LFS FEU High School

LFS FEU High School League of Filipino Students – FEU High School
Mag-aral. Maglingkod. Mangahas na Makibaka! ✊
Patuloy na lalaban, patuloy na kikilos
Para sa kabataang Pilipino.

TINGNAN | Naging isa sa mga tagapagsalita sa State of the Youth Address (SOYA) 2026 si Vien Terrado, kinatawan ng Youth ...
30/07/2026

TINGNAN | Naging isa sa mga tagapagsalita sa State of the Youth Address (SOYA) 2026 si Vien Terrado, kinatawan ng Youth for Justice and Peace/League of Filipino Students – Far Eastern University, kung saan ibinahagi niya ang paninindigan ng organisasyon hinggil sa iba’t ibang suliraning kinakaharap ng kabataang Pilipino at ng sambayanan. Sa kanyang talumpati, nagbigay siya ng partikular na pagtuon sa usapin ng Pax Silica, binigyang-diin ang kahalagahan ng pangangalaga sa demokratikong espasyo, malayang pamamahayag, at mga pangunahing karapatan at kalayaan ng mamamayan. Muling iginiit na ang aktibong pakikilahok ng kabataan ay mahalaga sa pagsusulong ng pananagutan, demokrasya, at tunay na pagbabago.

BABY TAMS! TULOY ANG PAKIKIBAKA PARA SA PAMBANSANG DEMOKRASIYA!Nakiisa ang LFS FEU HS sa serye ng kilos-protesta nitong ...
03/05/2026

BABY TAMS! TULOY ANG PAKIKIBAKA PARA SA PAMBANSANG DEMOKRASIYA!

Nakiisa ang LFS FEU HS sa serye ng kilos-protesta nitong nakaraang linggo bilang paninindigan laban sa imperyalismo at pasismo.

Unang Mob: Noong Black Friday Protest, nakipagkaisa tayo sa mga kabataan ng ONE UBelt upang kundenahin ang agresyon ng US at magbigay-pugay sa mga biktima ng karahasan sa Negros.

Sinundan ito March for Peace, kung saan naki-martsa tayo mula US Embassy hanggang Rajah Sulayman bilang panawagan sa pagtigil ng pag-atake ng US sa Iran at sa patuloy na panghihimasok nito sa iba’t ibang bansa.

At nitong Mayo Uno, kasama ang uring manggagawa, iginiit natin ang makatao at nakabubuhay na sahod at kinundena ang imperyalismong nagpapalala sa kahirapan sa pamamagitan ng pagtaas ng presyo ng bilihin at langis.

Bitbit natin ang panawagan ng sambayanan—hustisya para sa mga biktima, pagtatanggol sa karapatang pantao, at pagkamit ng tunay na pambansang demokrasya.

TAMARAW PATULOY ANG LABAN, PATULOY ANG PAGSINGIL SA BAYOLENTENG IMPERYALISMO!

Ang mga litrato ay mula sa:
LFS FEU, FEU Advocate, Explained PH, Fiat Lux, Youth for Justice and Peace




Sumapi sa LFS FEU HS:

https://docs.google.com/forms/d/1iOBcy4CTx4d5wV9U8qaWXvGqxX6ITZbR0R3E3Epg8kE/edit?ts=69dfc1cb

KABATAANG TAMARAWS, MAKISAMA SA PANAWAGAN NG ANAKPAWIS! TUTULAN ANG REHIMENG US! PRESYO IBABA, SAHOD ITAAS!Mayo Uno na b...
30/04/2026

KABATAANG TAMARAWS, MAKISAMA SA PANAWAGAN NG ANAKPAWIS!
TUTULAN ANG REHIMENG US!
PRESYO IBABA, SAHOD ITAAS!

Mayo Uno na bukas! Samahan natin ang mga manggagawa sa kanilang panawagan ng nakakabuhay na sahod at mababang presyo ng mga bilihin.

Bilang kabataang tamaraw na susunod sa yapak ng magigiting na manggagawa, patuloy pa rin ang ating laban sa ₱1,200 na living wage para sa ating mga manggagawa!

Nasa kabataan ang tunay na lakas, at sasamahan natin ang iba't-ibang sektor ng industriyang manggagawa sa paniningil sa inutil na gobyerno

TAMARAWS UNITE, BATTLE FOR THE RIGHT!





Sumapi sa LFS FEU HS:

https://docs.google.com/forms/d/1iOBcy4CTx4d5wV9U8qaWXvGqxX6ITZbR0R3E3Epg8kE/edit?ts=69dfc1cb

Address

FEU High School
Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LFS FEU High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share