Juan Pinoy

Juan Pinoy Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Juan Pinoy, Non-Governmental Organization (NGO), 314 C. M. Recto Avenue, Binondo, Metro, Manila.

Juan-Pinagkaisang Ordinaryong Mamamayan
para Yumabong (Juan Pinoy) is composed of both members and advocate of promoting the rights and interest of the urban poor sector.

07/12/2025
Maraming salamat sa bawat Pilipinong tumindig, sumuporta, at nagtiwala sa adhikain at serbisyong inialay ng Juan Pinoy P...
15/05/2025

Maraming salamat sa bawat Pilipinong tumindig, sumuporta, at nagtiwala sa adhikain at serbisyong inialay ng Juan Pinoy Partylist.

Buong pagpapakumbaba naming tinatanggap ang pasya ng sambayanang Pilipino. Kinikilala namin ang mandato ng mga nahalal na lingkod-bayan, at kami’y mananatiling kaagapay nila sa pagtataguyod ng tunay na pagbabago para sa ating bayan.

Hanggang sa muli — kami ang Juan Pinoy Partylist, patuloy na handang iangat ang kalusugan, kabuhayan, at edukasyon ng bawat Pilipino, saan mang panig ng bansa.

Mula sa aming puso, taus-pusong pasasalamat sa lahat ng naging ka-Juan at kaisa sa paglilingkod. Kayo ang patunay na minsan ay may Juan Pinoy na buong pusong naglingkod para sa bayan — lalo na sa puso ng kalakhang Maynila.

10/05/2025

Sa loob ng 90 na araw na pangangampanya ng Juan Pinoy, ating naipalaganap at naikampanya ang mga harangarin ng Juan Pinoy Party-list para sa pag-angat ng Kabuhayan, Kalusugan, at Edukasyon ng bawat Ordinaryong Mamamayang Pilipino.

Asahan ninyo na kami po ay maglilingkod ng higit pa sa inaasahan ng bawat mamamayang Pilipino. Kami po ang inyong magiging representasyon sa Kongreso na ilalaban at uunahin ang kapakanan at pangangailangan ng bawat Ordinaryong mamayan.

Ang amin pong hangarin ay paglingkuran kayo nang tapat at totoo.

Kaya darating na lunes ating iboto, ang Juan Pinoy Party-list #13 sa inyong mga balota! Para sa pag-angat ng Kabuhayan, Kalusugan at Edukasyon ng bawat Pilipino

Mula pa noong 2016, ang JUAN PINOY ay buong pusong naglilingkod ng higit pa sa inaasan ng bawat komunidad—isang simpleng...
10/05/2025

Mula pa noong 2016, ang JUAN PINOY ay buong pusong naglilingkod ng higit pa sa inaasan ng bawat komunidad—isang simpleng organisasyon na may dakilang hangaring tumugon sa pinakaimportanteng pangangailangan ng bawat Pilipino. Hindi man ito malaki, pero ang aming puso ay kasinglawak ng bansa. Sa bawat sulok ng barangay, sa bawat tahanang nangangailangan, naroon kami—nakikinig, umaalalay, at kumikilos. Mula sa mga proyektong pangkabuhayan na nagbibigay pag-asa, serbisyong pangkalusugan na nagsisilbing sandigan, hanggang sa hangaring pang-edukasyon na nagsusulong ng kinabukasan—patuloy naming pinipiling maglingkod, hindi dahil sa responsibilidad, kundi dahil sa tunay na malasakit sa bawat ordinaryong mamamayan.

Sa paglipas ng mga taon, naging bahagi kami ng kwento ng libu-libong Pilipino. At ngayon, handa na kaming dalhin ang kwentong ito—ang kwento ng sipag, sakripisyo, at pangarap—sa loob mismo ng Kongreso. Hindi para sa kapangyarihan, kundi para sa representasyon. Hindi para sa sarili, kundi para sa bayan.

Kaya't sa darating na halalan, samahan ninyo kaming ipaglaban ang JUAN PINOY PARTY-LIST—ang boses ng mga ordinaryong mamamayan. Itaas natin ang antas ng Kabuhayan, Kalusugan, at Edukasyon ng bawat Pilipino.

Piliin natin ang may napatunayang serbisyo. Piliin natin ang tunay na kakampi ng mga ordinaryong mamamayan. JUAN PINOY PARTY-LIST, #13 sa balota! Sama-sama tayong babangon, para sa mas maginhawang bukas.

Para sa kabuhayan, kalusugan, at edukasyon ng bawat Pilipino—JUAN PINOY ang kasama mo sa laban!

