RTU Commission on Environmental Activities

RTU Commission on Environmental Activities This is the Official page of the Rizal Technological University - Commission on Environmental Activities (CENAC).

๐—ฆ๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐˜† ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ถ๐—ป. ๐ŸŒ„Sa araw na ito, ating kinikilala at pinasasalamatan ang mga opisyal ng ...
03/08/2026

๐—ฆ๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐˜† ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ถ๐—ป. ๐ŸŒ„

Sa araw na ito, ating kinikilala at pinasasalamatan ang mga opisyal ng ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ป ๐—˜๐—ป๐˜ƒ๐—ถ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐—”๐—ฐ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฒ๐˜€ na naglaan ng kanilang oras, kakayahan, at puso sa pagsusulong ng kamalayang pangkalikasan at makabuluhang pagkilos para sa ating komunidad.

Bagama't nagtatapos na ang kanilang panunungkulan, ang mga aral, adhikain, at paninindigang kanilang iniwan ay mananatiling bahagi ng ating patuloy na pagkilos para sa kalikasan. Nawa'y magsilbi itong paalala na ang tunay na paglilingkod ay hindi natatapos sa isang posisyon o termino, kundi nagpapatuloy sa bawat pagkakataong pinipili nating makialam, makilahok, at manindigan para sa mga isyung mahalaga sa ating lipunan.

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa mga mag-aaral na nagtiwala, nakiisa, at sumuporta sa mga kampanya at adbokasiyang aming isinulong. Ang bawat pakikilahok, pagbabahagi, at pakikiisa ay nagpapatunay na higit na nagiging makabuluhan ang ating mga layunin kapag ito ay sama-samang isinusulong.

Habang nagtatapos ang isang yugto, nananatili ang ating responsibilidad sa kalikasan at sa isa't isa. Nawa'y magsilbing simula ang pagtatapos na ito upang higit pang palakasin ang ating kamalayan, pakikilahok, at pagkilos para sa mga adhikaing higit sa ating mga sarili.

๐—ก๐—ฎ๐˜„๐—ฎ'๐˜† ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป, ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฝ๐˜‚๐˜€๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜, ๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐˜‚๐—บ๐—ถ๐—น๐—ผ๐˜€ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—น๐˜‚๐—ป๐˜๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป.

๐—ฆ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—ผ๐—ป, ๐˜๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฏ๐—ผ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฎ. ๐Ÿƒ





๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ'๐˜†๐—ผ ๐—ท๐˜‚๐—น๐—ถ๐˜‚๐˜€! Our Gina Lopez ng CENAC.
03/08/2026

๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ'๐˜†๐—ผ ๐—ท๐˜‚๐—น๐—ถ๐˜‚๐˜€! Our Gina Lopez ng CENAC.

๐—›๐—ผ๐—ป๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—š๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐˜‚๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—ผ๐—ณ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ป ๐—˜๐—ป๐˜ƒ๐—ถ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐—”๐—ฐ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐˜€ ๐—–๐—น๐—ฎ๐˜€๐˜€ ๐—ผ๐—ณ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ! ๐ŸŽ“โœจToday, we proudly celebrate t...
01/08/2026

๐—›๐—ผ๐—ป๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—š๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐˜‚๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—ผ๐—ณ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ป ๐—˜๐—ป๐˜ƒ๐—ถ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐—”๐—ฐ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐˜€ ๐—–๐—น๐—ฎ๐˜€๐˜€ ๐—ผ๐—ณ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ! ๐ŸŽ“โœจ

Today, we proudly celebrate the ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐˜‚๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜€๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—น๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ of the ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ป ๐—˜๐—ป๐˜ƒ๐—ถ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐—”๐—ฐ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฒ๐˜€ (๐—–๐—˜๐—ก๐—”๐—–). Through your dedication, passion, and unwavering commitment, you have advanced environmental stewardship, championed sustainable initiatives, and inspired the Rizaliano community to become responsible stewards of our planet. Your service has not only strengthened the Commission but has also contributed to building a more environmentally conscious university.

As you begin a new chapter beyond the University, may you continue to lead with integrity, serve with purpose, and uphold the values of sustainability wherever your journey takes you. ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€, ๐—–๐—น๐—ฎ๐˜€๐˜€ ๐—ผ๐—ณ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ!

