31/08/2026
Pambansang Araw ng mga Bayani
Bayan. Pagpupugay sa tapat na nagsisilbing lingkod-bayan at mga pribadong mamamayan - hindi inaalintana ang sarili para lamang matugunan ang kapakanan ng karamihan at kinasasakupan.
Bayani. Nasa isip, salita at gawa ang pagsasa-una sa pagbahagi ng serbisyo sa kapwa-tao, di bale na kung huli sa benepisyo.
Bayanihan. Tulong-tulong, kapit-bisig sa paglutas ng suliranin ng sambayanan tungo sa ikauunlad ng lipunan.
Sa SipaG Bubuyog , nais natin mamulat ang ating kabataan na magiging tagasulong sa pagsugpo ng kahinaang pangangatawan, pagpalakas ng isipan at pagpapatibay ng kalusugan, paglago ng pakikitungo sa kapwa kabataan, at pag-iiwas sa mga bisyong nagdadala ng kapahamakan. Para sa magigiting na kabataang Pilipino at mga pamilyang kaakibat na nagtataguyod ng susunod na henerasyon!
Matiwasay na pagugunita ng Araw ng Kagitingan sa lahat.
๐ท graphics