12/06/2026
๐ช๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ฟ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ด๐ฎ๐ต๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป
Ang bandila ng Pilipinas ay iwinawagayway sa bawat sulok ng bansa. Sa kabila nito, hindi humilom ang sugat ng kahirapan, kasakiman, at katiwalian.
Ngayong araw, ika-12 ng Hunyo, ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng Kasarinlan. Sa kabila nito, marami pa rin ang nagbubulag-bulagan at patuloy na nakikiisa sa mga sistemang lantad ang kasakiman.
Sa institusyong dapat tayo ang pinoprotektahan, tila sariling kagustuhan ang ipinaglalaban. Ang senadong binabalot ngayon ng pagtuligsa ng mata ng masa ay tila isang sirko na ginagawang manonood ang mga mamamayang Pilipino.
Mula sa pagpasok ni Senator Bato Dela Rosa sa Senado matapos ang anim na buwang hindi pagpasok upang maisakatuparan ang pamumuno ni Alan Peter Cayetano, sa mga sigawan at iyakan, at sa pagpasa ng "Anti-Political Dynasty Bill" na puno ng butas at mas nagbibigay panig sa mga dinastiyang politikal.
Patunay ang lahat ng ito na nananalaytay pa rin ang kawalan ng kalayaan ng ating inang bayan. Tayo'y patuloy na pinaglalaruan, nililimitahan, at pinagsasamantalahan. Kaya dapat tayong maliwanagan na ang kasarinlan ay hindi lamang ginugunita para matandaan, ngunit ito'y isang paalala na dapat tayong manindigan katulad ng ating mga bayani, dahil ang kalayaan na ninanais ay patuloy nating ipinaglalaban.