21/09/2026
๐๐๐-๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐-๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Sa bawat paggunita ng Batas Militar, hindi lamang isang petsa ang ating inaalala. Inaalala rin natin ang mga buhay na nabago, mga pamilyang nasira o nabawasan, mga tinig na pinatahimik, at mga taong pinagkaitan ng kalayaan dahil sa panahong ang kapangyarihan ng estado ay naging kasangkapan upang supilin ang mga karapatang dapat nitong pinangangalagaan.
Noong 21 Setyembre 1972, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Proclamation No. 1081, na naglalagay sa buong Pilipinas sa ilalim ng batas militar, na binigyang-katwiran ng pamahalaan sa pamamagitan ng banta ng rebelyon at insurhensiya. Sa mga sumunod na araw, ipinatupad ang malawakang pag-aresto at pagkulong, pagsasara at pagsamsam sa mga pribadong media outlet, pagpapatupad ng curfew, at pagbabawal sa anumang anyo ng pagtitipon, welga, at protesta. Bagama't Setyembre 21 ang naging simbolikong petsa ng paggunita, ipinapaliwanag ng Human Rights Violations Victimsโ Memorial Commission na naging malawakang naramdaman ng publiko ang pagpapatupad nito nang magsimula ang malawakang pag-aresto noong Setyembre 23, 1972 at ipahayag ito sa telebisyon.
Ang mga sumunod na taon ay hindi lamang panahon ng paghihigpit sa pulitika. Ayon sa dokumentasyon ng Amnesty International, humigit-kumulang 70,000 katao ang nakulong sa ilalim ng mga probisyong kaugnay ng Batas Militar, 34,000 ang dumanas ng torture, at higit sa 3,200 ang napatay mula 1972 hanggang 1981. Mayroon ding mga naitalang kaso ng enforced disappearance, extrajudicial killings, arbitrary arrest, at illegal detentions, at iba pang malubhang paglabag sa karapatang pantao.
Mahalagang tandaan na ang mga bilang na ito ay mga dokumentadong pagtataya, at hindi nangangahulugang kumpleto na ang tala ng lahat ng biktima. Mismong Amnesty International ay nagsasabing nananatiling mahirap tukuyin ang eksaktong bilang ng mga paglabag dahil hindi pa ganap na natatapos ang proseso ng dokumentasyon at truth-telling.
Ngunit higit pa sa mga numero ang mga taong nasa likod nito.
May mga estudyanteng dinakip dahil sa kanilang paninindigan. May mga mamamahayag na pinatahimik. May mga manggagawa, magsasaka, abogado, pari, lider ng mgakomunidad at aktibistang ikinulong. May mga pamilyang naghintay sa isang mahal sa buhay na hindi na nakauwi. May mga nakaligtas na hanggang ngayon ay dala ang pisikal at sikolohikal na sugat ng kanilang pinagdaanan. Ang mga testimonya ng mga nakaligtas ay naglalarawan ng pambubugbog, torture, sapilitang pag-amin, pagkakulong nang walang sapat na proseso, at iba pang uri ng pang-aabuso.
Kaya ang paggunita sa Batas Militar ay hindi panawagan upang manatili tayo sa nakaraan. Sa halip, ito ay panawagan upang matuto mula sa nakaraan upang hindi na ito maulit.
Ang isang bansa ay hindi tunay na umuunlad kung ang kasaysayan ay naaalala lamang bilang mga petsa sa aklat. Ang kasaysayan ay dapat maging babala, gabay, at pananagutan. Ang pag-alala ay hindi dapat maging instrumento ng paghihiganti, kundi isang paraan upang kilalanin ang katotohanan at tiyaking hindi muling magkakaroon ng sistemang nagbibigay sa sinumang nasa kapangyarihan ng kalayaang lumabag sa karapatan ng mamamayan nang walang sapat na pananagutan.
Sa ganitong diwa, kailangang patuloy na itaguyod ng bansa ang karapatan sa katotohanan, hustisya, reparasyon, at garantiya ng hindi pag-uulit. Ang Republic Act No. 10368 ay kumilala sa mga human rights violation victims ng panahon ng Marcos at naglatag ng mekanismo para sa kanilang pagkilala at reparasyon. Gayunpaman, nananatiling mahalaga ang patuloy na dokumentasyon at pagkilala sa mga biktima at kanilang mga pamilya.
Dapat ding palakasin ang mga institusyong nagsisilbing panimbang sa kapangyarihan: ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐ป๐ฑ๐ฒ๐ฝ๐ฒ๐ป๐ฑ๐ถ๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ป๐ด ๐ต๐๐ฑ๐ถ๐ธ๐ฎ๐๐๐ฟ๐ฎ, ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐๐น๐๐ต๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐ฒ๐ต๐ถ๐๐น๐ฎ๐๐๐ฟ๐ฎ, ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ด, ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ฎ ๐๐ผ๐บ๐บ๐ถ๐๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ผ๐ป ๐๐๐บ๐ฎ๐ป ๐ฅ๐ถ๐ด๐ต๐๐, ๐ฎ๐ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ถ๐ป๐๐๐ถ๐๐๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐๐ฝ๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด๐ผ๐ ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ด๐๐๐๐๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ถ๐ป๐๐ป๐ผ.
Higit sa lahat, dapat nating panatilihing buhay ang kultura ng due process, transparency, accountability, freedom of expression, freedom of assembly, at karapatang pantao. Sapagkat ang rule of law ay hindi lamang nangangahulugang may mga batas. Nangangahulugan itong walang sinuman kahit gaano man kataas ang posisyon ang higit sa batas.
Ang pinakamalakas na depensa laban sa muling pag-ulit ng mga paglabag ay hindi lamang ang pangako ng isang lider na magiging makatarungan siya. Ito ay ang pagkakaroon ng mga institusyong sapat ang lakas upang pigilan ang pang-aabuso, mga mamamayang sapat ang kaalaman upang kumwestiyon sa kapangyarihan, at isang sistemang sapat ang tapang upang papanagutin ang sinumang lumabag sa batas.
Kayaโt ang PNU โ USC Student Tribunal, sa ika-54 na paggunita ng Batas Militar, inaanyayahan ang lahat na alalahanin ang mga biktima. Pakinggan ang mga nakaligtas. Ingatan ang mga tala ng kasaysayan. Ituro ang katotohanan sa susunod na salinlahi. At higit sa lahat, huwag hayaang maging normal ang kawalan ng pananagutan.
Dahil ang hustisya ay hindi lamang para sa mga biktima ng nakaraan. Ito ay pananagutan natin sa mga mamamayan ng kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.
Alalahanin ang nakaraan. Ipaglaban ang katotohanan. Igalang ang karapatan. Ipatupad ang batas. At manindigan para sa isang Republika kung saan ang kapangyarihan ay laging nasasaklaw ng batas.
๐ก๐ฒ๐๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ถ๐ป. ๐ก๐ฒ๐๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ถ๐ป ๐๐ผ ๐ถ๐บ๐ฝ๐๐ป๐ถ๐๐. ๐ก๐ฒ๐๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ถ๐ป ๐๐ผ ๐๐ต๐ฒ ๐ฎ๐ฏ๐๐๐ฒ ๐ผ๐ณ ๐ฝ๐ผ๐๐ฒ๐ฟ