14/08/2026
News Alert
Migrant Workers Protection Bureau
๐ก๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ธ๐ผ ๐ป๐ด ๐ก๐๐ฟ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ ๐๐ผ๐ฏ, ๐๐๐ถ๐น๐๐ ๐๐ฎ ๐๐น๐น๐ฒ๐ด๐ฎ๐น ๐ฅ๐ฒ๐ฐ๐ฟ๐๐ถ๐๐บ๐ฒ๐ป๐
๐๐ข๐ญ๐ฐ๐ฐ๐ค๐ข๐ฏ ๐๐ช๐ต๐บ, ๐๐ฉ๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฆ๐ด โ Nahukuman at nahatulang guilty sa Illegal Recruitment si Roderick Paculdar y Reyes ng Regional Trial Court (RTC) Branch 126, Caloocan City, matapos mangako ng trabaho bilang nursing aide sa Singapore kapalit ng daan-daang libong piso.
Ayon sa desisyon ng korte, nakapagbayad ang complainant ng mahigit โฑ700,000.00 mula Marso hanggang Abril 2024 matapos kumbinsihin ni Paculdar na kaya nitong ayusin ang kanyang deployment sa Singapore.
Sa tulong ng Department of Migrant Workers (DMW) โ Migrant Workers Protection Bureau (MWPB), natuklasan na hindi affiliated o empleyado ng isang licensed recruitment agency si Paculdar at wala siyang lisensya o awtoridad na magsagawa ng recruitment at deployment para sa overseas employment.
Mula sa pagkuha ng statement at paghahanda at pagsasampa ng kaso hanggang sa paglilitis, patuloy na nagbigay ng legal assistance ang DMW sa complainant. Kinatawan din ng DMW ang kaso bilang special collaborating prosecutor, katuwang ang DOJ prosecutor, sa mga pagdinig ng korte.
Sa tulong ng DMW, naiulat ng complainant ang insidente sa Caloocan City Police. Nang humingi pa ang akusado ng karagdagang โฑ6,500.00, isinagawa ang entrapment operation noong 18 Abril 2024 sa labas ng Jollibee, SM City Grand Central, Caloocan City. Narekober mula sa possession ng akusado ang marked money na naging bahagi ng ebidensiyang iniharap sa korte.
Batay sa desisyon, napatunayang guilty si Paculdar sa Illegal Recruitment matapos mapatunayan na wala siyang kinakailangang lisensya o awtorisasyon upang magsagawa ng recruitment at placement, alinsunod sa mga probisyon ng Labor Code at Republic Act No. 8042, as amended by RA No. 10022.
Hinatulan siya ng 14 na taon at isang araw hanggang 16 na taon na pagkakakulong, bukod sa โฑ1,000,000.00 na multa. Inatasan din siyang bayaran ang complainant ng โฑ737,357.00, kasama ang 6% legal interest bawat taon, alinsunod sa desisyon ng korte.
Muling nagpapaalala ang DMW sa mga naghahanapbuhay sa ibang bansa na mag-verify muna bago magbayad. Tiyaking lisensyado at awtorisado ng DMW ang recruiter o recruitment agency at agad ireport ang kahina-hinalang recruitment activities sa https://www.facebook.com/dmwairtip.