐„๐ฌ๐ž๐ง๐ฌ๐ฒ๐š ๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ ๐ฅ๐ข ๐ฌ๐š ๐‹๐ข๐ฉ๐ฎ๐ง๐š๐ง โœ’๏ธ๐Ÿ—ฃ๏ธ

Isang gabi ng salitang tumatama, kwentong bumubuhay, at paninindigang hindi basta-basta.

Mula sa mga insightful discussions, real talk moments, hanggang sa mga hugot at halakhak โ€” ramdam ang kapangyarihan ng ๐‘‘๐‘Ž๐‘”๐‘™๐‘– bilang tinig ng lipunan.

๐Ÿ’ญ Hindi man mahaba, sapat ang dagli para magbukas ng mata, damdamin, at isipan.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, nakinig, at nagbahagi ng kanilang tinig.

Tuloy ang kwento. Tuloy ang pagkilos.




๐Ÿ… ๐๐š๐ ๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ก๐ฎ๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐ข๐ญ๐ข๐ค๐š๐งBilang bahagi ng ๐ƒ๐€๐†๐‹๐ˆ๐๐”๐๐€๐: ๐€๐ง๐  ๐„๐ฌ๐ž๐ง๐ฌ๐ฒ๐š ๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ ๐ฅ๐ข ๐ฌ๐š ๐‹๐ข๐ฉ๐ฎ๐ง๐š๐ง, kinilala ang mga mag-...
09/07/2025

๐Ÿ… ๐๐š๐ ๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ก๐ฎ๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐ข๐ญ๐ข๐ค๐š๐ง

Bilang bahagi ng ๐ƒ๐€๐†๐‹๐ˆ๐๐”๐๐€๐: ๐€๐ง๐  ๐„๐ฌ๐ž๐ง๐ฌ๐ฒ๐š ๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ ๐ฅ๐ข ๐ฌ๐š ๐‹๐ข๐ฉ๐ฎ๐ง๐š๐ง, kinilala ang mga mag-aaral na nagpakita ng husay sa pagsulat ng drabble at dagli โ€” mga akdang maikli ngunit makapangyarihan, at may kakayahang magsalamin ng lipunan.

๐ŸŽ‰ ๐Œ๐ ๐š ๐๐š๐ ๐ฐ๐š๐ ๐ข ๐ฌ๐š ๐ƒ๐ซ๐š๐›๐›๐ฅ๐ž
๐Ÿ”น ๐‘ฑ๐’‚๐’๐’๐’ ๐‘ป๐’Š๐’๐’‚๐’
๐Ÿ”น ๐‘ฑ๐’๐’ ๐‘ฑ๐’‚๐’Š๐’Ž๐’† ๐‘ด๐’‚๐’๐’–๐’†๐’ ๐‘ผ๐’๐’‚๐’๐’…๐’‚๐’š

โœ’๏ธ ๐Œ๐ ๐š ๐๐š๐ญ๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐ข ๐ฌ๐š ๐ƒ๐š๐ ๐ฅ๐ข ๐–๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐ง๐  ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ
๐Ÿ”น ๐‘ฑ๐’‚๐’๐’๐’ ๐‘ป๐’Š๐’๐’‚๐’
๐Ÿ”น ๐‘ด๐’Š๐’„๐’‰๐’‚๐’†๐’ ๐‘จ๐’๐’ˆ๐’†๐’๐’ ๐‘ณ๐’๐’†๐’“๐’‚
๐Ÿ”น ๐‘ช๐’Š๐’‚๐’“๐’“๐’‚ ๐‘ท๐’‚๐’•๐’“๐’Š๐’‚ ๐‘ท๐’‚๐’”๐’„๐’–๐’‚๐’
๐Ÿ”น ๐‘ด๐’‚. ๐‘ช๐’“๐’Š๐’”๐’•๐’Š๐’๐’† ๐‘๐ข๐œ๐จ๐ก๐ž๐ซ๐ฆ๐จ๐ณ๐จ

Isang mataas na pagpupugay sa inyong malikhaing pagpapahayag at pagbibigay tinig sa mga kwento ng lipunan. Nawaโ€™y magsilbing inspirasyon ito upang higit pang paunlarin ang sining ng pagsusulat.




