Tinta

Tinta Mag-iiwan ng TINTA 'di lamang sa mga daliri bagkus pati sa kinabukasan ng madla. Ano ang TINTA? Sino ang namamahala sa TINTA? Ano-ano ang mga ginagawa ng TINTA?

Isang kapisanan ng mga Mag-aaral ng Komunikasyon; grupo ng mga progresibong kabataang komunikator na niyayapos ang prinsipyo ng demokrasya; online na plataporma ng kamulatan; dominyo ng iba’t ibang anyo ng sining; entablado ng tinig at pag-alpas ng masa; at tulay patungo sa sibil na diskurso—iyan ang TINTA! Ang identidad ng TINTA ay nabuo bilang proyekto ng mga komunikator ng Bachelor of Arts in

Communication (BAC 1-4) ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, sa kanilang pangunahing kursong ‘Introduction to Communication Media’. Ang mga komunikator ng BAC 1-4 ang silang namamahala at responsable sa lahat ng inililimbag at isinasapubliko ng TINTA. Sa likod ng mga malilikhaing paglilimbag at produksyon ay ang mga komite ng Pananaliksik, Page-edit ng Video, Pagtatanghal, Literatura at Tagapamahala ng Social Media. Ang TINTA ang nagsisilbing online na plataporma ng BAC 1-4 upang magsulong ng katotohanan sa gitna ng nakababahalang sirkulasyon ng disimpormasyon at misimpormasyon sa Internet na bumibiktima sa masa. Itinuturing din ng mga nasabing mag-aaral ang TINTA bilang tanglaw ng karunungan at pluma ng pawang katotohanan para sa publiko. Sa pamamagitan ng online na paglilimbag ng mga bidyo ng pangangampanya, teksto, PUBMAT, at iba pang anyo ng sining at paraan ng pagbibigay ng impormasyon ay layunin ng TINTA na makamit ang mga sumusunod:
1. Maghatid ng mga tunay at balidong impormasyon
2. Mang-aliw ng masa sa pamamagitan ng mga publikasyon ng iba't ibang anyo ng media
3. Isulong at ipalaganap ang media literacy
4. Sugpuin ang disimpormasyon

Pahayag ng TINTA:
Naniniwala ang mga namamahala ng TINTA na sa kasalukuyang paglobo ng bilang ng mga nabibiktima ng mga maling impormasyon ay kinakailangan ng masa ng mas maraming platapormang magpapalaganap ng pawang katotohanan at magbibigay ng wakas sa disimpormasyon at misimpormasyon.

Address

Manila

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tinta posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share