07/10/2025
Noong Oktubre 3, ang PYA-Mandaluyong Officers at Members, kasama ang CSWDD-Mandaluyong, ay nagsagawa ng benchmarking activity sa PYA-Baguio bilang bahagi ng pagdiriwang ng 51st PYAP Founding Anniversary na may temang “Thriving, not just surviving: Holistic support for the socio-emotional well-being, igniting hope and shaping the future of a new era of PYAP-AKO.” 💚
📍 Ginanap ito sa Siglat Youth Innovation Hub at Baguio City Command Center, kung saan natutunan namin ang mga best practices ng PYA-Baguio sa pagpapatakbo ng kanilang mga programa, paggamit ng teknolohiya sa youth engagement, at mahusay na koordinasyon sa kanilang LGU. Sa Command Center, ipinaliwanag kung paano nila ginagamit ang real-time data para sa monitoring, disaster response, at social welfare — isang sistemang maaaring gawing modelo ng PYA-Mandaluyong.
Nakipagpulong din kami kay Baguio City Vice Mayor Faustino A. Olowan sa Mayor’s Office, kung saan tinalakay ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng pamahalaan at kabataan sa pagpapaunlad ng komunidad.
Isang makabuluhang karanasang nagbigay inspirasyon at bagong kaalaman para sa PYA-Mandaluyong sa pagpapalakas ng mga programa para sa kabataan! 🌱✨
Ito ay sa tulong at suporta ng ating butihing Mayor Menchie Abalos, Vice Mayor Anthony Suva, Gender and Development Mandaluyong, and City Social Welfare and Development Department Mandaluyong
Pinangasiwaan ng PYAP Mandaluyong Federation Officers, sa pangunguna ng Federation President na si Jaja Martinez, at ng kanilang Focal Person na si Ms. Meliena Baril.