๐ŸŽ™๏ธ ๐๐š๐ ๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ง๐š ๐š๐ง๐  ๐ญ๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฒ๐š๐งโ—Umpisa pa lang pero damang-dama na ang lalim ng bawat ๐‘‘๐‘Ž๐‘”๐‘™๐‘–! โœ’๏ธ๐Ÿ’ญ๐ƒ๐€๐†๐‹๐ˆ๐๐”๐๐€๐: ๐€๐ง๐  ๐„๐ฌ๐ž๐ง๐ฌ๐ฒ๐š ๐ง๐ ...
08/07/2025

๐ŸŽ™๏ธ ๐๐š๐ ๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ง๐š ๐š๐ง๐  ๐ญ๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฒ๐š๐งโ—

Umpisa pa lang pero damang-dama na ang lalim ng bawat ๐‘‘๐‘Ž๐‘”๐‘™๐‘–! โœ’๏ธ๐Ÿ’ญ

๐ƒ๐€๐†๐‹๐ˆ๐๐”๐๐€๐: ๐€๐ง๐  ๐„๐ฌ๐ž๐ง๐ฌ๐ฒ๐š ๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ ๐ฅ๐ข ๐ฌ๐š ๐‹๐ข๐ฉ๐ฎ๐ง๐š๐ง is now officially in session โ€” kwento, kaisipan, at paninindigan ang nangingibabaw sa gabi!

Binuksan ang programa sa isang makahulugang pananalita mula kay ๐‰๐š๐ง๐ง๐จ ๐“๐ข๐ง๐š๐จ, ๐‚๐ฅ๐š๐ฌ๐ฌ ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ข๐๐ž๐ง๐ญ ๐ง๐  ๐๐’๐’๐„ ๐ˆ๐•-๐Ÿ–, na nagbigay ng mainit na pagtanggap at paalala kung bakit mahalagang pag-usapan ang dagli bilang salamin ng lipunan.

Kasunod nito ay ang pambungad na pananalita ni ๐๐ซ๐จ๐Ÿ. ๐Ž๐Ÿ๐ž๐ฅ๐ข๐š ๐Œ๐ฎ๐ญ๐š๐ฌ, na buong puso at talinong ibinahagi ang kahalagahan ng dagliโ€”hindi lamang bilang anyo ng panitikan, kundi bilang salamin ng karanasan, damdamin, at lipunan.

Stay tuned para sa mga highlights at hugot ng gabi.

๐Ÿ“ฒ Live updates coming your way here on ๐’๐จ๐œ๐ฌ๐„๐ข๐ ๐ก ๐…๐ ๐๐š๐ ๐ž!





๐Š๐ˆ๐‹๐€๐‹๐€๐๐ˆ๐ ๐€๐๐† ๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐๐”๐“๐ˆ๐‡๐ˆ๐๐† ๐“๐€๐†๐€๐๐€๐†๐’๐€๐‹๐ˆ๐“๐€โœจSiya ay dalubhasa sa wika at panitikang Filipino. May talas ng isipan, lalim ...
07/07/2025

๐Š๐ˆ๐‹๐€๐‹๐€๐๐ˆ๐ ๐€๐๐† ๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐๐”๐“๐ˆ๐‡๐ˆ๐๐† ๐“๐€๐†๐€๐๐€๐†๐’๐€๐‹๐ˆ๐“๐€โœจ

Siya ay dalubhasa sa wika at panitikang Filipino. May talas ng isipan, lalim ng damdamin, at diwang makabayan. Kilalanin si ๐ƒ๐ซ. ๐„๐ฏ๐ž๐ฅ๐ฒ๐ง ๐. ๐€๐ง๐ญ๐จ๐ง๐ข๐จ, may-akda ng โ€œRetoke at Iba Pang Mga Dagliโ€, tagapagsulong ng literasi sa mga komunidad, at tagapangulo ng General Education sa Manila Tytana Colleges. Sa loob ng mahigit dalawampung taon sa akademya, aktibo rin siya sa Ecohumans at sa proyektong Liwanag at Dunong para sa mga katutubong Ayta sa Tarlac.

