22/07/2026
๐ฆ
Service Through Brotherhood, Compassion, and Community ๐ฆ
Isang taos-pusong pasasalamat sa pagkakataong makapaglingkod sa ating mga Persons with Disabilities (PWDs) sa City of San Juan Government Center sa pamamagitan ng simpleng pamamahagi ng pagkain at pagmamahal.
Bilang mga miyembro ng The Fraternal Order of Eagles โ Matikas de Sampaloc Royale Eagles Club, patuloy naming isinasabuhay ang aming paninindigan na maglingkod sa komunidad at maging instrumento ng pag-asa at malasakit sa ating kapwa.
Lubos din ang aming pasasalamat kay Mayor Francis Zamora at sa Pamahalaang Lungsod ng San Juan sa pagbibigay ng pagkakataon na maging bahagi ng makabuluhang programang ito para sa ating mga PWD. Maraming salamat po sa inyong suporta at sa patuloy ninyong pagmamalasakit sa ating komunidad.
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa lahat ng aming mga Kuya at Ate, na nagbahagi ng kanilang oras, pagod, at kabutihang-loob. Dahil sa ating pagtutulungan, naging matagumpay ang gawaing ito at mas marami tayong napasaya.
Ang tunay na lakas ay hindi nasusukat sa ating tinatanggap, kundi sa ating naibabahagi.
Together, we soar higher by serving others. ๐ฆ
โค๏ธ