04/07/2026
π ISANG LIGA ANG NATAPOS, PERO ISANG PAMILYA ANG NABUO. β€οΈπ
Sa bawat tunog ng buzzer, bawat pawis na pumatak, bawat sigawan sa court, at bawat laban na hindi sinukuan maraming salamat sa inyong lahat.
Congratulations sa ating mga naging kampeon! π Ngunit higit pa sa tropeo, ang tunay na panalo ay ang pagkakaisa, respeto, pagkakaibigan, at masasayang alaalang nabuo sa buong liga.
Hindi rin magiging matagumpay ang event na ito kung wala ang ating mga sponsors at supporters na buong pusong nagbigay ng tulong at tiwala. Kap. Bogs Camacho Konsi D**g Ocampo konsehala Leslie Cruz Sk Chairman Gerome Tuberlleha, Mula sa kaibuturan ng aming puso, maraming maraming salamat sa inyong suporta. Ang inyong kabutihan ang naging pundasyon ng tagumpay ng ating liga.
Maraming salamat din sa ating mga players, coaches, referees, committee members, organizers, at sa bawat taong dumalo at sumuporta. Kayo ang dahilan kung bakit naging buhay at makabuluhan ang bawat laro.
Hindi dito nagtatapos ang lahat. Isa lamang itong simula ng mas marami pang oportunidad upang magsama-sama, magkaisa, at ipakita ang tunay na diwa ng sportsmanship.
Hanggang sa susunod na season! π
Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng ating liga. Hindi namin makakalimutan ang inyong suporta. God bless us all! β€οΈπ