Your CENAC family is proud of the legacy you leave behind and wishes you continued success as you help shape a sustainable and greener tomorrow. ๐ŸŒฑ



๐—œ๐—–๐—ฌ๐— ๐—œ | ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฐ๐—ผ๐—ด๐—ป๐—ถ๐˜‡๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—–๐—˜๐—ก๐—”๐—– ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฅ๐—ถ๐˜‡๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒLast ๐—๐˜‚๐—น๐˜† ๐Ÿฎ๐Ÿณ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, during ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฅ๐—ถ๐˜‡๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, the...
31/07/2026

๐—œ๐—–๐—ฌ๐— ๐—œ | ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฐ๐—ผ๐—ด๐—ป๐—ถ๐˜‡๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—–๐—˜๐—ก๐—”๐—– ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฅ๐—ถ๐˜‡๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Last ๐—๐˜‚๐—น๐˜† ๐Ÿฎ๐Ÿณ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, during ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฅ๐—ถ๐˜‡๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, the officers of the ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ป ๐—˜๐—ป๐˜ƒ๐—ถ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐—”๐—ฐ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฒ๐˜€ (๐—–๐—˜๐—ก๐—”๐—–) were awarded Certificates of Recognition at the 5th Floor, Plenary Hall, Estolas Building, in honor of their unwavering commitment, dedicated service, and valuable contributions to the Commission.

This recognition reflects the passion and hard work of every officer who has continuously championed environmental sustainability and servant leadership throughout their term.

Congratulations to all our recognized CENAC Officers! May this milestone inspire you to continue creating meaningful change for the environment and the community.

๐—ง๐—ผ๐—ด๐—ฒ๐˜๐—ต๐—ฒ๐—ฟ, ๐˜„๐—ฒ ๐—น๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ. ๐—ง๐—ผ๐—ด๐—ฒ๐˜๐—ต๐—ฒ๐—ฟ, ๐˜„๐—ฒ ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ฐ๐˜. ๐—ง๐—ผ๐—ด๐—ฒ๐˜๐—ต๐—ฒ๐—ฟ, ๐˜„๐—ฒ ๐—ฏ๐˜‚๐—ถ๐—น๐—ฑ ๐—ฎ ๐˜€๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐—น๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ด๐—ฟ๐—ฒ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ ๐˜๐—ผ๐—บ๐—ผ๐—ฟ๐—ฟ๐—ผ๐˜„. ๐ŸŒฟ



26/07/2026

This International Day for the Conservation of the Mangrove Ecosystem, we celebrate the ecosystems that help protect our coasts, support our fisheries, and strengthen coastal communities. ๐Ÿ’š

Mangroves play a vital role in reducing wave energy, preventing coastal erosion, providing habitat for marine life, and sustaining the livelihoods of millions of Filipinos.

Across the country, local governments, coastal communities, fisherfolk, researchers, and community volunteers continue to protect and restore mangrove forests because healthy mangroves mean healthier coasts and more resilient communities.

This year's observance also comes as legislative efforts continue to advance stronger mangrove protection in the Philippines, recognizing their role in climate resilience, biodiversity conservation, and sustainable coastal development.

Let's continue supporting the communities, local governments, researchers, and partners working to protect and restore mangrove forests because investing in healthy mangroves is an investment in safer coastlines, sustainable livelihoods, and more resilient communities.

๐—ฃ๐—ฎ๐˜… ๐—ฆ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ: ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐˜‚๐—บ๐˜‚๐—ต๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ปHabang ipinakikilala ng pamahalaan ang Pax Silica bilang su...
20/07/2026

๐—ฃ๐—ฎ๐˜… ๐—ฆ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ: ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐˜‚๐—บ๐˜‚๐—ต๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป

Habang ipinakikilala ng pamahalaan ang Pax Silica bilang susi sa pagpasok ng Pilipinas sa pandaigdigang industriya ng artificial intelligence, semiconductors, at advanced manufacturing, isang mahalagang tanong ang hindi dapat malunod sa mga pangako ng pamumuhunan at trabaho:

๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด, ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ?

Ang kasaysayan ng ating bansa ay paulit-ulit nang nagpapatunay na hindi lahat ng proyektong ipinangakong magdadala ng kaunlaran ay naging makatarungan para sa mamamayan at sa kalikasan. Madalas, ang kapalit nito ay pagkalbo ng kabundukan, pagkasira ng mga watershed, pagdumi ng mga ilog, pagkawala ng kabuhayan, at pagtaboy sa mga komunidad na matagal nang naninirahan sa kanilang lupang ninuno.

