31/08/2026
Sa araw na ito ating bigyan ng pagpupugay ang mga Bayani na walang-humpay na pinaglaban ang kinabukasan ng Pilipinas.
Bigyan natin ng panahon at oras kilalanin ang mga indibidwal na hindi pinagkait ang kalayaan na ating hinahangad. Ang mga taong nagsumikap ipaglaban ang karapatan ng bawa't mamamayang Pilipino sa kanilang lupa.
Sa pagpapatuloy ng ating pagdiriwang, nawa'y magsilbi ang araw na ito bilang inspirasyon ipagpatuloy ipaglaban at mahalin ang ating bansa, para sa kinabukasan ng bawa't mamamayang Pilipino.
𝐌𝐮𝐥𝐢, 𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐛𝐚𝐧𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢. 🇵🇭
Kapsyon ni: Sofia Lorriss E. Martinez | Tumatayong Tagapag-Ingat Yaman
Disenyo ni: Sofia Simone Gamueda | Tumatayong Punong Malikhain