07/04/2026
Ang Pamunuan ng mga Kabataan ng Parokya ay nais magbigay ng pasasalamat sa mga tumulong upang maisakatuparan ang matagumpay na Senakulo 2026.
Una't higit sa ating Panginoong Hesukristo na siyang unang nagbigay ng kuwento, insipirasyon, pagmamahal, at biyaya.
Sa Pamunuan ng Parokya ng San Felipe Neri, sa ating Kura Paroko Pd. Cesar Buhat, sa ating Bikaryo Paroko at Youth Adviser Pd. Aldwin Gerolao, sa ating Parish Staffs and carpentry na sumuporta. Sa Pamunuang Pastoral ng Parokya sa pangunguna nina Sis. Gude Guese at Bro. Romy Delos Santos, at sa lahat ng Ministries and Organizations ng Parokya.
Sa mga kabataang nagpakita ng kanilang husay at talento sa pag-acting, pagsusulat, pagluluto, pag-likha, at marami pang ibang ibinahagi para sa dula. Pasasalamat sa Senakulo 2026 Casts and Committees. Sa pamumuno nina Kuya Joshua at Ate Grace, bilang Events head. Kay Kuya Cedric na gumanap bilang Hesus. Sa direksyon at gabay ni Sis. Lolit Abad, sa pagsusulat ni Kuya Joshua at Kuya Claro. Sa mga likhang gawa ng Props Committee sa pangunguna ni Kuya Joseph, sa mga pagsasaayos na teknikal sa pangunguna ni Kuya Angelo at Kuya Jarem. Sa mga pagkain ni Ate Dein, sa pamamahala ni Ate Carressa, sa pamamahala sa mga pananalapi ni Kuya Edezeus. Sa mga Publication Materials nina Ate Marinelle, Ate Ceejay, Ate Donna at ng buong Socom. Sa natatanging pagganap sa pag-awit nina Ate Mary at Ate Faith. Malaking pasasalamat sa inyong mga kasapi na hindi na natin mababanggit dito sa post.
Natatanging Pasasalamat sa mga larawang kuha at handog ni Ate Maricar Santos. Sa mga damit na likha nina Juvinal Laroco, Charlize Magno, Krisdeniela Peciller, at Juackin Dimayuga.
Natatanging Pasasalamat sa pagsuportang pinansiyal at pagkain ng mga kabataan:
Mandaluyong City Government, Punong Lungsod Kagg. Menchie Abalos
Konsehala Charisse Abalos
Leon at Lopez Family
Isidro Family
Guese Family
De Leon Family
Mother Butler's Guild
Marquez Family
Maranan Family and Legion of Mary/Apostleship of Prayer
Cruz Family
Kuya Denden
Alpha Sierra Medical Team
Vergara Youth Emergency Squad
Nais rin naming pasalamatan ang mga magulang, kamag-anak, at mga kaibigan ng ating Casts na tumulong at nagbigay suporta sa kanila.
Ang lahat ng parangal, pagpupuri, at pasasalamat ay sa ating Panginoong Muling Nabuhay, na patuloy na nagbibigay pag-asa at biyaya sa atin.
Hanggang sa muli!