Sa usapin ng Pax Silica, hindi maaaring balewalain ang mga seryosong pangambang inilalabas ng mga environmental group, mga siyentipiko, at mga kinatawan ng mga komunidad hinggil sa posibleng epekto nito sa ating likas na yaman. Ang malawakang pagmimina ng mahahalagang mineral, napakalaking pangangailangan sa tubig at enerhiya ng semiconductor at AI industries, at paglikha ng mapanganib na industrial waste ay hindi simpleng usaping teknikal. Ito ay usapin ng kaligtasan ng ating ekosistema at ng kinabukasan ng susunod na mga salinlahi.

Hindi sapat ang pangakong "daan-daang libong trabaho" kung ang kabayaran naman ay pagkasira ng ating kagubatan, kabundukan, at mga pinagkukunan ng tubig. Hindi sapat ang bilyong dolyar na pamumuhunan kung ang mga komunidad na direktang maaapektuhan ay hindi tunay na nabibigyan ng pagkakataong makilahok sa pagpapasya tungkol sa kanilang lupa, kabuhayan, at kinabukasan.

Bilang isang organisasyong nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan, naninindigan ang ๐—ฅ๐—ง๐—จ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ป ๐—˜๐—ป๐˜ƒ๐—ถ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐—”๐—ฐ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฒ๐˜€ na ang likas na yaman ng Pilipinas ay hindi dapat ituring na simpleng hilaw na materyales para sa pandaigdigang kompetisyon sa teknolohiya. Ang ating mga mineral, kagubatan, at biodiversity ay pambansang yaman na dapat gamitin nang responsable, may pananagutan, at higit sa lahat, para sa kapakinabangan ng sambayanang Pilipino.
Hindi kami laban sa siyensya. Hindi kami laban sa teknolohiya. At hindi kami laban sa pag-unlad.

Ngunit mariin kaming naninindigan na ang anumang pag-unlad ay dapat nakabatay sa environmental justice, transparency, siyentipikong ebidensya, at tunay na pakikilahok ng mamamayan. Walang proyektong dapat maisakatuparan kung ang kapalit nito ay pagkasira ng kalikasan, paglabag sa karapatan ng mga komunidad, at pagsasaisantabi sa pambansang interes.

Nanawagan kami sa pamahalaan na tiyakin ang ganap na transparency sa lahat ng kasunduan kaugnay ng Pax Silica, magsagawa ng independiyente at komprehensibong environmental impact assessment, igalang ang karapatan ng mga katutubo at iba pang maaapektuhang sektor sa malaya at may sapat na kaalamang konsultasyon, at tiyaking ang bawat hakbang ng proyekto ay inuuna ang kapakanan ng kalikasan at ng sambayanang Pilipino.

Hindi kailanman magiging tunay na pag-unlad ang kaunlarang itinayo sa wasak na kabundukan, maruming ilog, at mga komunidad na napag-iwanan.
Kung ang presyo ng pag-unlad ay ang unti-unting pagkawala ng ating likas na yaman, hindi ito tagumpay, ito ay isang kabiguang ipagtanggol ang kinabukasan ng Pilipinas.






๐—ฅ๐—˜๐—™๐—˜๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—–๐—˜๐—ฆ:

Beltran, S., & Beltran, S. (2026, July 17). Philippinesโ€™ Pax Silica AI hub plan slammed for mineral โ€˜plunder.โ€™ South China Morning Post. https://www.scmp.com/week-asia/economics/article/3360932/philippines-pax-silica-ai-hub-plan-slammed-mineral-plunder?module=perpetual_scroll_0&pgtype=article

CEDTyClea. (2026, July 15). PHL, US finalize draft for Pax Silica AI hub framework. BusinessWorld Online. https://bworldonline.com/corporate/2026/07/16/763745/phl-us-finalize-draft-for-pax-silica-ai-hub-framework/

Cordero, T. (2026, July 10). US puts PH Pax Silica AI project atop economic priorities โ€” Go. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/money/economy/994435/us-puts-ph-pax-silica-ai-project-atop-economic-priorities-go/story/

Manila Bulletin Newsroom. (2026, July 14). Pax Silica and the Luzon Economic Corridor: Reaping benefits of PH-US-Japan partnership. Manila Bulletin. https://mb.com.ph/2026/07/14/pax-silica-and-the-luzon-economic-corridor-reaping-benefits-of-ph-us-japan-partnership

