Tara Kabataan

Tara Kabataan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Tara Kabataan, Youth Organization, Manila.

04/07/2026

ONE WISH WILLOW : ISANG HILING PATUNGO SA LIPUNANG INKLUSIBO ๐ŸŒˆ๐Ÿ’ž๐Ÿซ‚

โ€œ๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐™ฌ๐™ž๐™จ๐™ ๐™ ๐™ค ๐™–๐™ฎ, ๐™จ๐™–๐™ฃ๐™– ๐™ก๐™–๐™๐™–๐™ฉ ๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™–๐™™๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ฎ ๐™ข๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™œ๐™–๐™ฅ ๐™ฃ๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ช๐™ฃ๐™–๐™ฃ.โ€

Panoorin ang iba't ibang hiling ng mga indibidwal nitong nagdaang Pride Month! Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy nating itaguyod ang isang lipunang puno ng pagkakapantay-pantay, pakikipagkapwa, at tunay na pagtanggap.

Ikaw, anong wish mo? โœจ




HAPPY PRIDE SA LAHAT! ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ๐Ÿซถ Nakaraang Sabado, tayo ay nakilahok sa Metro Manila Pride kung saan kasama natin maglakad sa...
30/06/2026

HAPPY PRIDE SA LAHAT! ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ๐Ÿซถ

Nakaraang Sabado, tayo ay nakilahok sa Metro Manila Pride kung saan kasama natin maglakad sa lansangan ang mga indibidwal at grupo na nilalaban ang karapatan ng LGBTQIA+ sa ating lipunan. ๐Ÿคฉ

Sa ilang taong pagdiriwang ng Pride, hirap pa rin tayong makamtan ang mga karapatan na dapat matamasa ng mga indibidwal na parte ng LGBTQIA+. Patuloy pa ring pinagtatawanan at hindi binibigyang halaga ang kanilang papel sa lipunan.

Sa kabila nito, ilang taon na rin tayong lumilikha at nagpapalawak ng isang komunidad at espasyo kung saan walang lugar ang diskriminasyon. Ang Pride ay hindi lamang isang selebrasyon, ito ay isang protesta para labanan ang karahasan at sistemang hindi kumikilala sa karapatan ng sangkabaklaan.

Sa paglikha ng maginhawa at pagkamit ng makataong lipunan ay dapat kasama sila. Sa progreso ay dapat iniisip sila. Patuloy nating ipaglalaban ang pagkakapantay-pantay, dignidad, at karapatang mabuhay nang malaya at walang takot.

Sabi nga ni Uge: Masaya kapag may bakla! Mahal ko ang mga bakla! Gusto ko ang mga bakla! Dapat may bakla!

Ngunit hindi lang sapat na nais nating may bakla para tayo ay mapasaya at mapatawa. Dapat naisin din natin na sila ay maging maligaya at maging kung sino sila sa lipunan na tanggap at yayakapin sila. Hindi magiging maginhawa ang lipunan kung may sektor na naiiwan at napapabayaan.

Sa huling araw ng Hunyo, hindi dito matatapos ang ating laban. Patuloy tayong sisigaw ng pantay na karapatan para sa lahat. Bubuo tayo ng lipunan na kumikilala sa iba't ibang identidad at may respeto sa bawat isa. ๐Ÿค๐Ÿ’–



28/06/2026

Celebrating pride and love! ๐Ÿซถ
Happy Pride, mga mahal! ๐ŸŒˆโœจ


BAKLA, BAKLA, PAANO KA LALAYA? โ›“๏ธโ€๐Ÿ’ฅ๐Ÿ’…Ses, tama ka na naman,  Pride na naman. Pero 'tong pride na 'to? Hindi lang ito sele...
17/06/2026

BAKLA, BAKLA, PAANO KA LALAYA? โ›“๏ธโ€๐Ÿ’ฅ๐Ÿ’…

Ses, tama ka na naman, Pride na naman. Pero 'tong pride na 'to? Hindi lang ito selebrasyon. Ito ay pagtitipon, pagkakaisa, at pagsigaw ng isang katotohanang HINDI PA TAYO TAPOS!

