08/08/2026
Ilan sa mga litratong ito ay kuha noong mga panahon ng pagsusumikap upang makamit ang ipinaglalaban ng Bangsamoro—ang pagkilala sa ating mga karapatan, dignidad, at hangarin para sa kapayapaan at makatarungang kinabukasan. 🤲☝️
Kahit batid natin na maliit lamang ang ating kakayahan at ambag, nagsikap pa rin tayong makiisa at maging bahagi ng pagsusulong ng mga adhikaing pinaniniwalaan nating makabubuti para sa ating mga kababayan.
Ang mga larawang ito ay nagsisilbing alaala ng isang mahalagang yugto ng ating kasaysayan—panahon ng sakripisyo, pagsisikap, at paninindigan.
Nawa’y patuloy nating mapanatili ang pagkakaisa, respeto, at paggalang sa isa’t isa, kahit magkakaiba man tayo ng paniniwala, pananaw, o pamamaraan. Sapagkat ang pagkakaiba ay hindi dapat maging hadlang upang tayo ay magkaisa para sa kapayapaan, kaunlaran, at kapakanan ng sambayanang Bangsamoro.
At kung anuman ang mabuting marating ng Bangsamoro sa hinaharap, nawa’y malaman ng ating mga anak na minsan, sa ating sariling maliit na paraan, ay nakiisa rin tayo at naging bahagi ng pagsusulong ng ipinaglalaban ng BANGSAMORO 🤲☝️
Maaaring maliit ang ating ambag, ngunit ang pagkakaisa at paninindigan ay bahagi ng kasaysayang maipagmamalaki ng ating mga Anak na tayo ay Kaisa sa Ipinaglalaban ng Bangsamoro 🤲🏻☝️