Sa kanyang talas at malasakit, sabay nating tuklasin ang bisa ng dagli bilang sandata ng kamalayan at pagbabagong panlipunan.

๐๐ฎ๐ง๐ฎ๐ข๐ง ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ง ๐ง๐  ๐ค๐ฐ๐ž๐ง๐ญ๐จ, ๐ค๐š๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ง, ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ง๐ข๐ง๐ข๐ง๐๐ข๐ ๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐ ๐š๐›๐ข!

Maaari rin ninyong matutunghayan ang workshop na ito sa aming opisyal na page: ๐’๐จ๐œ๐ฌ๐„๐ข๐ ๐ก๐ญ, sa mismong araw ng pagtitipon.

Tuloy ang kwento, tuloy ang usapan, tuloy ang pagkilos. Huwag palampasin! Sama-sama tayong magnilay at matuto.





๐‘๐ž๐š๐๐ฒ ๐ง๐š ๐›๐š ๐ค๐š๐ฒ๐จ? ๐‡๐ž๐ญ๐จ ๐ง๐š ๐š๐ง๐  ๐ญ๐š๐ค๐›๐จ ๐ง๐  ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ค๐ฐ๐ž๐ง๐ญ๐จ!Sa ๐ƒ๐€๐†๐‹๐ˆ๐๐”๐๐€๐: ๐€๐ง๐  ๐„๐ฌ๐ž๐ง๐ฌ๐ฒ๐š ๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ ๐ฅ๐ข ๐ฌ๐š ๐‹๐ข๐ฉ๐ฎ๐ง๐š๐ง, hindi lang tayo bast...
07/07/2025

๐‘๐ž๐š๐๐ฒ ๐ง๐š ๐›๐š ๐ค๐š๐ฒ๐จ? ๐‡๐ž๐ญ๐จ ๐ง๐š ๐š๐ง๐  ๐ญ๐š๐ค๐›๐จ ๐ง๐  ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ค๐ฐ๐ž๐ง๐ญ๐จ!

Sa ๐ƒ๐€๐†๐‹๐ˆ๐๐”๐๐€๐: ๐€๐ง๐  ๐„๐ฌ๐ž๐ง๐ฌ๐ฒ๐š ๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ ๐ฅ๐ข ๐ฌ๐š ๐‹๐ข๐ฉ๐ฎ๐ง๐š๐ง, hindi lang tayo basta makikinig, tayo'y makikialam, magtatanong, matututo, at kikilos! โœจ

Kaya't huwag magpahuli! Sama-sama nating tuklasin ang tunay na saysay ng dagli sa lipunan. Isang gabi ng kwento, talakayan, at paninindigan โ€” dito lang sa ๐ƒ๐€๐†๐‹๐ˆ๐๐”๐๐€๐.

Narito na ang takbo ng mga kaganapan sa ๐ƒ๐€๐†๐‹๐ˆ๐๐”๐๐€๐: ๐€๐ง๐  ๐„๐ฌ๐ž๐ง๐ฌ๐ฒ๐š ๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ ๐ฅ๐ข ๐ฌ๐š ๐‹๐ข๐ฉ๐ฎ๐ง๐š๐ง โœ’๏ธ๐Ÿ—ฃ๏ธ

๐Š๐š๐ฒ๐จ ๐š๐ง๐  ๐›๐ข๐๐š, ๐ค๐ฐ๐ž๐ง๐ญ๐จ ๐ง๐ข๐ง๐ฒ๐จ ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐ ๐š.

Kita-kits, mga Ka-Daglipunan!





Address

104 Taft Avenue, Ermita
Manila
1000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SocsEight posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share