08/02/2022
TULONG PARA KAY ROY
Muli kaming kumakatok sa inyong puso, at humihingi ng kaunting tulong para sa pasyente na si Roy Porras, 32 taong gulang.
Siya po ay naaksidente sa daan at bumangga sa isang truck, at nakararanas ng matinding trauma at pagdurugo ng tiyan. Kinailangan niyang ma-admit at sumailalim sa maraming operasyon. Dahil sa dami ng operasyon at mga gamot na kanyang kinailangan ay naubusan na sila ng pagkukunan ng pera upang maipagpatuloy ang pagpapagamot.
Ngayon ay kinakailangan niya muling sumailalim sa isang operasyon na nangangailangan ng malaking halaga. ano man pong halaga ay tatanawin naming utang na loob, malaki po itong tulong.
Taos puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga nagpaabot ng kanilang tulong at panalangin. para sa inyong mga donasyon maaari po kayong magpadala sa G-Cash account na nakalagay sa ibaba o makipag ugnayan kay Mrs. Jerona Porras.
Maraming Salamat po!