22/06/2026
⚠️‼️Pasintabi po. Sensitibong isyu.
Basahin ang buong pahayag ng Project Kumustahan hinggil sa insidente ng pamamaril na kinasangkutan ng mga menor de edad sa Tacloban City kanina. Binibigyang-diin ng Project Kumustahan na ang pagtugon sa mga insidenteng tulad nito ay dapat nakatuon sa kaligtasan, kapakanan, at paghilom ng mga biktima, kanilang mga pamilya, at ng komunidad na naapektuhan.
Hindi nakatutulong ang pagpapalaganap ng haka-haka, maling impormasyon, at sensasyonalismo tungkol sa isyu.
Nakikiramay at nakikidalhati ang Project Kumustahan sa mga pamilya ng biktima at sa mga nasaktan at nakaranas ng trauma sa malungkot na pangyayaring ito.