05/09/2025
Noong nakaraang Lunes, Agosto 18, isinagawa ang symposium sa SHS Gymnasium para sa Buwan ng Wika kung saan tinalakay ng mahuhusay na g**o at manunulat ang ilan sa mga hiwaga ng ating wika. ๐ก
Ibinahagi ni Prop. Jose Mario De Vega; isang pilosopo, mananaysay, manunulat, at propesor mula sa Unibersidad ng Pilipinas ang binigyang-diin niya na pinipilit ng ibang lahing tayo'y sumunod sa halip na sariling atin, samantalang ang ibang mga bansa ay nabibigyan ng pagkakataong umunlad gamit ang sarili nilang wika. Isinasaad niya na ang paraan ng kanilang pagsukat sa ating talino ay hindi patas kailanman, at na minamaliit ng sistema ang ating abilidad at pag-iisip. Iginigiit niya na kung gusto nilang makita ang tunay na galing ng Pilipino, kakailanganin nating isulong ang paggamit ng sarili nating wika sa mga pang-akademikong gawain.
"Natatakot silang tumalino ka dahil ang wika mo ay mapagpalayaโmalikhain" saad ni G. Jayson Cruz, kung saan sinasabi niya na ang ating wika ay higit pa sa kung ano ang ipinapalagay noon ng mga mananakop. Higit pa sa wikang kanilang hinamak at pilit na inagaw sa atin. Binibigyang-diin niya na ang ating wika ay mapagmahal at inklusibo, at hindi ito kumikilala ng hangganan pagdating sa identidad o pagpapahayag ng kasarian. Hindi ito nakalilimit, bagkus itoโy malaya at mapagpahayag. Upang ipakita ang halaga ng mga ito, nagbahagi siya ng mga piyesang pampanitikan na nagpapakita ng kayamanan ng wikang Pilipino at ang kulturang mayroon tayo bago pa man dumating ang mga dayuhan. Nagpakitang-gilas naman ang mga SPA Malikhaing Pagsulat sa pamamagitan ng sabayang pagbigkas na nagpapakita ng hinagpis ng bayang ninakawan.
Matapos magsalita ang dalawang tagapanayam, nagsimula ang bukas na talakayan kung saan ang dalawang g**o na sina Bb. Aira Francheska G. Allera at G. Hector James M. Orpilla ay nagbahagi ng kanilang mga natutuhan mula sa ibinahagi ng mga tagapagsalita, at ang kanilang kuro-kuro.
Ang symposium na ito ay isang matagumpay na panayam upang palawakin at buksan ang isipan ng mga mag-aaral ng Mataas Na Paaralang Neptali A. Gonzales na magsisilbing unang hakbang sa pagpapalaya ng kamalayan ng akademya ng bayan.
Kami'y taos-pusong nagpapasalamat sa oras na ibinigay ng mga tagapanayam na sina Prop. Jose Mario De Vega at G. Jayson A. Cruz para sa pagbabahagi ng malaman na talakayan, sa ating Principal IโG. Pompio Floro, sa kaniyang walang humpay na suporta, sa ating ASTP-OLS at Puno ng Kagawaran III sa Araling PanlipunanโBb. Rosalie V. Sor at sa ating Puno ng Kagawaran sa FilipinoโGng. Adelaida R. Guloy, na gumabay sa daloy ng programa at sa kanilang suporta, sa Kagawaran ng Filipino sa kanilang pag-oorganisa ng makabuluhang programa, sa SPA Malikhain Pagsulat sa pagbabahagi ng napakahusay na talento, at sa mga presidente ng mga silid at klab na nagbigay-buhay sa programa. Hindi maisasagawa ang programang ito kung hindi sa inyo, kaya muli, kami ay buong pusong nagpapasalamat. ๐งก๐ค
Manatili sanang buhay ang makulay at makasaysayang dugo ng mga Pilipino, at patuloy pa sana itong dumaloy sa inyong dugoโmaging sa susunod na mga henerasyon. Sama-sama nating iangat ang bandila at maingat na dalhin sa kinabukasang mapagpalaya. ๐ต๐ญ
๐ธ: Gng. Adelaida R. Guloy, Puno ng Kagawaran sa Filipino
โ๏ธ&๐ฉโ๐ป: Benice Griezel Saludes, Opisyal ng Pampublikong Impormasyon