05/10/2026
Ang bilis ng LTO! 😊 Salute!
Agad na inaksiyunan ni Land Transportation Office (LTO) chief Markus Lacanilao ang reklamo ng mga residente ng Isabela province dahil sa mga nangyaring road crash at pambubulabog na idinulot ng 650-kilometer San Agustin Endurance Challenge sa Isabela province na dapat kumpletuhin ng mga participants sa loob ng 16 na oras.
Matapos makarating sa ahensya ang mga viral na video, agad na tinukoy nito ang apat na organizer ng naturang aktibidad at naglabas ng Show Cause Order (SCO) laban sa kanila kaugnay ng nasabing inside nte.
Batay sa video na naging batayan ng aksyon ng LTO, makikita ang ilang kalahok na nagmamaneho nang mapanganib, hindi sumusunod sa itinakdang speed limit, at hindi nagsasagawa ng kinakailangang pag-iingat sa pagmamaneho.
Ayon din sa police report, nagresulta ang insidente sa pisikal na pinsala at pagkasira ng mga ari-arian.
Sa inilabas na SCO, inaatasan ang mga organizer na tukuyin ang mga rider na sangkot sa insidente at humarap sa tanggapan ng LTO.
Inaatasan din ni Lacanilao ang mga organizer na magsumite ng kanilang paliwanag sa loob ng tatlong araw mula sa pagtanggap ng SCO upang ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat managot sa anumang pananagutang administratibo kaugnay ng pag-oorganisa at pagsasagawa ng naturang aktibidad.