03/10/2026
taos puso pong pasasalamat congressman Ernix Dionisio❤️❤️❤️
ISANG TAOS-PUSONG PASASALAMAT
Sa ngalan ng 62 Chapters ng Distrito Uno, Tondo, Manila, kami ay nagpapaabot ng aming pinakadalisay at walang hanggang pasasalamat sa ating minamahal at kagalang-galang na Bro. Hon. Ernesto "Ernix" Dionisio Jr.
Maraming salamat po, Bro. Ernix, sa inyong walang sawang pagbibigay ng tulong, malasakit, at suporta. Dahil sa inyong bukas-palad na paggabay at tulong pinansyal para sa 62 chapters ng ating distrito, upang maging matagumpay, masaya, at maging makasaysayan ang pagdiriwang ng ika-58 Anibersaryo ng ating mahal na kapatiran, ang Tau Gamma Phi! Ang inyong pagmamahal sa komunidad at sa ating organisasyon ay patunay ng isang tunay at tapat na lider.
Gusto rin po naming magpaabot ng aming espesyal at taos-pusong pasasalamat sa ating mahal na Tau Gamma Phi - Vice Chairman for Community Based Chapter, walang iba kundi si Bro. Efren "Zhyto" Lopez Jr.
Maraming salamat, Bro. Zhyto, sa iyong dedikasyon, pagsisikap, at pagiging pangunahing daan upang tuluyang maabot at mabigyan ng pondo ang bawat chapter dito sa Tondo, Distrito Uno. Ang iyong patuloy na pag-alalay at pagiging tulay sa mga tulong na ito ay patunay ng iyong matibay na paninindigan at pagmamahal sa ating mga kapatid.
Nawa'y pagpalain pa kayo ng Maykapal ng masaganang kalusugan, lakas ng katawan, at patuloy na tagumpay sa inyong mga adhikain at paglilingkod. Muli, mula sa kaibuturan ng aming mga puso, MARAMING SALAMAT PO SA INYONG DALAGA AT SUPORTA!
Mabuhay ang Tau Gamma Phi! Mabuhay ang Triskelion De Tondo ng Distrito Uno!