Musรฑgi, R. (2026, July 16). Pax Silica: Why BCDA wants New Clark City to be PH Silicon Valley | ABS-CBN News. ABS-CBN. https://www.abs-cbn.com/news/business/2026/7/17/pax-silica-why-bcda-wants-new-clark-city-to-be-ph-silicon-valley-0735

Pax Silica - United States Department of State. (2026, June 26). United States Department of State. https://www.state.gov/pax-silica
Poland, U. M., & Poland, U. M. (2026, June 29). Outcomes of the second PAx Silica Summit. U.S. Embassy in Poland. https://pl.usembassy.gov/outcomes-of-the-second-pax-silica-summit/

Times, G. (n.d.). Pax Silica only makes the Philippines a sacrificial pawn in US Asia-Pacific designs. Copyright 2021 by the Global Times. https://www.globaltimes.cn/page/202607/1365956.shtml

Tulabut, N., & Tulabut, N. (2026, July 17). BDO execs see Pax Silica positive impact - Pampanga News Now. Pampanga News Now -. https://pampanganewsnow.com/bdo-execs-see-pax-silica-positive-impact/

Villanueva, J. (2026, July 10). Major PH gains expected from Pax Silica initiative. Philippine News Agency. https://www.pna.gov.ph/articles/1279223

Zapanta, L. K. M. (2026, July 16). Pax Silica deal eyed before potential Trump visit. Inquirer.Net. https://business.inquirer.net/600597/pax-silica-deal-eyed-before-potential-trump-visit

Zapanta, L. K. M. (2026, July 12). DOF chief gives Pax Silica another push. INQUIRER.net. https://newsinfo.inquirer.net/2262054/dof-chief-gives-pax-silica-another-push

๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐“๐š๐ฉ๐ฎ๐ง๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐‹๐ฎ๐ฉ๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ง๐ฎ๐ง๐จ: ๐๐š๐ง๐ข๐ง๐ข๐ง๐๐ข๐ ๐š๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ฅ๐ข๐ค๐š๐ฌ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐Š๐š๐ญ๐š๐ซ๐ฎ๐ง๐ ๐š๐งNakapanlulumo. Nakagagalit. Nakaaalarma.Ang...
17/07/2026

๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐“๐š๐ฉ๐ฎ๐ง๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐‹๐ฎ๐ฉ๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ง๐ฎ๐ง๐จ: ๐๐š๐ง๐ข๐ง๐ข๐ง๐๐ข๐ ๐š๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ฅ๐ข๐ค๐š๐ฌ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐Š๐š๐ญ๐š๐ซ๐ฎ๐ง๐ ๐š๐ง

Nakapanlulumo. Nakagagalit. Nakaaalarma.

Ang dokumentaryong ๐—œ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ผ ni Kara David ay nagbigay-liwanag sa isang seryosong suliraning pangkapaligiran at panlipunan sa Sitio Tibag, Subic, Zambales. Ibinunyag nito ang naging epekto ng pagtatayo ng dumpsite sa isang lugar na bahagi ng lupang ninuno ng mga Aeta, kung saan ang dating bangin ay ginawang tapunan ng basura sa loob ng ilang taon.

Ang insidenteng ito ay hindi lamang usapin ng maling pamamahala ng basura. Ito ay usapin ng pangangalaga sa kalikasan, pananagutan ng mga kinauukulan, at paggalang sa karapatan ng mga katutubong pamayanang matagal nang umaasa at nangangalaga sa kanilang lupain.

Ang pagkasira ng lugar ay may direktang epekto sa kabuhayan at pamumuhay ng mga residente. Ang batis na nagsisilbing mahalagang pinagkukunan ng tubig at pagkain ng komunidad ay naiulat na naapektuhan matapos maitayo ang dumpsite, na nagdulot ng pangamba hinggil sa kaligtasan ng kanilang kapaligiran at likas na yaman.

Ang pahayag na hindi umano alam na may komunidad sa naturang lugar ay hindi dapat maging batayan upang maisantabi ang karapatan ng mga Aeta. Ang anumang proyektong may epekto sa ancestral domain ay nangangailangan ng masusing pagsusuri, pananagutan, at paggalang sa mga pamayanang direktang maaapektuhan.

