11/09/2025
🎉🎊 SALAMAT SA DIYOS! 🙏🙌🎶
Mula sa kaibuturan ng aming puso, isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng pagkakalimbag ng Unang Aklat ng Mga Awiting Pansamba na ginawaran ng pagkilala ng 19th Cardinal Sin Catholic Book Awards bilang "Best Book in Liturgy"
Sa Word and Life Publications, lalung-lalo na kina Fr. Drans Nolasco, SDB at Fr. Joel Camaya, SDB sa pagpapahalaga sa musika ng Simbahan at sa pagsuporta sa paglalathala ng Aklat ng mga Awitin. Pasasalamat din sa masisipag na mga kawani ng Word and Life Publications.
Sa pamunuan ng Don Bosco Press, lalu't higit kina Rev. Fr. Donnie Duchin Duya, SDB at Bb. Venus Ildesca, sa masusing pagsusuri sa Aklat ng mga Awitin.
Sa StudioNext24 at kay April Jerome Quinto, sa inyong pagkamalikhain sa disenyo ng pabalat, pag-aayos ng nilalaman, at pagbibigay-buhay sa ating mga materyales sa social media.
Sa ating mga tagapagtaguyod na nagbigay ng kanilang rekomendasyon at inspirasyon:
✨ Dr. Josefina Manabat, EdD, SLD
✨ Lub. Kgg. Julius Tonel, SLL
✨ Rdo. Mons. Andres Valera, HP, SLL
✨ Sr. Cora Inmaculada Israel, MAL, LMS
✨ Rdo. Padre Victor Emmanuel Quintos, MAL
✨ Rdo. Padre Amadeo Alveyra, OFS
✨ Rdo. Padre Antonio Eleazar Bermejo, SLD
Kina Lub. Kgg. Marcelino Antonio Maralit, D.D. at Rdo. Padre Eugene Fadul Adefuin sa pagsusuri at sa kapahintulutang mailimbag ang Aklat ng mga Awitin at kay Rdo. Padre Edsel Ivan Ramos, Tagapamuno ng Komisyon ng Liturhiya ng Diyosesis ng San Pablo.
Gayundin, sa lahat ng mga musiko, koro at mga mang-aawit na tumangkilik sa aklat at patuloy na nagsusumikap na Awitin ang Liturhiya sa pamamagitan ng mga Awiting Pansamba! 🙌🙏🎶
Patuloy po nating ipagdiwang at pagyamanin ang musika ng ating Simbahan upang sa lahat ng bagay, ang Diyos ay mapapurihan!
Mabuhay ang mga lingkod ng Liturhiya! Mabuhay ang mga Umaawit ng Liturhiya!
Mabuhay ang Wikang Tagalog sa Liturhiya!