30/08/2026
Happy Araw ng mga Bayani! 🇵🇭
Congratulations po sa mga napili natin na comments bilang sagot sa ating tanong:
"Ano ang halaga ng ating Sagradong Boto?"
May 3 rin po tayong entries para sa gumawa ng poster bilang sagot.
Paki-personal message na lang po ang inyong GCASH # para po mapadala ang inyong prizes.
Ito po ay bilang paggunita sa kahalagahan ng ating Sagradong Boto na binuwis ng buhay ng ating mga bayani para ito ay ating makamit.
Maraming salamat po sa inyong participation.🙏
3 Poster winners: P300 prize each
1. Cassandra Gomez
2. Wheng Cruz
3. Gretchen Barboza
11 Best Answers:
Comments: P100 GCash
1. Lisa Suan
Our vote is sacred because it is our voice, our choice, and our responsibility. We must never sell it, trade it, or waste it.
2. Marco Aquino Gonzales
Ang ating sagradong boto ay hindi lang simpleng marka sa balota ito ay boses, karapatan, at pananagutan sa kinabukasan ng ating bayan. Kaya dapat itong gamitin nang tama, malaya, at may puso para sa kapakanan ng nakararami.
3. Antonio Gonzales
Ang ating sagradong boto ay hindi nabibili at hindi dapat ipinagpapalit sa pansamantalang kapakinabangan. Ito ang ating kapangyarihang pumili ng mga lider na maglilingkod nang tapat at huhubog sa kinabukasang mamanahin ng susunod na henerasyon.
4. Janette Montalba
Panaligan
Mahalaga ang aking BOTO dahil ito ang aking BOSES. Pantay-pantay tayo bilang Pilipino sa araw ng halalan. Ito ay isang SAGRADONG REGALO ng Diyos para tayo ay mamuhay na MALAYANG BAYAN na kanyang kalooban rin para sa bawat mamamayan!
DUGO at BUHAY ng ating mga bayani ang inalay para sa ating KALAYAAN!
Wag po natin ito ipagpalit sa illang libo tuwing halalan.
5. Jessa Bustarde
ANG BOTO KO AY AKING BOSES PARA SA KINABUKASAN ISANG MALIIT NA MARKA
SA BALOTA NGUNIT MAY MALAKING EPEKTO SA BUONG BAYAN. KAYA IINGATAN KO ITO, GAGAMITIN NANG TAMA, AT HINDI IPAGPAPALIT SA ANUMANG HALAGA.
6. AimChell Chell
Mahalaga ang aking boto para sa nararapat maglingkod sa ating bansa. Kapalit ng aking boto ang tiwala sa mamumuno sa ating bansa hindi para sa pansarili kundi para sa kinabukasan ng ating mga anak. Taos pusong paglilingkod sa bansa mahal ang kapwa Pilipino kayang ipagtanggol ang kapwa iaahon sa hirap ang mga kababyan di gagamit ng salapi ng bayan maglilingkod ng tapat.
7. Lyn Togado
Mahalin ang Pilipinas ng BUONG PUSO na may katapatan, may dignidad upang ang kalayaan ay matamo ang hustisya ng Inang Bayan. BOTO KO PARA SA BAYAN KO !!
8. Amelia Duanpen
Ang boto ko ay para sa bayan kong Pilipinas. Hindi pwedeng bilhin ng kahit magkano pa at kahit nino man.
9. Summiyah Khan
Bilang isang estudyante at mamamayan ng Pilipinas, naniniwala ako na mahalaga ang maging tiyak sa ating pagboto, dahil tayo mismo ang pinagmumulan ng ating lakas, at alam natin kung ano ang tama at mabuti para sa ating bansa.
10. Marina Conde
Mahalaga ang aking boto para malaman nila ang nilalaman ng puso ko
Mabuhay ang mga makabagong bayani na nagmamahal sa ating bayan! 🫡🇵🇭❤️
In celebration of Araw ng mga Bayani sa August 31, 2026,
may Q&A prizes po tayo ipamigay.
Sagutin lang po ang tanong:
"ANO ANG HALAGA ANG ATING SAGRADONG BOTO?"
Answer in 2 ways:
1. As comment to this post.
-Pipili po ang admin ng 20 best answers.
-Prize: P100 GCash load each chosen as best answer.
2. Make a poster with your name, picture & answer (1-3 sentences).
Pwede po ninyo ilagay ang inyong province o group/position kung meron kayo.
-Pipili po ng 5 best posters.
-Prize: P300 each
*Criteria for posters:
50% - Relevance of the Message
20% - Originality
20% - Impact
10% - Design Quality
Deadline of Entries: August 30, 2026(Sunday) @ 6pm PH time.
Pwede po mag send ng unlimited comments/ entries.
Pero isang beses lang mananalo per person.
Thank you for your participation.
Share. Invite your contacts to follow PACE-PH page.
In doing so, you are supporting our advocacy for clean elections.
You are making a contribution & difference to nation building.
Mabuhay at saludo sa ating mga makabagong bayani ng ating panahon! Ikaw na yon, wala nang iba!😃
Ang ating Inang Bayan ay umaasa sa ating pagkilos. 🇵🇭❤️👍