23/10/2025
Mga kurakot, ikulong na yan! ๐ฅ
๐๐ธ๐๐ธโ๐พ ๐๐ธโ๐พ๐พ๐ธ๐พ๐ธ๐๐ธ ๐๐โ๐โ๐ธ ๐๐ธ ๐๐๐๐๐ผ๐๐ธ๐๐๐๐โ๐พ ๐๐โ๐ธโ๐๐๐โ
Kami, ang masang manggagawa / anakpawis ang pangunahing bumubuo ng bansa. Kami ang gulugod ng ekonomiya ng Pilipinas. Kami ang may pinakamalaking ambag sa kaban ng bayanโngunit kami rin ang tumatanggap ng pinakamababa.
Kami ang masang manggagawa: mga obrero, g**o, nars, doktor, empleyado sa BPO, drayber, magsasaka, mangingisda, janitor, caregiver, kasama ang masang nabubuhay sa para-paraan. Kami ang nagbabayad ng pinakamalalaking buwisโmula binibiling konsumo, mula sa kita at maging sa pagbabayad sa pambansang utang. Ngunit parang basura kung kami ay itrato.
๐ผ๐๐๐๐ ๐๐๐ผ ๐๐ผ๐๐๐๐๐๐ฟ๐๐๐ผ๐
Hindi kami humihingi ng limos. Hustisya ang aming sigaw.
๐ผ๐ข๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฌ๐๐๐๐ฃ:
โ Makataong sahod at seguradong trabaho
โ Serbisyong publiko na hindi ginagamit sa pamumulitika
โ Pananagutan sa halip na kaligtasan sa parusa
Tinitiis namin ang mahabang oras, mapanganib na kalagayan, at patuloy na pagtaas ng gastusin. Nilalampasan namin ang baha, sunog, pandemya. Nagbabayad kami ng buwis sa bawat pagkain, sakay, at padala. Ngunit saan napupunta ang aming pera?
๐๐ผ๐๐๐ผ๐๐๐ผ ๐๐๐๐๐๐ผ ๐๐๐๐๐๐๐ผ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ผ๐๐๐๐๐
BADYET PARA SA PANDARAMBONG, HINDI PARA SA BAYAN
Ang pambansang badyet ay dapat nagsisilbi sa mamamayan. Ngunit itoโy ginagawang kasangkapan ng korapsyon.
โ Noong 2025, โฑ450 bilyon ang isiniksik sa badyetโnakatagong pork para sa mga dinastiyang pampulitika
โ Ang DPWH ay naglalaan ng proyekto sa mga pinapaborang kontratista, ilan sa kanila ay kasalukuyang iniimbestigahan
โ Ang Confidential at Intelligence Funds (CIFs) ay ginagastos nang walang audit, pananagutan, o pakinabang sa manggagawa. Tampok na halimbawa ay ang kontrobersyal na CIF ni VP Sara Duterte na humantong sa pagsasampa ng impeachment complaint laban sa kanya.
Habang di sapat ang sahod, at o kulang o walang maayos o sapat na panlipunang serbisyo sa anyo pampublikong ospital, paaralan, at pabahay. May mga kalsadang walang patutunguhan, tulay na bumabagsak, at gusali ng paaralang hindi natatapos. Yumayaman ang mga dinastiya habang nagugutom ang aming mga anak.
๐๐ผ๐๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐ผ ๐๐ผ๐๐ฟ๐ผ๐๐ผ๐๐ฝ๐๐๐
Taon-taon, inuulit ang parehong siklo:
1. Magpapasa ng badyet ang Pangulo
2. Mag-iinsert ng pork ang Kongreso at Senado
3. Ipamamahagi ng mga dinastiya ang proyekto sa mga kaalyado
4. Tira-tira ang makukuha ng mga manggagawaโkung meron man
๐๐๐ฃ๐๐ ๐๐ฉ๐ค ๐จ๐๐ข๐ฅ๐ก๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ก๐ฅ๐๐ ๐๐ฃ. ๐๐จ๐ ๐๐ฉ๐ค๐ฃ๐ ๐จ๐๐จ๐ฉ๐๐ข๐๐ฉ๐๐ ๐ค๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ง๐๐ข๐๐ค๐ฃ๐.
๐๐ผ๐๐๐๐๐๐ฟ๐๐๐ผ๐ ๐๐ ๐๐๐ผ ๐๐ผ๐๐๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ: ๐๐๐๐ผ๐ ๐๐ผ ๐๐๐๐๐๐๐ผ
Estruktural na pagbabago para sa pag-angat ng masang manggagawa:
โ I-abolish ang CIFs sa labas ng tunay na ahensyang pangseguridad
โ Wakasan ang pork barrel at budget insertions
โ I-audit ang lahat ng pondo ng gobyerno
โ Buwagin ang monopolyo ng mga dinastiyang pampulitika
โ Garantiyahan ang makataong sahod sa anyo ng sapat at o libreng serbisyong publiko para sa lahat
๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐
Hustisya para sa manggagawa. Gobyernong nagsisilbi sa bayanโhindi sa dinastiya.
๐๐๐ ๐๐๐ง๐ฉ๐๐ ๐ช๐ก๐๐ง ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฌ๐๐๐๐ฃ:
โ Usigin ang mga tiwaling opisyal. Bawiin ang ninakaw na yaman
โ I-impeach si VP Sara Duterte sa pang-aabuso ng CIF
โ Ipasa ang Anti-Dynasty Law
โ Amyendahan ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act
โ Repormahin ang Omnibus Election Code
โ I-abolish ang Unprogram budget allocation at CIFs cm Pork barrel
โ Garantiyahan ang dagdag sahod, sa anyo ng sapat at o libreng pabahay, edukasyon at serbisyong pangkalusugan para sa lahat.
๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐๐๐๐ฃ ๐๐ฉ ๐ ๐ช๐ข๐๐ก๐ค๐จ ๐๐จ๐ช๐ก๐ค๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ผ๐๐๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ
โ K - Kilos Kontra Katiwalian ng mga Patronaheng Politika
โ I - Isabatas ang Anti-Dynasty Law
โ L - Lakas ng Mangagawa at Mamamayan
โ U- Usigin mga tiwaling Pinunoโt Opisyal ng Pamahalaan at parusahan
โ S - Sulong para sa Tunay na Pagbabago
๐๐ผ๐๐๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ ๐๐๐ข๐.
Hindi kami mahina. Kami ay marami at may angking lakas.
Hindi kami mananahimik. Kami ay tumitindig.
Hindi kami humihingi ng limos. Hustisya ang aming sigaw.
๐๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฎ๐๐ง๐๐๐๐ฃ ๐จ๐ ๐ข๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐ฌ๐. ๐๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฎ๐๐ง๐๐๐๐ฃ ๐จ๐ ๐๐๐ฎ๐๐ฃ.