Bilang mga lider estudyante mula sa ๐—ฅ๐—ง๐—จ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ป ๐—˜๐—ป๐˜ƒ๐—ถ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐—”๐—ฐ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฒ๐˜€, mariin naming kinokondena ang anumang gawaing sumisira sa kalikasan, lumalabag sa mga batas pangkapaligiran, at nagpapawalang-halaga sa karapatan ng mga Indigenous Peoples sa kanilang lupang ninuno.

Ang pangangalaga sa kapaligiran ay hindi maaaring ihiwalay sa pangangalaga sa karapatang pantao. Ang pagkasira ng kagubatan ay hindi lamang pagkawala ng likas na yaman. Ito ay pagkawala rin ng kultura, kabuhayan, kasaysayan, at kinabukasan ng mga pamayanang matagal nang umaasa rito.

Ang mga batas tulad ng ๐—˜๐—ฐ๐—ผ๐—น๐—ผ๐—ด๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐—น ๐—ฆ๐—ผ๐—น๐—ถ๐—ฑ ๐—ช๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ฒ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—”๐—ฐ๐˜ ๐—ผ๐—ณ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ (๐—ฅ๐—” ๐Ÿต๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฏ), ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—–๐—น๐—ฒ๐—ฎ๐—ป ๐—ช๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—”๐—ฐ๐˜ ๐—ผ๐—ณ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฐ (๐—ฅ๐—” ๐Ÿต๐Ÿฎ๐Ÿณ๐Ÿฑ), ๐—ฎ๐˜ ๐—œ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ด๐—ฒ๐—ป๐—ผ๐˜‚๐˜€ ๐—ฃ๐—ฒ๐—ผ๐—ฝ๐—น๐—ฒ๐˜€โ€™ ๐—ฅ๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜๐˜€ ๐—”๐—ฐ๐˜ ๐—ผ๐—ณ ๐Ÿญ๐Ÿต๐Ÿต๐Ÿณ (๐—ฅ๐—” ๐Ÿด๐Ÿฏ๐Ÿณ๐Ÿญ) ay hindi lamang mga patakaran na maaaring piliing sundin o balewalain. Ang mga ito ay mga batas na naglalayong tiyakin ang responsable at makataong pamamahala ng basura, pangangalaga sa likas na yaman, at pagkilala sa karapatan ng mga katutubong pamayanan.
Ang anumang paglabag sa mga batas na ito ay dapat may kaakibat na pananagutan.

Dahil dito, nananawagan kami sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), Office of the Ombudsman, at iba pang kinauukulang ahensya na magsagawa ng malaya, mabilis, at transparent na imbestigasyon hinggil sa naturang insidente.

Hinihiling din namin ang agarang pagsasagawa ng kinakailangang rehabilitasyon ng lugar alinsunod sa umiiral na mga batas at pamantayan sa pangangalaga ng kapaligiran, gayundin ang pananagutan ng sinumang mapatutunayang lumabag.

Higit sa lahat, hinihimok namin ang mga institusyon na tiyakin ang kaligtasan at proteksyon ng mga katutubong Aeta na patuloy na ipinaglalaban ang kanilang lupang ninuno, kapaligiran, at karapatang magsalita.

Ang Ibinasurang Paraiso ay hindi lamang kuwento ng isang bangin na natabunan ng basura. Ito ay kuwento ng isang komunidad na nawalan ng dating ligtas na kapaligiran. Ito ay salamin ng mas malawak na suliranin sa pamamahala ng basura, pananagutan ng pamahalaan, at pagkilala sa karapatan ng mga katutubo. Ito ay paalala na ang tunay na pag-unlad ay hindi dapat nakabatay sa pagkasira ng kalikasan at pagsasakripisyo ng mga komunidad na unang nakararanas ng epekto nito.

๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—น๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ป๐—ผ.
๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—ฟ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป.
๐—”๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ต๐˜‚๐˜€๐˜๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ ๐—ฎ๐˜† ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—บ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—ป.




13/07/2026

To protect our remaining wetlands in Metro Manila

05/06/2026

Today, we celebrate the World Environment Day. This occasion reminds us of our shared duty to protect, restore, and responsibly manage our natural resources to ensure a healthy and sustainable future for both current and future generations.

By working together, we can help build a greener and more sustainable tomorrow.


01/06/2026

Save the seas, protect the coral reefs.๐Ÿชธ

Address

Room 202 Old Building, Rizal Technological University
Mandaluyong
1550

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RTU Commission on Environmental Activities posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share