26/08/2026
Matagumpay na naigaod kahapon, ika-25 ng Agosto 2026, ang Educational Discussion ng ๐ฆ๐๐๐๐๐๐: ๐๐ฎ๐ฏ๐ถ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ธ๐ฑ๐ฎ, ๐๐๐บ๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ถ๐ธ๐ฎ. โ๏ธ
Mula sa mga natalakay kahapon, pinalalim pa nito ang kaalaman ng mga dumalo hinggil sa wikang Filipino at iba pang hanay ng etnolingguwistikong wika sa Pilipinas. Dagdag pa rito, ang pagsusog kung paano ito nagsisilbing lente at imbakan ng karunungang magpapalaya at magpapaunlad sa bansa.
Sa unang talakay, ipinaliwanag ni G. Nayles kung paano nasasabing nanganganib nang mamatay ang isang wika. Tinalakay niya ang sukatan o pamantayan kung paano namamatay ang isang wika. Panibagong kaalaman ito sa lahat ng dumalo na dumadaan sa sistematikong proseso ang pagsusuri ng kalagayan ng mga wika sa Pilipinas. Bukod pa rito, ipinakita niya rin kung paano pinapahalagahan at pinipreserba ng mga ibaโt ibang pangkat etniko ang kanilang wika. Sa diwang ito, pinapanatili nitong buhay ang wika at sinisiguradong maipapasa pa sa susunod na henerasyon. Isa itong pamamaraan upang hindi lamang mapanatiling buhay ang wika, bagkus upang mapanatili ang kultura at mga karunungan ng mga taong nagsasalita nito.
Sa pangalawang talakay naman, ipinaliwanag ni Dr. San Juan ang mga kasalukuyang nangyayari sa wikang Filipino sa mga paaralan sa bansa. Ipinakita niya sa kaniyang diskusyon na umuugat ito sa neoliberalismo sa bansaโkung saan halos lahat ay paunti-unting kinakabitan ng kapitalismo at nagpapalago ng makasariling interes ng mga naghaharing uri.
Kapag tuluyang nilulusaw, pinapalabnaw, at pinapatay ng mga naghaharing uri ang mga wika sa bansa, binabansot din nito ang kamalayan at kritikal na pag-iisip ng mga Pilipino. Kaya ganoon na lamang ang kagustuhan ng Commission on Higher Education na alisin ang mga kursong Panitikan, Filipino, Kasaysayan, at iba pang asignaturang nagtuturo ng pagiging makatao, nagbubukas ng isipan sa realidad ng bansa, at higit sa lahat ang pagiging makabayan at makamasang oryentasyon.
Iminungkahi niya rin na hindi dapat natatapos ang mga natutuhan mula sa naganap na ED. Nararapat na maibahagi ito sa mga komunidad upang mamulat sa kalagayan ng bansa at ang kahalagahan ng ating wika sa pagsusulong ng karapatan, espasyo, at higit sa lahatโang pagtatamo ng makabayan, makamasa, makatao, at siyentipikong edukasyon.
Pinakahuli, bago tuluyang matapos ang programa, matagumpay ding naisagawa ang eleksyon para sa taong panuruan 2026-2027.
Bitbit pauwi ng bawat isa ang mga karunungang nagpamulat, magpapakilos, magsusulong, at magpapalaya sa bansa.
Reject RGECC!
CHED Reframed GE, Ibasura!
Ang wika at bayan, Ipaglaban!