10/05/2025

DAY 89/90 - Grand Parade in Manila 💙❤️💛

10/05/2025

🌞 MAGANDANG ARAW MGA KA-JUAN!
Ako po si Kuya JC Javier, nominado mula sa JUAN PINOY PARTY-LIST #13 sa balota — ang Party-list ng bawat Pilipino! 🇵🇭

Mula sa isang simpleng pangarap sa Binondo, lumago ang aming layunin: magbigay ng SERBISYONG MAY PUSO sa bawat ordinaryong Pilipino — sa Kalusugan, Kabuhayan, at Edukasyon.

🩺 Medical missions
💊 Libreng gamot at kagamitan
🍲 Nutrisyon sa komunidad
📚 Tulong sa pag-aaral at kabuhayan

Mula Maynila hanggang sa iba't ibang sulok ng bansa, dala namin ang tunay na kalinga ng Juan Pinoy. Hindi lang kami basta Party-list — kami ang kinatawan ng bawat Pilipinong nangangailangan ng tunay na malasakit!

🗳️ Kaya ngayong halalan, piliin ang may track record sa serbisyo!

💙 JUAN PINOY PARTY-LIST
📌 #13 sa balota
✅ Para sa Kabuhayan, Kalusugan, at Edukasyon ng bawat Pilipino!




JUAN PINOY PARTYLIST NUMBER 13 sa BALOTA ASENSO MANILEÑO MITING DE AVANCE SASAMPALOC DISTRITO KUWATRO
10/05/2025

JUAN PINOY PARTYLIST NUMBER 13 sa BALOTA

ASENSO MANILEÑO MITING DE AVANCE SA
SAMPALOC DISTRITO KUWATRO

06/05/2025

💙🇵🇭 JUAN PINOY PARTY-LIST: ANG BOSES NG BAWAT ORDINARYONG MAMAMAYAN SA KONGRESO!🇵🇭💙

KABUHAYAN. KALUSUGAN. EDUKASYON. Iyan ang tatlong antas na itinataguyod ng JUAN PINOY PARTY-LIST!

🩺 REGULAR MEDICAL & DENTAL MISSIONS sa bawat siyudad – dahil deserve ng bawat Pilipino ang maayos at abot-kamay na serbisyong pangkalusugan!

🧺 PAGSUPORTA AT PAGPAPALAKAS SA MALILIIT NA NEGOSYANTE – hindi na mapag-iiwanan sa negosyo ang mga maninindang Pilipino!

🎓 SCHOLARSHIPS AT TULONG PINANSYAL PARA SA MGA ESTUDYANTE – dahil hindi hadlang ang kahirapan sa pag-abot ng pangarap!

👩‍🏫 PAGTAAS NG SAHOD AT LESS ADMIN WORKS PARA SA MGA G**O – para mas tutok sa pag-angat ng edukasyon!

Naglilingkod mula 2016, ang Juan Pinoy Party-list ay handa ng ipaglaban ang mga Ordinaryong Mamamayang Pilipino sa Kongreso!

IBOTO ANG JUAN PINOY PARTY-LIST – #13 SA BALOTA! PARA SA PAG-ANGAT NG KABUHAYAN, KALUSUGAN, AT EDUKASYON NG BAWAT PILIPINO! 💙❤️💛



05/05/2025

UGNAYAN | Delpan St, Tondo Manila

Kampanyang mula sa puso, serbisyong deretsong ramdam ng tao! 💛❤️💙

Muling bumisita ang Juan Pinoy Party-list sa Distrikto 1 para ipakilala ang Party-list na tunay na kakampi sa Kabuhayan, Kalusugan, at Edukasyon ng bawat Manileño!

Maraming salamat, Distrikto 1, sa inyong mainit na pagtanggap at tiwala — kayo ang inspirasyon ng aming laban sa Kongreso! 🙌✨

04/05/2025

DISTRICT I | House to House
Pavia, Tondo Manila 💙❤️💛

Kami po ay nagpapasalamat sa inyong mainit na pagtanggap PAVIA TONDO, DISTRICT I. Ramdam namin ang inyong walang sawang pagsuporta. Ipagpapatuloy namin ang aming adhikain na makapagbigay ng libreng serbisyo para sa inyo.

04/05/2025

Market Tour "JUAN TANONG" - Bustillos Sampaloc, Manila 💙❤️💛

04/05/2025

IEMELIF Convention - Hotel Supreme, Baguio City 💙❤️💛

Address

314 C. M. Recto Avenue, Binondo, Metro
Manila
1008

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Juan Pinoy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share