Kaya naman, sama-sama nating pag-usapan ang tunay na kalayaan ng ating komunidad. Walang judgment, walang takot, puro chika, at pagmamahal.

June 20, 2026 | Sabado
2:00 PM โ€“ 4:00 PM
Via Zoom

Ano, Tara? Sa mga nais dumalo, magpadala lamang ng mensahe sa ating page para maibigay ang zoom link.

Sumali na sa ating queertuhan at sama-samang sagutin ang tanong na matagal na nating tinatagoโ€“ Paano tayo LALAYA?

Takits, Sis. ๐ŸŒˆ

SA ARAW NG KALAYAAN, PAKIKIPAGKAPWA ANG IPINAMALAS NG MGA KABATAAN ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญKasabay ng selebrasyon ng kalayaan ay ang sigaw ng ...
12/06/2026

SA ARAW NG KALAYAAN, PAKIKIPAGKAPWA ANG IPINAMALAS NG MGA KABATAAN ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Kasabay ng selebrasyon ng kalayaan ay ang sigaw ng mga kabataan para sa mas ligtas na tirahan at espasyo para sa ating mga kababayan.

Ngayong araw ginanap ang pamimigay ng mga donasyon sa mga apektado ng sunog sa Parola, Tondo. Kasama ang Asialink Group ROL Foundation at mga volunteers, namahagi tayo ng mga gamit pang-eskwela ng mga bata sa lugar.

Mula sa 26,100 pesos na nalikom natin, tayo ay nakabuo ng 100 packs ng school supplies, 50 packs ng hygiene at cleaning kits, at 20 packs ng canned goods. Bitbit din natin ang mga in-kind donations na para sa kanila kung saan nakakuha tayo ng 180 pcs ng pasta, 90 boxes ng vitamins at 16 sets ng foam, at 23 sets ng pillows, blankets at bedsheet.๐Ÿฅฐ

Ang araw na ito ay hindi lamang isang simpleng pamamahagi ng tulong sa kanila. Panawagan din namin ito para makalaya rin ang mga tao mula sa panggigipit at pagpapalayas sa kanila mula sa lugar at espasyong kanilang tinitirhan. Ang porma ng kalayaang ito naway makamtan ng bawat isa. โœŠ๏ธ

Lubos kaming nagpapasalamat sa Asialink Group ROL Foundation, Global Dominian, Partido Manggagawa, mga g**o, grupo ng kabataan at mga indibidwal sa kanilang tulong at donasyon para sa ating TK Kaagapay. ๐Ÿ’—๐Ÿ‘‡


Bukas ay magkakaroon ng sesyon si Ferdinand Sanchez II ng Tara Kabataan para sa ikalawang araw ng  ! ๐Ÿซถ๐Ÿ‘‡Kitakits sa SMX A...
08/06/2026

Bukas ay magkakaroon ng sesyon si Ferdinand Sanchez II ng Tara Kabataan para sa ikalawang araw ng ! ๐Ÿซถ๐Ÿ‘‡

Kitakits sa SMX Aura Convention Center! ๐Ÿ’—

TK KAAGAPAY NG PAROLA ๐Ÿ‘‡๐ŸซถNitong nakaraang Sabado, libo-libong pamilya ang naaapektuhan ng malawakang sunog sa Parola, Ton...
29/05/2026

TK KAAGAPAY NG PAROLA ๐Ÿ‘‡๐Ÿซถ

Nitong nakaraang Sabado, libo-libong pamilya ang naaapektuhan ng malawakang sunog sa Parola, Tondo. Narito ang datos ng mga apektado ng sunog sa lugar.

Tayo ay patuloy na naglilikom ng mga donasyon at ipamamahagi ito sa darating na Hunyo.

Kami ay lubos na nagpapasalamat sa mga nag-abot ng tulong nitong mga nagdaang araw. Para sa mga nais pang magbigay ng donasyon, mag-message lamang sa ating page. ๐Ÿ’—

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tara Kabataan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Tara Kabataan:

Shortcuts

Share